16

2.7K 137 7
                                    

Maine's POV




Nagmamadali akong umalis ng office at hindi na ako nagpaalam kay Alden dahil kailangan ko makaabot sa Office of the Registrar. Bukas na lang ako magsasabi.




"Nadz, kanina ka pa ba dyan? Sorry ah." Habol ang hininga ko na sabi kay Nadine. Ang nag iisang kaibigan ko.




"Kadarating ko lang din. Loka ka. Buti na lang nakaabot tayo. Ang hirap kaya pag nahuli tayo. Tara na." Nagmadali kaming ayusin ang mga dapat ayusin para wala na kaming ibang iisipin pa.




Natapos naman namin yun sa awa ng diyos kaya naman naghiwalay na kami at pumasok na ako sa coffee shop. 




"Maine, mukhang busy ka yata late ka lagi nadating." Sita nung Manager namin.




"Sorry Sir. Hindi na po mauulit."




"Gusto mo bang magpahinga na muna? Alam naman namin na may OJT ka pa at busy ka. Pwede ka naman bumalik anytime." Sabi ni Manager. Gusto ko maiyak sa sobrang tuwa.




"Salamat po!" Laking ginhawa sa akin nito. Dahil magagawa ko ng maayos ang trabaho sa office nila Alden. Ganado akong nagtrabaho. Katulad pa din ng dati. Huling duty ko na din dito.




"Maine, table 9. Ikaw ang kumuha ng order." Sabi ni Jonathan. Isa sa mga barista.




Nilapitan ko agad ang nasa table 9. "Goodevening po. Ano pong order?"





"Isang Maine Mendoza. Dine-in." Nagulat ako ng makita ko siya.





"Sir Jake? Ano pong ginagawa niyo dito?" 




"E kasi kanina hindi mo ako pinansin sa office. Kaya hinanap ko kung saan ka nagtatrabaho. Hindi naman pala ganun kalayo." Nakangising sabi niya.




"Hindi po ako pwede makipag kwentuhan. Naka duty po ako." Pinipigilan ko na naman mainis sa kanya. Bakit ba lagi tong nasulpot?

Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon