THE EVIL PLAN

Mulai dari awal
                                    

"May dahilan na siya para magalit sa babaeng iyon dahil pumirma na ito sa annulment."

Hindi parin ako kumbinsido, matagal ang annulment process dito sa Pilipinas na umaabot ng halos tatlong hearing, depende pa kung makikipag-cooperate ang both side.

Si Stone nalang ang problema at mukhang hindi ito madaling paamuhin.

Kailangan kong makaisip ng paraan. Kailangang magkaroon ng dahilan si Stone upang magalit sa babaeng iyon.

*****

FAITH ZYDNEY'S POV

"Bakit mo ginawa 'yon?" Bungad agad sa akin ng aking asawa.

Sa tono ng pagtatanong nito, mukhang alam na nito ang ginawa ko.

"Akala ko ba mahal mo ko, Zydney?" Dugtong nito na hinawakan ako sa magkabila kong braso.

Ikinulong ko sa palad ko ang mga pisngi ni Stone. "I love you, Stone. But I have to do this. Alam ko na ang lahat." Madamdaming saad ko dito.

"Maghihiwalay na ba tayo?"

"It's up to you, Stone. May pera kayo, may abogado, psychiatrist. Nasa inyo lahat. Pagmamahal mo lang pinanghahawakan ko. Sa proseso ng annulment dito sa pinas, umaabot ng tatlong beses ang hearing and it takes almost six years bago ito ma-grant. So it means, nasa iyo kung makikipag-cooperate ka?"

"Hindi kita pakakawalan, Zydney." Seryosong saad nito.

He kissed me on my forehead and hugged me.

"Nagawa ko iyon dahil ayokong naghihirap ang mga mahal ko ng dahil sa'kin. Sina lolo at lola, si Julia at - -" Tumitig ako sa mga mata nito. "At para sa'yo, Stone. Kaya kong magpakababa kung para sa mga taong mahal ko. Sad to say, hindi naging malaking tulong ang ginawa ko. Your mother have a heart of stone. I'm sorry." Napayuko ako.

Iniangat nito ang aking mukhang paharap dito. "No, I was the one who have to say sorry."

Napangiti ako. Sapat na sa akin ang narinig ko.

"But wait, how'd you know about the annulment process? So it means, alam mo nang mahirap ang annulment dito sa'tin pero pinakasalan mo parin ako?" Ngumiti ito nang nakakaloko.

"Ofcouse I know, silly man! Kaya lang, nawala na sa isip ko yun dahil sa bilis ng mga pangyayari." Nangunot ang noo ko. "Don't tell me, hindi mo alam iyon?"

Umiling ito.

Napabuga ako ng hangin. "Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo? English and science nga hindi mo alam."

"Grabe siya! Siyempre kanya-kanya tayo ng favorite na subject. Nagkataon lang sa P.E. ako magaling."

Tumaas isang kilay ko. "Talaga lang ha."

"Yup! Magaling ako sa sports and exercises. Lalo na yung push up saka swimming."

Napanganga ako sa sinabi nito.

Kinabig ako nito at dinada sa kanyang dibdib. "Hindi sa pagyayabang bebe ko. Alam mo bang dinaig ko pa si Muro ami sa pagsisid." Bahagya nitong ibinitin ang sinasabi. "Pagsisid ng perlas." Bulong nito kasabay ng paghalik nito sa pisngi ko.

(--__--) sintu-sinto talaga!

Humagalpak naman ito ng tawa sa mga kalokohan niya.

*****

"Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong ko kay Stone nang makita kong simpleng polo shirt lang ang suot nito.

"Hindi na, may kukunin lang akong gamit sa office tapos pupunta nalang tayo sa resort. Mas gusto ko pang maging boss si Kenneth kaysa sa kapatid ni mama."

Napakunot noo ako. "Mag-aapply ka kay Kenneth?"

"Yup! Hindi naman makakatanggi 'yon."

Napabuntong hininga ako kasabay ng pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Nakikita ko na kay Stone ang pagsisikap nito magkasama lang kami kahit may hadlang.

Naupo ako sa tabi nito at ikinulong sa aking mga palad ang pisngi nito. "Stone, I love you."

He smiled and kissed me on my lips. "I love you more."

Lumawak ang pagkakangiti ko at mahigpit itong niyakap na ginantihan naman nito.

"Ahm.. Stone, lalabas muna ako para mag-grocery ng ilang stocks sa kusina."

"Gusto mo, hintayin mo nalang ako para masamahan kita?"

"Huwag na, konti lang naman ang mga bibilhin ko."

Dahil sa pagpupumilit ko ay napapayag ko narin ito na ako na lamang ang mag-go-grocery at inihatid na lamang ako nito.

"Ingat ka, bebe ko." Bilin ni Stone matapos akong maihatid sa tapat ng grocery ay nagpaalam na ito.

"Ikaw din, beh. Ingat sa pagda-drive." Ganting saad ko dito.

Nang mawala na sa paningin ko ang lulang kotse ni Stone ay pipihit na sana akong papasok sa grocery nang may dalawang lalaki ang biglang sumulpot sa harap ko.

"S-sino kayo?"

"Iniimbitahan po kayo ni Madam Cuervo." Sagot ng isang lalaki.

Sasagot pa sana ako ngunit hindi ko na alam ang sumunod pang mga nangyari dahil nagising na lamang ako na nakahiga sa isang operating bed at hawak ng dalawang animo'y nurse ang aking mga kamay. Sa harapan ko naman ay doktor na naka-mask.

"A-anong gagawin niyo sa'kin?"

DARE GAME [completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang