"Tignan mo, kapag pinag-usapan 'yan, yari ka talaga sa 'kin! Alam mong ayoko ng pinag-uusapan ako." Sambit ni Charles nang makabalik sila rito sa loob at nagdiretso na paitaas.

Nilapitan ko naman si Sophie. "So-"

"Magre-ready na 'ko for school, Ate. Bye!" Mabilis na paalam nito saka nagtatakbo paakyat.

Kung hindi ako nagkakamali, si Sophie ang may kagagawan no'n. 'Yun siguro ang dahilan kung bakit naghabulan sila ng Kuya niya.

Sa school..

"S'ya 'yung girl na kasama ni Charles sa picture 'di ba?"

"Oo, s'ya nga. S'ya rin 'yung dumating kahapon lang.

"Baka s'ya 'yung bagong girlfriend ni Charles."

"Ang swerte nila sa isa't-isa."

'Yan ang mga narinig kong komento ng ilang estudyanteng nadaanan ko. Imposible talagang hindi mapag-uusapan ang post na 'yon, sa dami ba naman ng students dito sa Williams.

Bakit ba kasi kailangan pang i-post?! May tarpaulin na nga sa bahay, e!

"Camille!" Tawag sa akin ni Nadine at agad na lumapit sa kinalalagyan ko. "Look." Ipinakita niya sa 'kin 'yung picture na naka-post sa group. May caption pa 'yon na 'How to be like them? So sweet!'.

Ano'ng sweet do'n? Mukha naman kaming mga pagod na manok!

"Hayaan mo na 'yan, mawawala rin 'yan." Sabi ko na lang saka siya inaya na pumunta na sa classroom.

Sakto pagdating namin do'n, kararating lang din ng teacher namin.

"Magandang umaga sa inyong lahat!" Masiglang bati ng teacher namin sa Filipino Subject. Nag-check siya ng attendance. Nilapitan ko siya habang nagtatawag siya ng pangalan.

"Ginang, pwede ho ba akong humingi sa inyo ng pabor?" Mahinang tanong ko.

"Maaari. Ano iyon?" Nakangiting sagot niya.

"Pwede ho bang 'wag n'yo munang tawagin 'yung pangalan ko? Para ho hindi nila 'ko makilala." Pakiusap ko.

"Ano ang iyong dahilan?"

Nag-imbento na lang ako ng dahilan, buti na lang at napapayag ko siya. Hindi na 'to mauulit! Pangako!

Hanggang sa natapos ang Filipino Subject.. English naman ang kasunod, kung saan magkakaroon kami ng project.

"Today, you are going to pick a piece of paper inside the jar. Furthermore, on that paper, there is a number written on it. The number you will be picking will be your group number. Understood?" Paliwanag ng teacher namin. Pagkatapos no'n, isa-isa na kaming tumayo at bumunot ng papel sa jar. "Now, if you are finished, go and find your group mates."

"Ano'ng number nung sa 'yo?" Tanong sa akin ng isa sa mga kaklase ko.

"5."

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon