55

1.8K 75 4
                                    

Alden's POV










Gabi na. Hindi na ako mapakali hanggat hindi ko siya nakakausap. Nawalan ako ng lakas kanina para habulin siya dahil na din siguro sa mga sinabi niya. Sa itsura niya. Sa lahat.










Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Kahit na lumuhod ako sa kanya. Gagawin ko. Hindi na ako papayag na hindi namin maayos to. Hindi ko na kakayanin.










Patay ang ilaw ng makarating ako sa tapat ng bahay nila. Nag unahan ang kaba sa dibdin ko na baka wala na sila dito. Pero lihim pa din akong nananalangin na sana mali ang akala ko.










"Maine! Maine!" Sigaw ko sa labas ng pintuan nila. Pero walang sumasagot. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan pero wala akong naririnig na sounds sa loob.










"Maine! Buksan mo yung pinto please Babe. Mag usap tayo. Ayoko ng ganito tayo. Nakikiusap ako Babe." Nagmamakaawang sabi ko habanh patuloy na kinakatok ang pintuan.










Ilang minuto na ang lumipas. Masakit na ang kamay ko kakakatok pero hindi pa din ako tumigil. Ayokong tumigil. Ayokong isipin na wala ng tao sa loob kahit na sa totoo lang alam ko na wala nga sila.










"Babe. Kausapin mo ko Babe. Nagmamakaawa ako. Maine." Pahina na ng pahina ang boses ko. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko at ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko.










"Alden." Napalingon ako ng tawagin ako ni Kuya Jose. Ngayon lang yata ako nagpunta dito ng hindi ko sila nakitang nag iinuman sa kanto. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.










Napatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya. "Alden. Wala na sila dyan. Umalis na sila kanina pang umaga. Dala ang lahat ng gamit nila." Bakas ang lungkot sa pagsasalita ni Kuya Jose.











Pakiramdam ko ay bumagsak ang buong mundo ko! Wala na si Maine. Nag resign siya sa trabaho. Hindi ko na siya matawagan. Wala akong alam kung nasaan siya!









Napaupo ako sa sobrang panghihina. Inalalayan ako ni Kuya Jose pero walang lakas ang mga tuhod ko para tumayo. Gusto kong umiyak pero hindi magawang bumagsak ng mga luha ko. Nabigla ako sa narinig ko.










"Kuya Jose. Nasabi ba nila kung... kung saan sila pupunta?" Basag ang boses na tanong ko. Pero umiling siya.










Pinilit ko ng tumayo kahit na nanghihina ako. Konting konti na lang. Iiyak na ako. Tinapik ni Kuya Jose ang balikat ko. Tinignan ko na lang siya at tuluyang naglakad papalayo sa bahay nila.










Nasa sasakyan na ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko! Wala na ang babaeng pinakamamahal ko!










Gusto kong magwala! Gusto kong mag amok! Dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na namalayan ang oras. Dahil na din sa tulala na ako. Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng bahay ng magulang ko sa Laguna.










Dahan dahan akong pumasok. Nakita ko si Mommy at Daddy na nasa living room. Pinagmamasdan ko sila habang patuloy sa paglalambingan. Ganito na ang edad nila pero hindi pa din nawawala anh sweetness nila.










Naalala ko yung mga panahon na ganyan lang kami ni Maine. Nanonood ng TV. We're doing nothing. Yet, completely happy. Basta magkasama lang kami.










"Kuyaaaa!" Narinig ko na sigaw ni Bianca. Tinignan ko ang kapatid ko na masayang masaya dahil dumating ako. Pero alam kong nabigla siya dahil hindi ko siya kinarga ngayon tulad ng ginagawa ko noon.










"Alden. Anak." Lumapit sa akin si Mommy.











Niyakap ako.











At doon ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako. Napayakap ako ng mahigpit kay Mommy habang patuloy sa pag iyak. Ganitong ganito ako nung bata pa ako pag hindi ako nag succeed sa mga ginagawa ko.










"Anak. Anong nangyari?" Patuloy si Mommy sa paghagod ng likod ko. Si Biance ay nakahawak sa braso ko. Bakas ang pag alala at naiiyak na din. Habang si Daddy ay hinahagod ang likod ko.











"Mommy... wala na siya. Iniwan na niya ako." Doon ko yata naramdaman ang lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko. Dito ko lang narealize na totoo pala lahat ng to at hindi panaginip lang.










Sinabi ko sa kanila ang nangyari. Walang ibang ginawa si Mommy kundi ang umiyak at aluin ako. Nabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman ko pero hindi sapat yun para gumaan ang pakiramdam ko.










"She's all I ever need, Mom. Pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. She left without a single word. Hindi niya man lang ako pinakinggan." Nahikbing sabi ko. Maga na din ang mata ko sa kakaiyak.









"Give her enough time to think. Hindi natin alam pero baka may iba pa siyang pinagdadaanan. Kayanin mo, anak. Kaya mo yan." Tinapik ni Daddy ang balikat ko.










Nung medyo nahimasmasan na ako ay nagpaalam ako na uuwi na. Hindi sila pumayag nung una pero hindi ako nagpapigil. Nangako naman ako sa kanila na mag iingat ako.










Dumaan ako sa isang store para bumili ng iinumin ko. I'm not a drinker kaya wala akong stock ng alak sa bahay ko. Hindi ako makakatulog ng ganito kaya mas mabuti na magpakalango na lang ako sa alak.










Hindi ko na naman maiwasan ang mapaiyak pag uwi ko. Ang bahay na to. Punong puno ng masasayang alaala namin ni Maine. Pero ngayon. Wala na siya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam.










Hawak ko ang picture niya na nasa side table ko. Pinag aralan kong mabuti ang mukha niya kahit na kabisado ko na ang itsura niya. Napakaganda niya sa picture na to.










Ang mga mata niya. Yung mga mata niyang laging may kislap. Yung mga matang laging masaya at nawawala lalo na pag tumatawa siya. Yung tignan lang niya ako pakiramdam ko matutunaw na ako.









Yung ilong niya. Yung ilong niya na lagi kong pinipisil. Yung ilong niya na laging umaamoy sa buhok ko. Yung ilong niya na lagi kong hinahalikan.










Yung boses niya. Malumanay at laging mababa. Parang laging nakikiusap. Kung minsan, binubulyawan ako. Pero yung boses niya na yun ang  nagpapakalma sa buong sistema ko. Yung boses niyang nakakakilig lalo na pag tinatawag niya ang pangalan ko.










Yung labi niya. Yung mga labi niya na laging gustong halikan ng labi ko. Basta mahalikan ko lang siya pakiramdam ko kumpleto na ang araw ko.











Namimiss ko na ang lahat lahat sayo Babe. Kahit nga noon na kasama kita. Isang araw lang kitang hindi makita, pakiramdam ko kulang na kulang na ang buhay ko. Paano pa ngayon na wala ka na talaga?  Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas ng mag isa. Hindi ko alam kung ano ulit ang buhay ko ngayong wala ka na.










Ininom ko ng sunod sunod ang mga alak na nasa harapan ko. Kasabay ng walang humpay na pag iyak ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang kasunod.

Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon