"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"

Start from the beginning
                                    

Nang aalis na sana sila ay biglang napalingon si Mrs. Kumiko sa asawa niya nang marinig niya na nagtanong ang biyenan niya rito.

"Ruijin, sabihin mo sakin. Bukod sa pumapasok ang apo kong si Kurt Sha, ano pa ang ibang pinagkakaabalaan niya sa buhay?"

Napatakip ng bibig si Mrs. Kumiko at pareho silang nagkatinginan ng kanyang asawa na si Ruijin.

**

-Meanwhile: Fumizuki High School-

Nasa gitna ng quad sila Kurt Sha, Aikee at Shinsuke para tumambay rito habang pinapanood ang mga estudyanteng nagkakasiyahan sa unang araw ng school festival nila.

"Ano na saan tayo unang pupunta mga bro?" tanong ni Shinsuke

"Sa rooftop." agad na sagot ni Kurt Sha

Sabay tumingin ang dalawa sa kanya at napataka.

"Rooftop?" tanong ni Aikee

"Oo. Para matulog doon."

Sabay siyang binatukan ng dalawang kaibigan sa sagot niya.

Napakunot noo si Shinsuke, "Rooftop-in mo yang mukha mo. Puro kana lang si tulog eh!" medyo nainis niyang sabi

Napakamot ulo nalang si Kurt Sha at lumingon-lingon sa paligid hanggang sa makita niya si Jhe na nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa dalawang kaibigan nito. Pinagmasdan niya ang mukha ni Jhe at napatitig siya ng husto sa mga mata nito sa napansin niya.

"Hindi lang pala labi niya ang magandang ngumiti, pati rin ang mga mata niya ngumingiti." sa isip niya

Habang pinagmamasdan niya si Jhe ay bigla siyang napaatras ng dalawang hakbang nang hindi siya sinasadyang mabunggo ni Aikee dahil sa ginawang pagtulak ni Shinsuke rito. Napatingin siya sa dalawang kaibigan na naghaharutan.

"Aray ko, Shinsuke. Masakit yun aah.. whahahaha!" natawang sabi ni Aikee

Kumunot noo si Shin.

"Eh loko ka eh. Kung ano-ano na namang kalokohan ang napapansin mo dyan tapos ituturo mo sakin."

"Nakakatawa naman yung tinuro ko sayo na dumaan ah? Ang pangit ng costume haha langyah! Para naman hindi ka rin natawa dyan hahaha!"

Pagkasabi ni Aikee sa natatawa parin niyang boses ay agad siyang tumingin kay Kurt Sha sabay siniko niya ito at tinanong.

"Di ba, Kurtie?"

Tumango lamang si Kurt Sha kahit wala siyang alam sa pinag-uusapan ng dalawang kaibigan. Tapos, bigla niyang naalala si Jhe kaya binalik niya ang tingin sa kinaroroonan nito, ngunit nakita niya na wala na ang mga 'to. Tumingin-tingin siya sa paligid hanggang sa makita niya ulit si Jhe at ang dalawang kaibigan nito na papasok na sa loob ng building.

Nakita niya na masayang nagtatawanan parin ang mga 'to. At kitang-kita niya ang magandang ngiti sa mga mata ni Jhe.

"Ang mga matang yan ang magandang protektahan mula sa mga luha." sabi niya

Narinig naman siya ng dalawa kaya napatingin ang mga 'to sa kanya.

"Anong mata na magandang protektahan?" nagtatakang tanong ni Shinsuke

Mabilis na napalingon si Kurt Sha sa dalawang kaibigan.

"H-huh? Wala.." sabi niya sabay iling

**

"Aikee's POV"

Sa ngayon, andito kaming tatlo sa loob ng gym para panoorin ang mga estudyanteng naglalaro ng basketball.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now