Chapter 22 || JM is Back? II

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hey!!" inis na sabi ni JM


"Busy brad ah, bakit kanina ka pa tahimik kanina ka pa nakatingin jan sa phone mo" natatawang tanong ni Vhong


"its none of your business tsss" masungit na sagot ni JM sabay tumayo sa kanyang kinauupuan at lumabas ng restaurant, nagulat naman ang kanyang mga kaibigan sa inasta nito.



"Anong nangyari dun?" Takang tanong ni Anne


"Para binato lang ng tissue hindi naman masakit ito e, and dati naman di sya nagagalit sa ganung biro ko ah" inis na sabi ni Vhong.



"Wait susundan ko" sabi ni Karylle at mabilis na tumayo para sundan si JM.


Nang makalabas si Karylle sa restaurant ay nakita nya si JM na may kausap sa phone kaya hindi na muna sya lumapit, at hindi sinasadyang makinig sa pinaguusapan ng nasa kabilang linya.


KARYLLE's POV

Ang OA naman nung naging reaction nya, para binato lang ng tissue e nagalit na. May problema siguro yun, kakausapin ko nga sya asan na ba yun? Wait sya yun pero mukhang may kausap sa phone, mamaya na ako lalapit pag tapos na sila mag usap para hindi naman ako makaabala dito nalang ako. Pero kahit mejo malayo ako sa kinatatayuan nya ay sapat parin ang distansya ko mula sa kanya upang marinig ko ang pinaguusapan nila ng kausap nya sa phone, hindi ko naman sinasadyang marinig ang paguusap nila sadyang malakas lang ang tainga ko hahaha, pero sige na nga papakinggan ko narin andito narin naman ako.

"Yes po, opo I'm enjoying my stay naman here... Im with my friends right now were here at the mall.." sabi ni JM pero parang hindi sya happy sa get together namin ngayon habang nagkwekwento sya sa kausap nya.


"Opo okay na okay lang po ako, wala lang ako maalala talaga, and naninibago lang po siguro ako kaya hindi ako masyado makapag adjust agad--" hala! Wala syang maalala ?! So it is possible na may amnesia sya?! Oh my God!


yes mom masayang kasama mga friends ko dito don't worry" ay ayun hehe masaya naman pala syang kasama nya kami, pero teka bakit parang umiiyak sya? Ay hala! Nakita nya na ako, kaya ayan mukhang nagpaalam na sa kausap nya.


"Are you okay?" tanong ko sa kanya


"Yeah, what are you doing here?" Tanong nya sakin.



"Just checking on you, baka kasi hindi ka na bumalik dun dahil sa ginawa ni Vhong" sagot ko sa kanya.





"Hehe no its okay, nalungkot lang ako kasi namimiss ko si nanay" paliwanag nya sakin habang makikitaan na may namumuong luha nanaman sa mga mata nya.





"oh I see, ang tagal nyo rin kasi nag kasama ng mama mo sa states e. Normal na mamiss mo sya or sila nila Ate Babot right, kaya if you want to cry, then umiyak ka ilabas mo lahat ng lungkot na nararamdaman mo" sabi ko sa kanya habang nakangiti pero parang hindi nageffect lahat ng sinabi ko sa kanya dahil tumingin nalang sya sa malayo sabay mabilis na pinunasan ang mga luha nya.




"Sige na balik na tayo dun baka hinahanap na nila tayo, besides nagugutom narin ako tara" mabilis nyang pagbabago ng mood at topic at mabilis na naglakad pabalik sa loob at naiwan ako dito magisang nakatayo.


"Hay JM ano ba ang nangyayari sayo? Ibang iba ka sa JM na kilala ko :(" sabi ko nalang sa kanya kahit na malayo na sya sakin, kaya naman sinundan ko nalang sya para makabalik na rin ako sa loob

END OF KARYLLE'S POV





















Dumaan ang ilang mga araw at linggo ay nanatiling pareho ang nararamdaman ng magkakaibigang Karylle sa kaibigan nilang si JM, habang tumatagal kasi na nakakasama nila ito ay mas nakikita nila ang ugaling ibinalik nito mula sa America, na malayong malayo sa JM na nakakasama nila noon. Masyado na kasi ito naging mahangin o mayabang, mainitin ang ulo, mainipin at higit sa lahat mabilis pag dating sa mga babae, kapag kasi may gusto ito ay lalapitan nya agad at magpapakilala agad. Kagaya nalang ng unti unting pagbibigay ng atensyon nya kay Karylle na ikinataka naman ng magkakaibigan, dahil hindi naman ganun kabilis mag damoves si JM pag dating sa mga babaeng nagugustuhan nya.


Loved Your MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon