3

3.1K 132 3
                                    

Maine's POV








Para pa din akong nasa state of shock paglabas ko ng OP. Of all people bakit siya pa ang boss ko? Sa dami dami ng company na pwede ko pasukan bakit sa kompanyang pagmamay ari pa niya? Gusto ko iuntog yung ulo ko e. Baka panaginip lang to.






"Maine, dito ka." Natauhan lang ako ng tawagin ako ni Ms. Pia.






"Ma'am, kunin ko lang po yung gamit ko sa baba." Tumango naman siya at nagmamadaling kinuha ko ang bag ko. Tsaka bumalik sa OP.






"Galingan mo ah? Mabait naman yang boss natin e. Wag lang iinit ang ulo niya. Tsaka ikaw ang magtitimpla ng kape niya pati lunch niya ikaw ang mag aasikaso. Hindi naman kailangan na ikaw ang bumili. Pwede mo naman iutos."






"Opo." Tinuro niya sa akin ang mga dapat kong gawin. Madali ko naman nakuha yun. Bukas daw ay hahayaan niya ako mag isa. Naka leave kasi siya for 2 days.






Masaya kong ginawa ang trabaho ko ng biglang mag ring ang phone sa tabi ko. "Goodmorning. Faulkerson Group of Companies, who's on the line?"




"Gusto ko ng kape." Bossy na sabi niya.






"Okay po."




Nagtitimpla ako ng kape niya ng maalala ko na naman yung nangyari dun sa coffee shop. Hay! Kinakabahan ako. Pag nagreklamo siya kailangan kong tanggapin dahil siya ang boss ko.






Pumasok ako sa office niya. Sa totoo lang, wala naman siyang ginagawa e. Nakaupo lang siya. Ipinatong ko sa table niya yung kape.




"May iuutos pa po ba kayo?"






"Ayoko na ng kape. Gusto ko ng juice."




Kukunin ko sana yung kape. "Iwan mo yan dyan."




Tumango na lang ako at lumabas para magtimpla ng juice. Lagyan ko kaya ng lason? Natatawang sabi ko sa sarili ko. Bumalik ulit ako sa office niya.




"Sir eto na po."






"Ayoko nyan pareho. Ibili mo ako sa baba. Gusto ko ikaw ang bibili." Nakangising sabi niya. Sabay inabutan ako ng pera.






Tumango na lang ako. Nagpaalam lang ako kay Ma'am Pia na may inutos si Boss kaya ako bababa. Tumango naman siya. Pero pag minamalas ka nga naman. Sira ang elevator.






Napilitan ako bumaba sa hagdanan. Nasa 10th floor pa man din ako. Nagmadali na lang ako. Buti na lang walang masyadong tao. Hindi ako natagalan sa pagbili.






Pagod na pagod ako kasi nga naghagdanan lang ako. Halos gumapang na nga ako sa sobrang pagod e. Pero kailangan kong sumunod. Kahit na alam kong pinaglalaruan niya lang ako.






Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa office niya ulit. Nakita ko siya na may binabasa. Nilapag ko ang pinabili niya. Wala na dun yung tasa ng kape. Baka ipinatapon na niya. Tatalikod na sana ako.






"Ayoko na nyan. Itimpla mo ulit ako ng kape." Hindi siya nakatingin sa akin. Halos madapa na ako at gumapang mabili lang yun tapos ngayon ayaw na niya?




Pero hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapalag. Kailangan kong matapos ang OJT ko kahit na unang araw pa lang parang gusto ko na sumuko.




Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon