7

3K 138 2
                                    

Maine's POV



Nagulat talaga ako sa sinabi ni Alden kanina kaya napatingin ako sa kanya. Pero baka nagkamali lang ako ng dinig. Oo, baka nga mali lang ako ng dinig.


"Nasaan ba tayo? Bakit subdivision to?" Nagtatakang tanong ko. Nawili din kasi ako kakakwento sa kanya kaya nawala sa isip ko kung nasaan na ba kami papunta.



"May lunch date kasi kami ng parents ko. E hindi sila makabyahe ng Manila kaya ako na lang ang pumunta dito sa Laguna." Nakangising sabi niya.



"Ha! Laguna?!" Di ako makapaniwala na nasa Laguna na pala kami. Kaya pala kanina pa kami nasa byahe at na traffic pa kami. Di ko na din napansin dahil busy ako kakakwento sa kanya.



"Ay ano paulit ulit? Laguna nga!"



"Bakit mo ako sinama dito? Ano ka ba naman! Nakakahiya. Babalik na ako sa office."



"Edi bumalik ka. Kung may makukuha kang taxi e sa labas pa yun. Medyo malayo ang bahay namin sa exit ng subdivision na to e. Hahaha!" Nang aasar na sabi niya.



"Ano ka ba naman! Nakakahiya kasi."



"Wala yan. Tara na." Tumigil na pala ang sasakyan. Ano ba yan kanina pa nalipad ang isip ko. 



Pagbaba ko ay namangha ako sa laki  ng bahay nila. Akala ko sa movies at teleserye lang ako makakakita ng ganito kalaking bahay.



"Huy! Tara na sa loob!" Hinawakan niya ako sa braso at para naman akong nakuryente. Binati kami ng mga security guards sa bahay nila.



Napansin ko kay Alden, hindi siya katulad ng ibang mayaman na masunget. In fact, tinatapik niya sa balikat ang mga guard at nakangiti siya.



"Long time, no see, Alden ah!" Bati ng isa sa mga guard.



"Oo nga Kuya e. Ngayon lang ako ulit napadpad dito." Nakangiting sabi niya.]



Ngumiti na lang din ako sa mga guards. Alden din ang tawag sa kanya?



Pagpasok namin sa loob ay mas lalo akong namangha. Hayup! Ang ganda ng bahay!!



"Nanay!" Masayang bati niya sa babaeng lumapit sa amin. Parang mayordoma yata to.

Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon