Sayaw

Ang una kong naging kapares kung hindi ako nagkakamali ay si James.

Sayaw

Sayaw

Sayaw

Hanggang sa tumigil ang musika. "Remove your masks." Utos ni Mr. Jackson. 

Sinasabi ko na nga ba eh. 

"Bakit ikaw?" Murmur ko. 

"Ano aangal ka pa? Sa tingin mo masaya 'ko na ikaw partner ko?" Singhal nito. 

Sa dinami-dami ng pwede kong makapares, bakit si Charles pa?!





CHARLES' POV

Nagrereklamo pa, e. Hindi ko rin naman gusto na siya ang makasama ko buong gabi.

"At ngayon, para sa ating unang gagawin. Unahin na natin ang mga Grade 10 students. Ang lahat ng babae ay pupunta sa kaliwa at ang lalaki naman ay sa kanan. Ang kailangan niyo lang gawin, pupwesto kayo kung saan sa tingin niyo ay kapantay ninyo ang inyong kapares. Kailangan ay magtugma kayo. Matatapos ito hanggang sa may isang pares na magtugma. Ang premyo dito ay pandagdag sa inyong allowance.  Ang halaga nito ay 5,000.00. Kasiyahan lang ito kaya kayo ay inaanyayahan na magsisali." Paliwanag Mrs.Medina.

"Tara, sumali tayo." Aya ko kay Camille at hinila na siya papunta sa gitna. Hindi kami papatalo kina Nadine. Buti naman at hindi na umangal pa.

Nagsimula na ang aktibidad.

Sa unang pagkakataon, nang maibaba ang harang, hindi ko inaasahan na si Nadine ang makakapantay ko. 

"WHOAH." Sambit ng ilang mga estudyanteng nanunuod sa amin. Iniiwas na lang ni Nadine ang tingin niya. 

Kahit isang pares ay wala pang nagtugma.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko inaasahan na magtutugma sina Nadine at James, at ganoon din kami ni Camille.

"Sino kaya sa tatlong pares ang magkakatugma? Kailangan ay isa lang." Salita ni Mrs. Judan.

Muling itinaas ang harang. 

Isa. Dalawa. Tatlo. 

Bago pa man maibaba ay lumipat ako sa kabila. 

"At ang nagwagi ay sina Mr. Andrada at?" Anunsyo ni Mrs. Judan. Lumapit siya sa amin. "Binibini, ano ang iyong ngalan?" Tanong niya kay Camille.

Kita kong lumunok muna siya bago nagsalita. 

Magugulat kayo kapag nalaman niyo, dahil hindi kapani-paniwala. 

"Camille Ocampo po." Malumanay niyang sagot. Biglang nagbulungan ang mga schoolmates namin, lalung-lalo na ang mga kaklase namin.

"Kailangan talaga gano'n ang reaksyon?" Murmur ni Camille sa mga naging reaksyon ng mga tao.

"I can't believe it! Ang laki ng ipinagbago niya."

"I envy her, may itinatago pala siyang ganda."

"Baka mamaya nagparetoke lang siya."

Iyan ang ilang reaksyon ng mga tao sa kaniya. Nagkaroon na siya ng fans, at the same time may bashers din. 

Napagpasyahan kong kumuha ng juice para sa aming dalawa. Hindi na kami sumali sa mga activities. Nanood na lang kami.

"Hi Camille! Papicture naman oh." Lapit sa kaniya ng isang grupo ng mga estudyante. 

Aba't sumisikat na siya. 

Hindi naman siya tumatanggi at nagpapa-picture lang.

Akala mo artista.

"Iba na talaga ang beauty ko." Pagyayabang nito saka hinawi ang buhok nang makaalis ang grupo. Yabang nito.

"Masisilayan natin ang ilang fireworks maya-maya lamang. Tayo muna ay magsasalu-salo bago magpatuloy sa ating aktibidad." Anunsyo ni Mr. Jackson.

Napapansin kong napapatingin si Nadine sa gawi namin. Lutang na lutang na naman ang kagandahan niya. Kailangan ko nang pigilan ang sarili ko na humanga sa kaniya.

Akala ko ba wala na siyang pakialam sa akin? Pero bakit no'ng pumunta siya sa bahay ay kinumpronta niya ako? Hindi ko siya maintindihan. 





SOMEONE'S POV

Talagang nakalimutan mo na ako. Nasa harapan mo na ako kanina, hindi mo pa rin ako maalala. Alam mo ang pangalan ko, pero bakit hindi mo maalala kung ano ang nangyari sa nakaraan natin? Ano ba ang nangyari sa 'yo? Wala na akong naging balita sa 'yo nang maghiwalay tayo. Noong una, hindi agad kita nakilala dahil nag-iba ang itsura mo. Pero ngayon, lutang na lutang na ulit ang dati mong ganda.

***
edited: 2021

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon