5

2.8K 135 4
                                    

Maine's POV


Nagising ako na nakayakap pa din kay Sir Alden. Kailangan ko gawin yun kasi nanginginig na siya sa lamig. Iba pa din kasi yung body heat e.


Dahan dahan akong tumayo para ipaghanda siya ng pagkain. Bahala na kung anong idadahilan ko sa Nanay ko.


Nag prepare ako ng soup at tinapay na lang. Hinipo ko din siya. Wala ng lagnat. Binilisan ko na lang ang pagluluto dahil kailangan ko na din umuwi.


"Maine."


Napalingon ako ng makita ko siya na lumalakad. Halatang nanghihina pa din siya.


"Sir, bakit ka tumayo? Dapat hinintay mo na lang ako." Inalalayan ko siya.


"Hindi kaya ko--"


"Sir wag naman po matigas ang ulo. Hindi pa po kayo magaling masyado e." Hindi ko mapigilan ang mainis kasi naman ang tigas ng ulo e.


Wala siyang nagawa ng alalayan ko siya pabalik sa kwarto at pinahiga. Pinunasan ko na din siya para mapreskuhan siya.


Nakatingin lang siya sa akin. Para akong matutunaw sa mga tingin niya. Pero hindi ko na lang pinansin kahit na nag uunahan na sa pagtibok ang puso ko.


"Sandali lang po. Kukunin ko yung pagkain niyo." Nagmamadali akong pumunta ng kusina.


Pagbalik ko ay nandun pa din siya. Parang ang lalim ng iniisip.


"Kain na po kayo."


Habang sinusubuan ko siya ay nakatingin pa din siya sa akin.


"Maine, I'm sorry for what happened. I'm not in a good shape yesterday." Sincere na sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.


"Okay na po yun. Trabaho ko naman po kasi na alamin ang lahat tungkol sa inyo. Baka kasi ibagsak mo ako sa grades ko." Natatawang sabi ko at nagulat ako dahil nakatawa din siya.


Mas lalo pala siyang gwapo pag nakangiti. Sinubuan ko pa din siya. Kumpara kahapon, mas magana na siyang kumain ngayon.


"And one more thing. Wag mo na akong tawagin na Sir. Alden na lang. Tanggalin mo na din ang po at opo. Para naman akong matanda niyan e." Pagbibiro din niya. Tumawa naman ako.


"Opo Sir... Ay. Alden pala." Ngumiti ako at pinakain ko siya tapos pinainom na ng gamot.


Alden's POV


Natutuwa akong pagmasdan siya habang naglilinis ng pinagkainan ko. Ilang taon na ako sa condo ko na to. Ilang beses na din ako nagkasakit pero ngayon lang may nag alaga sa akin. At nakakatawang isipin na ang babaeng ito pa pala ang gagawa nun.


"Maine, wag ka na muna pumasok. Hayaan mo na sila dun. Magpahinga ka na muna." Sabi ko sa kanya.


"May naiwan po kasi akong trabaho dun. Kailangan ko tapusin." Tipid na sabi niya habang nagtetext.


"Hindi na. Ako na ang bahala dun. Magpahinga ka na lang. Pwede mo na ako iwanan. Okay na ako." Nakangiting sabi ko. Nahihiya na din kasi ako sa kanya. Magdamag niya ako binantayan e.


"Alden. Alam mo naman na hindi ko pwedeng iwanan yun kasi sa akin binilin yun. Tsaka okay lang ako talaga." Naka smile pa siya.


Bilib din ako sa kanya. Talagang ginagawa niya ang trabaho niya.


"Ano sabi sa inyo? Baka naman napagalitan ka kasi hindi ka umuwi."


"Kami lang ni Mama ang nasa bahay. Dalawa na lang kami e." Nakangiti pa din na sabi niya.

"Ah.." Wala kasi ako maisip na sasabihin sa kanya.


Hindi na din ako nag abala pang tanungin kung nasaan ang tatay niya kasi baka ayaw niya pag usapan.


"Wag mo na hanapin ang tatay ko. Hindi ko din alam kung nasaan siya. Masaya naman kami ni mama e"


Hindi na lang ako nagsalita. Pero alam ko naman na hindi maganda ang memories niya sa tatay niya. There's something strange about her. At kahit ako gusto ko malaman yun. Alam ko naman na privacy niya yun pero may part sa akin na gusto siyang makilala.


"May kukunin lang ako sa office tas babalik ako dito. Ako na muna bahala sayo ngayon. Alam ko naman na mahina ka pa." Nakangiting sabi niya. Okay. Nakaka touch.


"Hindi na. Hassle pa sayo yun e." Pag tanggi ko sa kanya.


"Kaya mo na ba mag prepare ng food mo mag isa o mag cr ng walang nakaalalay sayo?" Tanong niya sa akin at napatungo naman ako. 


"Hindi pa."


"Ayun pala e. Sandali lang po ako." Kinuha niya ang bag niya at umalis na. Nakatingin lang ako sa kanya ng lumabas siya ng pinto. Hihiga na sana ako ulit ng biglang....


"Ay! Nakalimutan ko ilagay sa side table mo yung tubig at tsaka gamot. Pati na din tong konting sandwich. 3pm ka iinom ng gamot ah? Baka kasi  ma-late ako. Atleast hindi ka na din tatayo. Sige po." Nagmamadaling sabi niya at umalis na.


Hindi ako nakapagsalita. Grabe. Iba siya mag alaga. Napangiti na lang ako at natulog na ulit.


Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon