"Mauuna na ako sa inyo ah?" Paalam ni Sophie nang makarating kami sa school. Nakita niya kasi agad ang mga kaibigan niya. 

Papasok na rin sana ako sa loob nang ilahad ni Charles ang isang kamay niya sa akin, kaya nalilito akong tumingin sa kaniya. "Ano'ng gagawin ko r'yan?" Tanong ko sa kaniya. 

"Tsk." Sabi lang niya saka mabilis na kinuha ang kamay ko at ikinawit sa braso niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko sa ginawa niya. Sumasama lang ako sa kaniya kung saan siya pumupunta. Hanggang sa makarating kami sa may entrance kung saan may eleganteng wallpaper at may mga photographers. Doon kami pumwesto. Parang wala lang nangyari, para siyang artista na kinukuhanan ng litrato sa red carpet. Ako naman, alanganin akong ngumiti habang kinukuhanan ng picture. 

Naguguluhan pa rin ako sa mga actions ni Charles!

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko sa kaniya saka bumitaw sa braso niya. 

"'Wag kang aalis sa tabi ko." Sabi lang niya at naglakad papunta sa loob. Muli niyang ikinawit ang kamay ko sa braso niya. Tinapatan kami ng spotlight nang tuluyan kaming makapasok.

Nang dahil sa spotlight na 'yon, napunta sa amin ang atensyon ng karamihan.

"Baka siya na nga ang bagong girlfriend ni Papa Charles."

"In fairness ang bilis niyang maka move-on ah."

"Bagay silang dalawa. Ang ganda ni girl, saka maganda ang korte ng body niya."

"Sana magtagal sila."

"Kaso, walang forever."

Iyan ang mga narinig kong comments nila. Kahit na may takip ang mga mukha namin nang dahil sa maskara, nakilala nila kami kaagad. Akala ba talaga nila ay magnobyo kami ni Charles? Malabo ang iniisip nila. Never mangyayari 'yan!  

"Pupuntahan ko lang si Nadine." Paalam ko kay Charles at umalis na agad.

"Nadine!" Tawag ko. 

"My goodness! You are stunning, bestfriend!" Sambit niya at nakipagbeso sa akin. Binati ko rin si James na nasa tabi niya. 

"Ang ganda-ganda mo!" Masiglang sabi ko naman sa kaniya habang taban ang dalawang kamay niya.

"Good evening, ladies and gentlemen! No one is allowed to remove their masks, so that, your classmates or the other students will not know who you are." Sabi ng aming punong-guro na si Mr. Jackson.

"Good evening everyone!" Masiglang bati naman sa amin ni Sir Mark.

"Good evening!" Sagot naming lahat. 

"Babalik na muna ako doon ha?" Paalam ko kay Nadine at itinuro ang lugar kung saan nakapwesto si Charles.

"Everybody, go to the center. You will be performing what you have practiced last time. You are not allowed to talk with others, just follow the steps. If the music has changed, your partners will also be changed. If the music stops, the person in front of you will be your partner the whole night." Paliwanag ni Mr. Jackson. 

Sumunod na kami sa sinabi niya at pumwesto na kami sa gitna.

"Music, cue!" Signal ni Mr. Jackson at nagsimula nang pumailanlang ang musika.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now