"hindi niya ako naalala,pero tinanong niya ako kung nagkakilala na daw kami noon"

"ano namang sinabi mo?sinabi mo naba ang totoo?"umiling lang naman ulit ako dito at sinandal yung ulo sa balikat nito

"hindi ko sinabi ang totoo sa kanya,nag-sinungaling ako"napabungtong-hininga naman ito

"kailan mo ba balak sabihin sa kanya ang totoo?aasa kana lang ba talagang maalala ka niya?pano kung hindi kana niya maalala,pano yung naghihintay na buhay na tinadhana talaga para sayo?"ilang-minuto akong hindi umimik sa tanong na iyon

"sa totoo lang,hindi ko na alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang lahat.mahirap pala,ang sakit-sakit na kaden.lalo pa ngayon na may girlfriend na pala siya"

"hah?akala ko ba single si Harley?"

"akala ko din,pero sa nakita ko kanina mukha ngang may relasyon silang dalawa"

"anong balak mo?magpapatalo ka nalang ba sa babaeng yun,kung ikaw naman ang tunay at minamahal ni Harley"sumiksik naman ako dito,ito naman eh,niyakap ako at inalo-alo

"gusto ko siyang ipaglaban,gusto kong sabihin sa kanya ang lahat"

"gawin mo ang tama,ipaglaban mo ang pag mamay-ari mo.maalala ka man niya oh hindi,nandito lang ako handang maging sandalan mo sa oras na sa tingin mo walang aalo sayo"napayakap naman ako nang mahigpit dito

"salamat kaden,salamat.."tumango lang naman ito sakin

Nanood nalang kami nang movie pagkatapos naming pag-usapan ang bagay na iyon.ten na nang gabi nang maisipan nitong umuwi.hinatid ko pa nga ito sa labas nang bahay namin.saktong papasok na sana ako nang bahay nang may bigla nalang humawak sa braso ko

"Harley..?"namumula ang mukha nito at amoy alak din

"sino kaba talaga CODILYN BRONTE?"napaatras naman ako sa kaseryosohan nang mukha nito

"anong ginagawa mo dito at nakainom kapa?"mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko

"sino ka sa buhay ko?"halos mapalunok naman ako sa lakas nang pagtatanong nito sakin

"lasing ka,mabuti pang umuwi kana"tatalikuran ko sana ito nang muli ako nitong hatakin 

"hindi ako lasing,hindi ako lasing kaya sagutin mo ako.sino ka sa buhay ko CODILYN!?"

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now