"Gago ka ba?! Bakit mo hinahalikan ang girlfriend ko?!" Galit na galit na sabi ni James, higit-higit ang kwelyo ni Charles.
"Wala kang pakialam."
"Aba't gagong 'to.." Akma na namang susuntukin ni James si Charles kaya pinigilan ko na agad siya.
"Tama na!" Sigaw ko nang pumagitna ako sa kanila. "Umalis ka na, Charles. Please." Pakiusap ko kay Charles. "Tara na, James." Baling ko naman kay James saka siya pinapasok na sa loob ng sasakyan.
Nang sumunod ako sa loob, tinawagan ko agad si Camille.
"Camille, pakisundo na rito si Charles at iuwi mo na sa bahay nila."
CAMILLE'S POV
Naglalakad na ako papunta sa may labas nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Sandali lang, Sophie." Sabi ko at lumayo muna para sagutin ang tawag.
"Camille, pakisundo rito si Charles at iuwi mo na sa bahay nila." Salita ni Nadine sa kabilang linya.
"Ano ba'ng nangyari?"
"Sinuntok s'ya ni James."
"Ano? Sinuntok? Nasa'n ba kayo?"
"Nandito kami sa may parking lot."
"Sige, pupunta na 'ko." Huling sabi ko at agad nang ibinaba ang cellphone.
"Mauna na pala kayo, Sophie, may dadaanan pa 'ko." Paalam ko nang makabalik ako.
"Sure ka?" Tanong niya at tumango na lang ako. Nagtatakbo na 'ko pabalik sa parking lot.
CHARLES' POV
Nandito pa rin ako sa parking lot at inaayos ang nalukot kong damit. Pabida kasi 'yung siraulong James na 'yon!
"Charles!" Rinig kong tawag sa 'kin ng isang babae.
Teka, siya 'yung babae kanina ah? Bakit kilala niya 'ko?
"Hoy, Charles, ano ba ang nangyari at bakit ka nakipagsuntukan?" Mabilis na tanong nung babae.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman siya kilala, at isa pa, hindi ako nakipagsuntukan! 'Yung gagong 'yon ang sumuntok sa 'kin!
Hinila niya 'ko pabalik sa school papunta sa may clinic. Pinaupo niya ko sa bed saka nilagyan ng betadine ang sugat ko.
Tinitignan ko lang siya. Hindi ko naman siya kilala eh.
CAMILLE'S POV
Andito kami ngayon ni Charles sa may clinic at ginagamot ang sugat niya.
"Hay nako, kung kelan uwian na, e, nakipagsabong pa!" Para akong nanay na tinatalakan siya!
Nakatingin lang siya sa 'kin habang sinesermunan ko siya. Oo nga pala, hindi niya 'ko kilala kaya paniguradong nagtataka siya kung bakit ginagawa ko sa kaniya 'to.
"Ano? Ba't gan'yan ka makatingin? Nagagandahan ka rin ba sa 'kin? Ha?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Hindi kita kilala, sino ka ba?" Diretsang tanong niya saka hinawi ang kamay ko na nagpapahid ng betadine sa mukha niya.
"Si Camille." Kaswal na sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"'Wag mo 'kong niloloko."
"Nagsasabi ako ng totoo."
"Nasa'n ang pruweba mo?" Inilahad niya ang palad niya. "Kung totoo mang si Camille ka.. Nagpa-plastic surgery ka 'no?"
Aba't siraulong 'to.. Ako magpapa-plastic surgery?! Never kong gagawin 'yon!
Napahinga na lang ako nang malalim at kinuha ang I.D. ko mula sa bulsa ko, saka ko ipinakita sa kaniya.
"Ako nga 'to si Camille, 'yung pangit na lagi mong inaasar. Naniniwala ka na ba? Ha? Charles Andrada?"
°°°°
edited: 2021
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 8
Start from the beginning
