Chapter 22 || JM is Back? II

Start from the beginning
                                    

Scenario 1

Nasa mall ang magkakaibigan kasama si JM, busy sila sa kanilang pag hahanap ng kanilang mga damit na mabibili para magamit sa birthday ni Coleen, nang biglang nag salita ang isang sales lady.


"Ah Sir, kung gusto nyo pong pumickup ng babae dun po kayo sa bar pumunta thank you" sabi ng isang sales lady sabay umalis, nataka naman sila Karylle sa inasta ng sales lady kaya nilapitan nila si JM na ngayon ay umiiling iling habang nakangiti.





"JM what was that?" kunot noong tanong ni Karylle sa binata.





"Nothing... I just asked for her number and tumanggi syang ibigay sakin, so sinabi ko na date nalang kami pero ayaw nya rin, kaya sabi ko kiss nalang..." sagot ni JM sa kaibigan.





"bakit mo naman ginawa yun?!!!" mataray na sabi ni Karylle, at sinuklian naman sya ni JM ng isang makahulugang tingin na ikinataka naman ng dalaga.





"Wait are you jealous?" nakangiting sabi ni JM sa kanya





"NO! ang sinasabi ko lang kung sa america nagagawa mo yang mga ganyang bagay , dito sa Pilipinas hindi pwede" mataray na sagot ni Karylle.





"Ohh Okay, pero don't mind her na, marami pa naman ibang girls na pwede makadate.. gwapo ko kaya...HAHAHA" mayabang na sabi ni JM sabay alis para maghanap pa ng ibang damit na pwede sa kanya, napailing naman si Karylle sa inasta ng kaibigan.






Scenario 2:

BIrthday na ni Coleen and lahat sila invited sa party, so ang ginawa at usapan na ng magkakaibigan ay si JM nalang ang sumundo kay Karylle at si Vhong naman ang bahalang sumundo kay Anne para sila na ring apat ang magkakadate sa party. Nakarating si JM sa bahay ni Karylle nang tamang tama lang sa oras para hindi sila malate, nag door bell sya at si Zia ang nagbukas sa kanya para makapasok muna ito sa bahay nila.





"Hi Kuya JM, hindi pa tapos si Ate magbihis e pero I think malapit na din yun matapos, dyan ka nalang sa living room maghintay sa kanya. I'll just get you a drink what do you want?" tanong ni Zia sa kanilang bisita.





"No thank you im fine, ang tagal naman niya mag bihis" nakangiting sagot ni JM kay Zia


"Nako kuya sinabi mo pa nagpapaganda masyado" pambubuking ni Zia sa kapatid, at hindi din naman nagtagal ay lumabas na si Karylle mula sa kanyang kwarto at natulala naman si JM pagkakita palang sa dalaga simple red dress lang ang suot ng dalaga pero kita parin ang magandang hubog ng katawan nito at litaw na litaw ang natural na ganda ng dalaga at kulot nitong buhok.



"Told you kuya masyado syang nagpapaganda hehehe" pang aasar ni Zia kay JM dahil nakatulala lang ito at di namalayang nasa harapan na nya si Karylle, bumalik lang ito sa ulirat nang biglang hawakan ni Karylle ang ilong ni JM.



"Lets go" yaya ni Karylle sa binata


"Tagal mo tara na kanina pako dito bagal bagal tsss" sabi ni JM sa dalaga at mabilis na pumunta sa sasakyan para sumakay, ikinainis naman ni Karylle ang ginawa ng binata dahil ni hindi man lang ito nagpaka gentleman kagaya nang ginagawa nito sa kanya noon.



Scenario 4

Araw ng Biyernes at nagkasabay sabay ang day off ng magkakaibigan kaya naman nag kayayaan silang lumabas at makapag bonding ulit, excited naman silang lahat maliban kay JM dahil tinatamad raw itong sumama napilitan lang sya dahil pinilit siya ni Karylle na sumama, at kagaya ng dati ay nagkayayaan muna silang magkita kita sa bahay ni Karylle para iwanan ang mga sasakyang hindi naman nila gagamitin. Nasa bahay na ang lahat maliban kay JM dahil sa tinatamad nga ito kaya mabagal itong kumilos, kaya habang wala pa ay napagkasunduan ng magkakaibigan na kay JM nalang na sasakyan ang kanilang gagamitin sa pag labas nila.


Loved Your MusicWhere stories live. Discover now