"Pareho tayo!" Masayang sambit nito. Nagpakilala muna kami sa isa't-isa. Ang sinabi ko sa kaniya, Milla ang pangalan ko. Siya naman si Odessa.
"Camille! Group 5 ako!" Masiglang sabi ni Nadine.
Nagulat kami nang lumapit si Charles sa amin.
"Ba't nandito ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Syempre, dito din ako nag-aaral." Kaswal na sagot niya. Nakapasok ang kamay sa magkabilang bulsa.
"Ang ibig kong sabihin, bakit nandito ka sa group namin?"
"Group 5 din ako."
Ang awkward ng atmosphere sa pagitan nina Charles at Nadine, buti na lang at nandito kami ni Odessa.
Nang maayos na rito sa section namin, lumipat naman kami sa kabila para hanapin din ang mga group mates namin.
Tatlo rin sila.
"Hi." Bati sa akin ng lalaking minsan ko nang nakasalubong. Nakalimutan ko lang ang pangalan niya.
"Hello." Nakangiting sagot ko naman.
Magkagrupo kaming dalawa.
Ipinaliwanag na sa amin 'yung mga gagawin namin, pagkatapos, binigyan pa kami ng oras para mapag-usapan ang gagawin namin sa project.
NADINE'S POV
Nang makita ko ang picture nila Charles at Camille sa group, parang nasaktan pa rin ako. Syempre, mahal ko pa rin naman si Charles. Kaso lang, nasaktan niya 'ko nang sobra kaya hindi na 'ko nakipag-ayos sa kaniya.
Nakita ko sila ng step sister ko na naghahalikan. Hindi naman 'yung halik na 'yon ang ikinagalit ko at kung bakit ako nasaktan. Nasaktan ako dahil step sister ko 'yon. Hindi kami magkadugo, pero kapatid ang turing ko sa kaniya, at anak ang turing sa kaniya ng Tatay ko.
Hindi ko talaga matanggap na kinaya nilang gawin 'yon. Nasaktan nila 'ko pareho.
Siguro kung sa iba mababaw lang ang dahilan ko, pero para sa akin masakit 'yon!
No'ng gustong mag-explain ni Charles, hindi ko na siya pinakinggan. Alam ko naman na puro kasinungalingan lang ang sasabihin niya. Ayoko nang masaktan pa ulit. First boyfriend ko pa naman siya, tapos gano'n ang nangyari. Ilang linggo akong umiyak nang dahil do'n.
Simula no'n, naging napakabigat na ng loob ko sa step sister ko. Ni hindi ko na siya kinausap. Strangers na ulit ang turingan namin sa isa't-isa.
Mukha namang hindi siya na-guilty sa ginawa niya.. Proud pa siya.
Enough for that. Sa positive side na lang ako laging tumitingin para lagi lang akong masaya.
Nakapalibot kami ngayon at pinag-uusapan ang mga kailangan naming ihanda para sa project namin sa English.
Napaka-awkward lang ng atmosphere ngayon dahil magkakasama kaming tatlo nina Charles at James sa iisang grupo. Buti na lang at may iba pa kaming mga kasama.
Si Camille ang napili namin para mag-lead sa group namin.
"Class dismiss."
Tapos na ang klase namin ngayong araw. Kapag ganitong Friday, half day lang kami.
CAMILLE'S POV
"Ate! Ate!" Tawag sa akin ng isang babae. Sa tingin ko, student din siya rito sa Williams. "Pwede po bang magpakuha ng litrato na kasama kayo? Nakita ko po kasi kayo sa group ng Williams, e."
Nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya 'di ba? Kahit na nahihiya ako, pinagbigyan ko pa rin siya.
"Salamat po." Nakangiting sabi niya at umalis na.
"Mag-mall muna tayo."
Nandito na kami ni Sophie sa sasakyan. Ilang minuto lang ang lumipas pagkaalis nung babae, dumating naman siya.
"Ano'ng gagawin natin do'n?"
"Window shopping!"
Hindi na 'ko nagdalawang-isip at pumayag na. Wala namang homework dahil weekend at wala ring klase kaya okay lang gumala.
Pinaandar na ni Manong ang sasakyan..
Nang malapit na kaming makalabas ng school, bigla kaming huminto dahil may kumatok sa likuran.
"Sasabay ako." Sabi ni Charles nang maibaba ang bintana.
"Kuya, may pupuntahan pa kami." Angal ni Sophie.
"Edi sasama 'ko." Kaswal na sagot ni Charles at sumakay na sa may harapan.
Mall..
Feeling ko parang may sumusunod sa amin nang patago. Ewan ko ba. Wala naman sigurong multo rito ano?
"Bakit parang hindi ka mapakali?" Takang tanong sa akin ni Sophie habang naglalakad at kumakain ng donuts.
"Parang may sumusunod sa atin, e."sagot ko sa kaniya.
"Natural nasa mall tayo, madaming tao. Talagang may nakasunod sa 'yo." Biglang sabi naman ni Charles.
°°°°
edited: 2021
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 10
Start from the beginning
