47

1.9K 69 1
                                    

Maine's POV









Ilang araw na din ang nakalipas simula ng makauwi kami galing sa Palawan. Ayun na yata ang pinakamasayang bakasyon ko sa buong buhay ko. Lalo na't kasama ko si Alden.









Nasa opisina ako ngayon at tulad ng dati kong routine ang ginagawa ko. Nadagdagan lang syempre dahil nag in house sales na din ako. Sabi ko kasi kay Alden lahat gusto ko matutunan e.









"Babe. Mauna na muna ako." Napaangat ang tingin ko at nakita ko ang gwapo kong boyfriend. Aalis kasi siya dahil may lunch meeting siya.










"Okay po. Ingat." Gusto ko man siya halikan. Naunahan ako ng hiya dahil nasa opisina kami. Ayoko lang ng may masabi sa akin ang mga kasama ko.










Na gets niya naman siguro yun. Kaya ngumiti na lang din siya at umalis na. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Medyo madami kasi ito.










Lumipas ang maghapon. Expected ko na din naman na hindi ako masusundo ni Alden. Sinabi ko kasi na magpahinga na lang siya. Magkikita naman kami bukas e. Tsaka para mamiss niya ako. Haha!










Nasa tapat ako ng building ng may sasakyang huminto sa harapan ko. Hindi ko naman ito pinansin. Pero biglang bumukas ang bintana at nakita ko ang isang lalakeng parang nakasalubong ko na.









"Hi hija! Naaalala mo pa ako?" Magiliw na bati niya. Yumuko ako at tinignan ko siya mabuti. Oo nga! Naalala ko na siya! Siya yung lalakeng mukhang kaedad lang ni Mama. Yung lalakeng nakabangga ko sa Palawan.










"Ay opo! Hi Sir! Hindi ko po kayo nakilala. Pasensya na po." Ngiting sabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta masaya lang ako dahil nagkita kami ulit.










"Ako nga. Tito Vicente na lang ang itawag mo sa akin. Wag na Sir." Maganda pa din ang ngiting sabi niya sa akin at tumango naman ako.










"Maine ang pangalan mo hindi ba? Saan ka nga pala pupunta?" Tanong niya. Hindi pa din mawala ang ngiti sa kanya.









"Ay Tito. Uuwi na po ako. Kayo po? May pupuntahan po ba kayo dito?" Takang tanong ko din pero umiling naman siya.









"Hindi. Napadaan lang ako. Nakita kasi kita at naisip ko na pamilyar ka. Hindi nga ako nagkamali. Halika na at maisabay na kita." Alok niya pero dahil na din sa nahihiya ako ay tumanggi ako.









Nakakahiya din kasi na makita niya ang lugar kung saan ako nakatira. Hindi naman sa kinakahiya ko ang lugar namin. Nahihiya lang ako dahil sure ako na hindi siya sanay sa ganung lugar.









"Sigurado ka ba Maine? Medyo madilim na." Nag aalalang tanong niya at natuwa naman ako dun.










"Opo. Sige po. Mag iingat po kayo." Ngumiti siya at tumango sabay sinarado ang bintana ng sasakyan niya. Kumaway pa ako sa papalayong sasakyan niya at masayang tinignan yun. Bakit kaya ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya? Dalawang beses pa lang naman kami nagkikita pero aaminin ko na ang saya saya ko talaga.









Nakarating ako sa kanto namin at naglakad na pauwi. Nadaanan ko din sila Kuya Jose at kinawayan ko na lang sila. Tsaka na ako makikipag kwentuhan sa kanila.










Make You Mine (MaiDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon