34

2.5K 95 2
                                    

Maine's POV







Naglalakad na kami ni Alden papunta sa bahay. 11pm na pala. Partida wala pang traffic nyan. Magkahawak kamay kaming naglalakad. Hindi na din siya naiilang sa lugar namin. Magaan din ang loob sa kanya nila Kuya Jose.








"Babe. Uwi ka na agad para makapag pahinga ka naman." Masuyong sabi ko sa kanya habang hawak pa din ang kamay niya. Nginitian niya lang ako ng pagkatamis tamis!






"Mahal na mahal mo ko talaga e no? Hehehe." Pang aasar niya sa akin at inirapan ko naman siya. Lagi na lang siya ganyan e.






Nasa tapat na kami ng bahay namin. Patay na ang ilaw at malamang tulog na din si Mama. Magkasunod kami ni Alden na pumasok.






"Babe. Water?" Alok ko sa kanya at tumango naman siya. Umupo na siya agad at isinandal ang likod niya sa sofa. Malamang pagod at stress siya.






Nagmamadali akong kumuha ng tubig at bumalik sa kanya. Nakaidlip na yata siya sa sobrang pagod e. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang mukha niya. Ang gwapo naman talaga ng lalakeng to!






Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Parang busog na ako agad. Kahit yata araw araw kong tignan ang mukhang to ay hindi ako magsasawa.






Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at balak kong halikan siya. Hehe. Minsan lang naman ako maging ganito sa kanya e. Unti unti akong pumikit. Pero bigla niyang kinabig ang batok ko para mahalikan ko agad siya!





Nagulat ako sa kanya! Hindi ako nakagalaw agad. Siraulo tong lalakeng to! Wala naman din akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang. Aarte pa ba ako e naibigay ko na nga ang perlas ng silanganan! Hahaha.





Kapwa kami naghahabol ng hininga pagkatapos ng halik na yun. Hindi ko maiwasan ang mahiya dahil sa kabaliwan kong yun!






"Ikaw ah! Pinagsasamantalahan mo ko Babe ah!" Mapanuksong sabi niya at hinampas ko naman siya.






"Tse! Panira ka ng moment e! Ako dapat hahalik sayo!" Inis na sabi ko sa kanya at napatawa naman siya.






"Alam mo Babe. Madali naman akong kausap. Hindi mo naman kailangan gawin yun. Pinaubaya ko na nga ang sarili ko---- hmmp!"






Tinakpan ko agad ang bibig niya! Ang lakas pa naman ng boses niya!







"Ang ingay mo! Baka magising si Mama at marinig ka!" Saway ko sa kanya. Hindi niya mapigilan ang pagtawa niya.






"Edi mabuti Babe. Para maikasal tayo agad." Tatawa tawang sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin.






"Ano bang nangyayari sayo? Nung nakaraan gusto mo mabuntis ako. Tapos ngayon kasal naman! Adik ka ba?! Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.







"At sa tingin mo ba nagbibiro ako? Seryoso ako dun Babe." Nakangusong sabi niya. Ang cute cute niya lalo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya bigla.







"Nakakadalawa ka na Babe ah." Nanunuksong sabi niya. Napangiti naman ako. Kinikilig na siya sa mga simpleng ganun ko lang.







"Haha! Yan lang kinikilig ka na? Para kang babae." Natatawa ako sa kanya. Dahil nawala ang ngiti sa mga labi niya.







Pero nagulat ako ng unti unti niyang nilapit ang mukh niya sa akin. Napaatras ako sa ginagawa niya. Titig na titig ang mga mata niya sa akin habang patuloy ang paglapit. Ako naman ay halos napapahiga na sa kakaatras sa kanya.







Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon