29

2.5K 109 0
                                    

Nadine's POV








"Hay nako naman kasi Alden e! Ewan ko ba naman sayo bakit hindi mo siya pinakinggan muna. Inuna mo yung galit mo!" Sermon ko sa lalakeng to na dalawang araw na yatang hindi natutulog sa lalim ng eyebags.








"Pakihinaan naman yang bibig mo! Hindi lang ikaw ang tao dito!" Sita sa akin ng pesteng James na to. Nasa isang restaurant kasi kami at sabay sabay na naglunch.








"Wala akong pakialam! Hindi kita kinakausap!" Sigaw ko sa pesteng hilaw na tisoy na to.








"E kasi Nadz nag alala lang naman ako e. Malay ko ba naman na ganun na pala ang nangyari sa kanya." Malungkot pa din ang isang to at parang nalugi e.








"That's the point. Sana man lang pinag explain mo muna bago ka nagalit. Ayan tuloy. Hindi ko din alam kung paano mo siya lalapitan. Dahil pag yun tunay na galit hindi ka talaga niya papansinin." Paliwanag ko kay Alden. Ganun naman kasi talaga si Maine.








"Kasalanan mo naman kasi talaga dre. Hindi ko din masisisi si Maine e. Sana kasi pinagsalita mo na muna yung tao. Kita mo na." Sang ayon sa akin ng hilaw na tisoy na ito.








"Hayaan mo na muna siya." Wala na din kasi akong maisip na paraan. Matigas din kasi minsan si Maine e. Lalo na pag galit siya.









"Its been f*cking 2 days! Hindi ko na yata kaya pag umabot pa to ng kinabukasan e!" Napahilamos pa ang loko dahil sa sobrang stress.








"E kasalanan mo nga! Suyuin mo pa din wag mo tigilan pero magtiis ka pag hindi ka pa din kinausap dahil nakakabadtrip naman talaga yung ginawa mo!" Singhal ko sa kanya.









"Nadine. Tulungan mo naman ako. Nakikiusap ako! Kahit anong gagawin ko tulungan mo lang ako! Kahit na ipapatay ko pa si James!" Desperadong sabi niya.









"Hoy!" Biglang sumimangot si James at natawa naman ako. Kakaiba din tong magkaibigan na to e. Nakukuha pang mag asaran.









"Ano bang gagawin ko para mapaamo siya? Sa almost 5 months namin ngayon lang kami nag away ng ganito." Nawawalan na ng pag asang sabi ni Alden.







"Bro. Ganyan na away pa lang parang susuko ka na. What more pa sa mga susunod? Tss." Umismid si James at tinignan naman siya ng masama ni Alden.








"I agree." Kibit balikat na sabi ko. Gusto ko din kasi makita kung gaano siya kadesidido na mapatawad ni Maine e.








"Pumasok ba siya?" Tanong ko habang nasubo ng steak.








"Ayusin mo nga! Wala kang manners!" Sigaw ni James sa akin sabay bato ng tissue. Kalat kalat pala sa bibig ko yung steak sauce.








"Wag mo nga ako pakialaman!" Pinagpatuloy ko ang pagkain ko kahit na kalat kalat ang steak sauce sa bibig ko. E sa masarap kumain e.









Pero ganun na lang ang gulat ko ng bigla niya akong punasan ng tissue. Hindi talaga ako nakagalaw!









"Steak sauce lang ang kaya kong punasan. Hindi yang laway mo!" Nabalik ako sa reality ng marinig ko ang boses niya. Sheeeettt! Nakakahiya!










"Haist! Tulungan niyo muna ako makipagbati sa girlfriend ko bago kayo gumawa ng love story niyo!" Sita sa amin ni Alden.









Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon