25

3.3K 107 4
                                    

Alden's POV










Wala pa din kaming kibuan ng makarating kami sa kanila. Gusto ko siyang yakapin dahil nagpapasalamat ako na okay lang siya pero ayoko naman isipin niya na ganun na lang yun.








Pinipigilan ko ang sarili ko. Dahil sa totoo lang natakot talaga ako kagabi. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya.










"Paandarin mo yung sasakyan." Napalingon ako ng sinabi niya yun. Hindi ako agad sumunod.










"Paandarin mo yung sasakyan. Hindi ako uuwi hanggat hindi tayo maayos." Nakita ko na namumuo yung luha sa mga mata niya.









Damn! I hate seeing her cry! Gustong gusto ko siya yakapin pero may napigil sa akin na gawin yun e.











"No. Umuwi ka na. Ano na lang ang iisipin sa akin ni Tita." Pilit kong kinalma ang boses ko. Sinadya ko din na wag siyang tignan. Dahil feeling ko hindi ko mapipigilan ang sarili ko at mayayakap ko siya.











"Okay. Siguro nga kailangan mo palamigin ang ulo mo. I'm sorry Babe. I love you." Umiiyak pa din siya. Hindi ko inaasahan na kakabigin niya ang mukha ko at bigla akong hinalikan.










Yung halik na punong puno ng pagmamahal. Yung halik na nakakapagpakalma sa buong sistema ko. Siya lang ang nakakagawa sa akin nun.









Pero hindi ko inaaasahan na mas lalalim na naman ang halik na yun. Hawak niya ang magkabilang pisngi ko. Habang ako naman ay unti unting humahawak sa batok niya.











Bumaba ang kamay niya sa dibdib ko. Bagay na nagbigay ng kakaibang init na naman sa katawan ko. Hindi ko yata kayang magpigil kung kaming dalawa lang.








Siya ang kusang bumitaw at kapwa kami naghahabol ng hininga. "I love you. Ingat ka pag uwi." Hindi na ako nakasagot pa. Bumaba na siya agad ng sasakyan at naglakad papunta sa kanila.











Nung hindi ko na siya matanaw ay tsaka ko lang inistart ang kotse ko at umalis na. Tinawagan ko si James at sinabi na magkita kami. Kailangan ko din makibalita sa nangyari sa kanila ni Nadz.









Nagkita kami sa coffee shop. Tulad ng inaasahan ko. Inis na inis siya kay Nadine. Kinuwento niya sa akin ang lahat.










"Aminin mo, maganda din naman siya diba? Pero mas maganda ang girlfriend ko syempre." Biro ko sa kanya at napangiwi naman siya.









"Oo maganda sana. Lakas lang ng bunganga. Alam mo bang nagsisigaw siya tapos parang batang naatungal! Nakakahiya sa mga katabing unit ko!" Inis pa din na kwento niya habang patuloy sa pagkain ng cake.










"Sus! Alam kong sanay naman na yung mga katabing unit mo dahil lagi naman may nasigaw na babae sa unit mo." Hindi ko maiwasan humalakhak dahil sa itsura niya.









Natapos naman ng maayos ang pagkikita namin ni James. Napagpasyahan ko na lang din na umuwi. Pagdating ko sa condo ay agad akong naligo. Hindi ko na muna siya itetext. Bukas na lang. Para malamig na ang ulo namin parehas.











Maine's POV










Nagpaalam ako kay Mama na magkikita lang kami ulit ni Nadine. Oo, nakakaguilty dahil nagsinungaling ako sa kanya pero hindi ko yata kayang matapos ang gabing ito na hindi kami nagkakaayos ni Alden.







Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon