52

1.7K 77 3
                                    

Maine's POV











Nagpalipat lipat ako ng tingin kay Mama at kay Tito Vicente. Nagulat naman kasi ako na magkakilala pala sila. Nananatiling nakatingin lang ako sa kanila at nag aabang ng sasabihin nila.











"Helen." Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko maintindihan. Bakit parang kilalang kilala nila ang isa't isa.












"Ma. Magkakilala po kayo?" Hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako. Naguguluhan kasi talaga ako.











"Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Nakaawang pa din ang bibig ni Mama. Nakita ko si Tito Vicente na hindi din makagalaw sa kinatatayuan niya.











May nararamdaman akong hindi nila gusto makita ang isa't isa. O mas may malalim na dahilan kung bakit ganito na lang ang reaksyon nilang dalawa.











"Helen. Ang tagal kitang hinanap. Nandito ka lang pala." Nakabawi na si Tito Vicente sa pagkagulat at nagsalita na din sa wakas. Lumakad siya palapit kay Mama pero agad na umiwas si Mama.











"Maine. Halika dito sa tabi ko. Wag kang lalapit sa lalakeng yan! Ikaw naman. Umalis ka na sa pamamahay ko at wag ng muling magpakita pa." Galit na sabi ni Mama kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata niya.












"Siya ba ang anak natin, Helen? Ang anak natin na inilayo mo sa akin?" Naiiyak at naguguluhan na sabi ni Tito Vicente.










Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi pa din naabsorb ng isip ko ang sinabi niya! Ako? Anak niya? Anak nila?











Gusto ko magsalita pero hindi ko magawa. Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin ko. Masyado akong naguguluhan sa mga naririnig ko.











"Wala kang anak sa akin! Lumayas ka na dito, Vicente! Isipin mo na lang na hindi tayo nagkita!" Umiiyak na sabi ni Mama. Ang bawat salita niya. Bakas na bakas ang poot at galit.











"Helen! Nakikiusap ako! Huwag ka naman maging madamot! Ipagtapat mo sa akin ang katotohanan! Karapatan kong malaman yun!" Umiiyak na din si Tito Vicente.











Nakatingin lang ako sa kanila. Kailangan ko ng paliwanag. Masyadong madaming gumugulo sa isip ko. Madaming katanungan na alam kong sila lang ang makakasagot.











"Mama." Sa wakas nakapagsalita na din ako. Namumuo na ang luha sa mga mata ko pero kailangan kong lakasan ang loob ko para masagot ang mga katanungan ko.











"Sagutin niyo po ang tanong niya, Mama. Nakikiusap ako. Sino po ba ako?" Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko sa mga pisngi ko.










Hindi na din maiwasan ni Mama ang mapaiyak at tumingin sa labas ng bintana. Parang may inaalala.











"Dalawampu't isang taon na ang nakakalipas. Simula ng umalis ako sa poder ni Vicente. Hindi ko na kasi masikmura ang pagtrato sa akin ng kanyang Ina. Umalis ako ng hindi ko nalalaman na may laman na pala ang tyan ko. Nung nalaman ko na buntis ako. Sinubukan kong bumalik sa Mansion nila Vicente pero ipinagtabuyan na ako ng kanyang Mama. Sinabi niya sa akin na may iba ng kinakasama si Vicente kaya wala akong nagawa kundi ang umalis at lumayo na lang. Doon ko nakilala si Johnny. Ang kinagisnan mong ama. Mabait siya at inalagaan niya ako. Tinuring ka niya na parang kanya. Ipinanganak kita. Namuhay tayo ng simple at payapa. Naging masaya ako sa piling ni Johnny. Hanggang sa nagkasakit siya at tuluyan ng nawala." Mapait ang boses ni Mama. Halatang nasasaktan siya talaga.











Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon