"Wa-" Hindi ko na ipinatuloy ang sinasabi niya, hinila ko na lang siya sa may gitna.





CAMILLE'S POV

Hay, nakakapagod tumakbo nang naka-heels. Tapos itong si Charles, hindi man lang ako tinanong kung gusto ko sumali. Hinila na lang ako basta. Ang sakit na ng paa ko! 

"Okay, let's start the game." Pahiwatig ni Mrs. Minnia. 

Namatay ang mga ilaw at pinalitan ito ng mga nagsasayawang spotlights. Pumailanlang na rin ang masayang tugtog.

"Ano ba ang gagawin?" Malakas na sabi ko kay Charles bunga nang malakas na tugtog. 

"Nakikita mo naman na may papel 'di ba?" Malakas din nitong sagot. 

"E, ano nga ang gagawin sa papel?" 

"Paper dance!"

Sayaw

Tigil

Sayaw

Tigil

Sayaw

"Umiinit na ang tagisan, dalawang pares na lang ang natitira. Sino kaya ang matibay?" Anunsyo ni Mrs. Medina. Kami ni Charles, saka sina Nadine na lang ang natitira.

Sayaw

Tigil

Sa kasamaang palad, nailabas ni Nadine ang paa niya, kaya kami ang nanalo. 

Hindi ko inasahan ang ginawa ni Charles... Niyakap niya ako at parang tuwang-tuwa siya? Dahil siguro nanalo kami? Pero parang ang babaw naman ng kaligayahan niya kung gano'n. 

"Problema mo?" Tanong ko sa kaniya nang makabalik kami sa aming kinalalagyan kanina.

"Wala." Sagot lang nito saka naupo at lumagok ng juice. 

'Yung mga sumunod na activities, hindi na kami sumali. Nanood na lang kami.

"Okay, mayroong dropbox dito, at pwede kayong maghulog ng letter kung ano'ng gusto niyong sabihin sa taong gusto ninyong bigyan nito. Pwede niyong ilagay ang pangalan niyo kung gusto niyong malaman nila kung sino kayo." Paliwanag ni Mrs. Acebedo nang matapos ang isang activity.

Nakita ko na maraming estudyante ang naghulog sa dropbox.

"I'll pick one." Sabi ng aming punong-guro. Dumukot siya sa dropbox at kumuha ng isang papel. "Ang nakalagay... To Camille, alam mo bang parang na love at first sight ako sa 'yo. From, Mr. Stranger." Basa ni Mr. Jackson.

"Whoah!" Sigawan ng mga estudyante rito.

Sa akin? Na love at first sight? Nakagugulat. Ibig sabihin ba no'n, hindi pa ganito ang itsura ko gusto na niya ako? Sino ka? Kailangan mo nang magpatingin ng mata mo. 

Napansin ko si Charles sa harapan ko na ngingisi-ngisi. Problema nito? 

"Camille, pa-picture naman sayo oh." Sabi ng ilang schoolmates namin. 11 PM na at tapos na ang event. Si Charles nauna na sa parking lot. 

"Thank you!" Sabi nila matapos magpa-picture at nagpaalam na.

Sa wakas, natapos na rin. Ang sakit-sakit na ng sakong ko.

"Camille, mauuna na kami ni James ha?" Paalam ni Nadine. 

"Sige." Sagot ko. "Ang hirap pala kapag nakasuot ng heels nang matagal." Bulong ko sa kaniya at natawa lang siya.

"Okay lang 'yan, masasanay ka rin. Lalo na't palaging may event dito sa school."  

"O pa'no, mauuna na kami." Paalam ulit niya. Tumango na lang ako at ngumiti bilang sagot ko.

Habang naglalakad ako papunta sa may parking lot, bigla na lang kumulog. Mukhang uulan, kailangan na namin makauwi.

"Charles, uuwi na ba tayo? And'yan na ba si Manong?" Tanong ko kay Charles pagkalapit ko sa sasakyan niya.

"Nauna na sila. Umuwi ka na lang mag-isa mo." Seryosong sagot niya. 

Bakit ba bigla na lang nag-iba ang mood niya? Parang kanina lang ang ayos pa. Ang gulo niya.

Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaandar niya na 'yon.

Paano na 'yan? Paano na ako makauuwi nito? Tapos, parang uulan pa. 

Naupo muna ako sa isang bench kasi ang sakit na talaga ng sakong ko.

Tatawag na sana ako kay Papa, kaso empty bat na pala ako. Ang malas ko talaga!

"Camille!" Rinig kong tawag ng isang lalaki sa akin. 

Lumingon ako at ang nakita ko ay si Sky. Nakasilong siya sa payong na dala-dala niya. Tumakbo siya papalapit sa akin.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya sa akin.

"Wala, e, nasiraan kasi 'yung driver kaya kailangan ipaayos 'yung sasakyan." Sagot ko na lang habang hinihimas-himas ang sakong ko.

"I'll give you a ride." Anyaya nito. 

"Talaga?" Paniniguro ko. Tumango lang siya.

"Let's go."

Tumayo na ako at muntik akong natumba. Buti na lang at nahawakan niya ako sa braso. "Be careful." Paalala niya. 

"Salamat."

Inalalayan niya ako habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Nakasilong kami sa iisang payong. 

Ang gentleman ni Sky. Napakalayo kay Charles!

Sumakay na kami sa sasakyan niya at pinaandar niya na 'yon. Habang nasa daan kami, napansin ko ang isang sasakyan sa hindi kalayuan. Nakahinto 'yon at nakabukas ang ilaw sa loob, pero hindi ko mamukhaan ang tao sa loob. 

"Uy, thank you ulit sa paghatid!" Nakangiting sabi ko kay Sky nang makarating na kami sa tapat ng gate nina Charles. 

***
edited: 2021

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now