HCTS 9 - #DoctorMontesor

Start from the beginning
                                    

"Do you need something?" tanong ko sa kaniya dahil di pa siya umaalis para pumunta sa room niya. Inutusan lang naman siyang ihatid ako.





Hindi siya tumingin sakin. Humalukipkip lang siya, "I know we're still not okay and I know this will be hard for you to stick with me. But, I would like to bring back our friendship. Yung dating masayang tayo..." sabi niya and then looked at me.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para akong nakalunok ng kung ano na hindi ko magawang makapagsalita.

Napaatras ako ng lumapit siya sakin. Inipit niya ang buhok saking tenga na tumatabon sa mukha ko.



Napakurap ako dahil medyo malapit ang mukha niya sakin. "Can we do that? I don't want to lose a friend like you, Kirt..." sabi niya.






Tumango ako sa kaniya. "O-of course. Sure...I don't want to lose someone like you too either, Akiro." sagot ko at saka pumasok na ng tuloyan sa loob ng kwarto ko.


(A/N: If you want background music in this part, I suggest I love you, I remember you by I.OI. Ito kasi yung pinakikinggan ko habang nagsusulat...)





Baka ko isara ang pinto ay ngumiti siya at kumaway. Nang tuloyan ko ng isara ay napasandal ako sa pintuan at napahawak sa puso ko.


Bakit ganito, Akiro? Alam kong ayaw mo sakin pero ba't ginugusto parin kita? At handa akong manatiling kaibigan mo, para makasama ka lang ng matagal pa.



Lunch time ng magyaya ang mga kasamahan ko sa trabaho na kumain sa isang yachte na restaurant.



Nag-ayos ako. I wore a white off-shoulder top and a maong high waist short and match it with my sandals.

Akiro escorted me until makarating kami. Habang nag-oorder sila ay di ko maiwasang mamangha sa ganda ng dagat dito sa Sydney.


Di kaya'y nandito si Nemo? Omygosh! Gusto siyang hanapin! Pero teka, nahanap na siya ng papa niya kaya wala na siya dito, pero hindi naman malayo dito ang tirahan nila.


Gusto kong matawa sa sarili. Namangha pa ako ng umandar na ang malaking yachte. Marami ding mga customer kahit mahal ang kumain dito.

Napahawak ako sa railing ng yachte at kumuha ng picture. I just can't help but be amaze sa paligid. Maraming barko at iba't-ibang klase pa.




Habang kumukuha ako ng picture ay may natanaw akong lalake sa malayo. Nakasakay siya sa isang speedboat. At halos malaglag ang panga ko.



Hindi naman siya masyadong malayo so I can see his face. Well, he's wearing a wayfarer so I can't fully see his entire handsome face.



Napatingin ako sa suot niya at napakagat labi. He's wearing a khaki short and up there was a polo but it was fully unbuttoned so he's half naked revealing his chest and his six pack abs! Damn!


I was so stunned na pakiramdam ko nagslowmo ang lahat. Ohmyfucking. He's so hot! Tsyaka bakit bigla nalang nag-slowmo? Kinuhaan ko siya ng picture. Super dami dahil sobrang bilis ng speedboat niya. But, I don't think I captured a good shot.







Nang papalapit na siya sa yachte namin ay agad may humila sakin paharap. It was a close up shot sana.





Nagulat ako kay Akiro. He was chuckling. "Why are you so shocked? Tawag kana. Kain na daw." sabi niya at saka ako hinila papunta sa table namin sa loob.


He Choose To Stay (HHMR BOOK 3) (Completed)Where stories live. Discover now