8

2.9K 130 2
                                    

Alden's POV



Gabi na ng payagan kaming umuwi ni Mommy at Daddy. Paano kasi gusto pa ni Bianca na dun matulog kami ni Maine e hindi naman pwede dahil may pasok kinabukasan.



Nasa kotse na kami at panay tawa ni Maine dahil sa kakulitan ni Bianca. Masaya naman akong nakikinig sa kanya.



"Ang bait ng pamilya mo grabe. Hindi ko akalain na ganun sila ka humble. As in hindi ko naisip na naiiba ang estado  ng buhay ko sa inyo." Nakangiting sabi niya at napangiti naman din ako.



"Pasensya ka na sa kakulitan ng kapatid ko ah? Sabik kasi yun sa ate kaya ganun siya. Lagi din ako wala sa bahay at pag andun naman ako, hindi naman ako pwede makipaglaro sa kanya ng barbie."



"Okay lang yun. Ang lambing nga niya e."



"Buti naman at nag enjoy ka. Akala ko kasi na bored ka e. Kanina natatakot ka pa sa kanila. Haha!"



"Di naman natatakot. Nahihiya lang talaga ako sa kanila. Magkaiba yun. Haha!" Hindi ko alam pero ang ganda ganda niya at ang sarap sa tenga ng mga tawa niya. Hindi siya nakakaboring kasama. Kahit na ngayon ko lang siya nakasama ng ganito.



"Ay. May pasok ka nga pala sa coffee shop. Late ka na pala. Sorry." Naisip ko bigla.



"Okay lang. Masaya naman ako kasi naka bonding ko yung kapatid mo. Para na din akong may kapatid. Hehe. Tsaka pwede ko naman pasukan yun bukas. Over time na lang." 



"Sorry Maine." Nahihiyang sabi ko.



"Don't be. I had a great time actually kaya okay lang." 



"Saan ba yung sa inyo? Hatid na kita."



"Hindi na. Madaming adik dun. Baka mamaya mapano ka pa."



"No. I insist. Ihahatid kita." Pagpupumilit ko. Gusto ko din kasi makilala ang Mama niya. Nakilala niya na ang parents ko kaya ako naman ngayon. Haha.



"Hindi na nga. Baka mapag tripan ka pa dun." Tanggi niya.


"Ihahatid kita o mawwawalan ka ng trabaho? Pili ka lang sa dalawa." Nakagising sabi ko.



"Hanep naman sa choices." Nakita ko siyang sumimangot. Sign of defeat. Alden won again! Haha.

Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon