"Hindi ko po kilala, e. Tsaka ngayon ko lang din po s'ya nakita." Magalang na sagot niya.

"Ah sige, salamat." Sagot ko na lang at tumingin na ulit sa may ibaba.

Sino kaya 'yung babae na 'yon?





NADINE'S POV

"May bibilhin lang ako sa labas." Paalam ni Camille.

"Sige."

Hindi pa matagal na nakakaalis si Camille, bigla na lang akong naubo.

"Okay ka lang ba? Medyo matagal na 'yang ubo mo." Alalang tanong sa akin ni James.

"I'm okay." Bahagyang nakangiting sagot ko.

"Sigurado ka?" Hindi siya naniniwala.

"James," tawag ko. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Hindi ka ba napapagod?"

"Syempre napapagod din minsan, lalo na kapag may training." Kaswal na sagot niya.

"What I mean is.. Sa paghihintay at sa palaging pagdamay sa 'kin." Paglilinaw ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ko. "Kahit gaano pa katagal 'yan, maghihintay ako sa 'yo." Makahulugang sagot niya.

Hindi ko pa talaga siya boyfriend, officially. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para patigilin siya sa ginagawa niyang pagtulong sa 'kin. Hindi niya deserve ang babaeng katulad ko.

Deserve niya 'yung babaeng kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay niya.

Hindi na 'ko nagsalita pa at nginitian na lang siya. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa namin.

Alasinko na ng hapon, at sa wakas ay natapos na rin kami sa ginagawa namin dito sa multipurpose hall. Nakakapagod, sobra.

"Camille, kita na lang tayo bukas. Mauuna na kami. Ingat kayo." Paalam ko kay Camille.

"Sige, ingat din kayo." Sagot naman niya saka kumaway.

Dumiretso na ako sa parking lot dahil nando'n ang driver ko at naghihintay.

Pasakay na sana ako ng sasakyan nang biglang..

"Nadine, please, let's talk." Lumitaw na naman si Charles at nakikiusap. Nakahigit ang kamay niya sa braso ko.

"Hindi mo ba naiintindihan, wala na nga tayo, e! Kaya ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan?" Inis na sabi ko.

Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari.

Bigla niya akong hinalikan.. 

Hindi pa nagtatagal ng ilang segundo at bigla na lang may sumuntok sa kaniya mula sa likuran.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now