63

1.7K 80 1
                                    

Jake's POV










"Pare. Sasabit ka dyan sigurado ako. Sa tingin ko ay baka isumpa ka pa niya dahil sa galit niya pag nalaman niya lahat yan!" Asik sa akin ni Derek.










Napasabunot ako sa sarili ko. Iniisip ko pa lang na magagalit si Maine sa akin. Tingin ko ay hindi ko na kakayanin. Putcha naman oh!











"Derek! Ano bang inaano mo dyan? I'll make sure na hindi niya malalaman yun hanggang sa mamatay ako! Hindi niya dapat malaman yun!" Galit na sigaw ko. Sabay lagok ng alak na iniinom ko.











Nasa California ako at dito para akong gago na isang empleyado ng isang sikat na magazine. Ako ang photographer. Sinundan ko kasi si Maine dito nung nalaman ko na naghiwalay na sila ni Alden.











I know most of you are laughing at me. Boss ako sa Pilipinas but I chose to stay here. Para makasama ko siya! At lahat naman ng ginawa ko ay dahil sa kanya!











"Tanga ka ba talaga? O hangal ka? Iniwan mo ang buhay mo sa Pilipinas para maging photographer lang dito? Ano bang pumasok sa isip mo Jake? Nasaan na ang sinabi mong maghihiganti ka kay Alden? Sinayang mo na yung pagkakataon mo!" Sigaw niya sa akin pero sinamaan ko siya ng tingin.











"Nawala na lahat ng yun Derek. Lahat ng yun nabalewala na ng dumating siya! Hindi ko na papakawalan si Maine. Bahala na kahit maging photographer na lang ako dito! Basta kailangan ko siyang mabawi. Hinding hindi ko na siya hahayaan na mapunta pa kay Alden!" Desididong sabi ko. Nasa harapan ko ngayon ang plane ticket ko pabalik ng Pilipinas.













Totoo lahat yun. Nawala na sa isip ko ang gumanti o bumawi kay Alden simula ng sumunod ako dito kay Maine. Lahat ng kasamaan sa utak ko ay nawala ng dumating siya. At hinding hindi ako papayag na mawala siya!











She's a wonderful person. Kaya ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang siya minahal ni Alden. Kung bakit gagawin ni Alden ang lahat wag lang siyang mawala. Ngayon alam ko na. At madami na din akong nasakripisyo. Tinakwil na ako ng Mommy ko. Nawala na ang lahat sa akin. At hinding hindi ako papayag na pati si Maine ay mawala.













Alden's POV











Para akong bata na nakasunod sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Nagbago man ang pananamit niya. Hindi pa din nagbabago yung pagiging magalang niya at mabusisi sa lahat ng bagay.











"Well then its settled. I'll just give you a call kung kailan ang expected delivery date. Thank you po!" Magiliw na sabi niya sa kausap niya regarding sa furnitures na napili niya. Very hands on siya sa business niya. From tables, chairs, utensils, everything.











"Thank you din po Ma'am." Sagot sa kanya nung kausap niya.











Ngumiti lang siya at tinignan ako. Nakasandal kasi ako habang pinapanood siya. Bading na bading no? Haha!











"Ano nainip ka ba? Sabi ko sayo matagal ako pumili e." Baling niya sa akin. Pero ngumiti lang ako sa kanya.











"Okay lang. Nakapaghintay nga ako ng tatlong taon e. Eto pa kayang ilang oras lang." Makahulugang sabi ko sa kanya. Napansin ko na natahimik siya bigla.












Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon