Nung una wala lang sakin, pero ng tawanan ni Dr. Everson si Dr. Montesor ay bigla akong nagulat. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na...na...omygod! I don't even want to admit it! Di kaya ang dalawang gwapong ito ay...bakla? And they have a secret relarionship?

But, it's impossible! Dr. Montesor is so hot to be a gay! He's intimidating and mysterious. But, everything can be hidden, right? Omygod. Nakaramdam tuloy ako ng goosebumps.

Binitiwan narin ni Dr. Montesor si Dr. Everson. Dr. Montesor shows nothing but a cold face while Dr. Everson is grinning. Maybe, Dr. Everson is the real gay, huh?

"Did you passed your resignation letter, already?" tanong ni Dr. Everson kay Dr. Montesor.

Napatingin sa'kin si Dr. Montesor na ikinagulat ko. Why? Is he jealous about me? Dahil hahalikan sana ni Dr. Everson ang kamay ko? Kaya ba siya ganoon makatingin sa'kin kanina because I'm pretty and he thinks I'll snatch Dr. Everson from him? Hah! Sayang ka po!

Itinaas ni Dr. Montesor ang kamay niyang may hawak na puting folder, "Not yet." sagot niya.

Tumingin si Dr. Everson sa'kin at ngumiti, "Miss Salvador, Doctor Montesor here is from the Phillipines too, back then, I think you two can understand more.." sabi ni Dr. Everson at ngumisi.

Nagulat ako at napatingin kay Dr. Montesor. His a Filipino? Wow.
He's now looking at me seriously. He's kind of curious about me...

"Oh! You are?" tanong ko sa kaniya.

Tumango si Dr. Montesor. He looks really intimidating and it looks like malalim ang iniisip niya ngayon. Pakiramdam ko talaga'y sinusuyod niya ako, like he's finding more info about me.

Ngumiti ako sa kaniya, not minding the awkwardness I feel. Dr. Everson tapped Dr. Montesor's shoulder and then looked at me, "So, let's start?" patanong na sabi ni Dr. Everson sa akin.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Naglalakad kami dito sa hallway ng hospital kasama parin namin si Dr. Montesor na siguro'y binabantayan ang kaniyang iniirog. Gusto kong matawa pero goosebumps ang nararamdaman ko. It's like I shouldn't agree with myself.

"That is the pediatric ward and at that corner is the maternity ward..." sabi ni Dr. Everson habang tinuturo ang mga rooms na nadadaanan namin.

Tango lang ako ng tango. Dito kasi kami magtataping at ilang araw nalang ay magiging katulad din ako ng mga doctor dito sa Sydney Hospital. Pwew, still I think this is my hospital. Ba't nga ba nila pinili ang Sydney, Australia when some other countries are still available.

Sometimes, I think Alexandrea is right. Nauubusan na ata kami ng budget, eh. But, I will prove her that kahit saan pa kami umacting ni Akiro, still we're great!

Hindi pa kami nakakalayo sa pediatric ward ng may sumigaw. "Doctor! Doctor!" sigaw ng isang babae.

Nilingon namin ang babae. Isa pala siyang nurse dito and she's running towards us. Nakatingin siya kay Dr. Montesor, "Doctor! The child is not breathing anymore..." tarantang sabi nito.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Napatingin ako kay Dr. Montesor na sumunod sa babaeng nurse papasok sa pediatric ward. Sumunod si Dr. Everson kaya sumunod rin ako.

Pagkapasok namin ay nakita kong mabilis na dinaluhan ni Dr. Montesor ang bata. Seryoso ang mukha niya habang chineck ang pulso ng bata at tsyaka ang banda sa leeg niya.

May inutos siya sa nurse na kaagad naman itong kinuha ng nurse at ibigay kay Dr. Montesor. To my knowledge, the thing that the nurse gave to Dr. Montesor was a defibrillator. He immediately put the two pads in his hands and put it to the child's chest and pump it.

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3) (Completed)Where stories live. Discover now