"Ako si Sky." Sagot niya at nag-shakehands kami.
"Sige, maiwan na kita. Tutulungan ko pa ang kaibigan ko." Paalam ko.
"Sige, aalis na rin ako at marami pa akong kailangang gawin." Nagtanguan na lang kami at nag-iba na ng daan.
"Camille!" Tawag sa 'kin ni Nadine nang matanaw niya 'ko. "Sino 'yung kausap mo?" Tanong niya. 'Yung tono ng pananalita niya, e, nang-aasar.
"'Yung nabangga ko lang kanina." Kaswal kong sagot. Parang gusto pa magtanong ni Nadine, pero hindi na niya ginawa. Alam kong aasarin niya lang ako ro'n sa lalaki. Nagtuloy na lang kami sa ginagawa namin at nagkwentuhan para hindi mainip.
"Nadine! Camille!" Rinig naming tawag ni James. Lumapit siya rito habang bitbit ang mga chips at juice. "Baka magutom kayo." Inilapag niya sa malinis na lugar ang mga pagkain.
"Thanks." Nakangiting sambit ni Nadine kay James.
Tinulungan na rin niya kami sa ginagawa namin.
CHARLES' POV
Umalis na 'yung babae rito kanina. Pamilyar talaga sa akin ang boses niya, e. Parang si Camille, 'yung pangit na 'yon. Pero imposibleng siya 'yon dahil ang ganda-ganda nung babae.
Nasaan nga pala 'yung pangit na 'yon? Bakit hindi ko nakikita?
Ilang sandali pa at may kumatok sa pinto.
"Pasok." Sabi ko kaya pumasok ang dalawang kaibigan ko. "Ano'ng kailangan n'yo? Ba't kayo nandito?" Tanong ko sa kanila saka naupo sa sofa.
"Nakakatamad tumulong sa baba, dito na lang kami." Sagot ni Alvin saka sumalampak sa sahig.
"Mga tamad talaga kayo kahit kelan."
"Bakit ikaw nandito ka rin? Edi tamad ka rin katulad namin." Pambabara ni Alvin kaya binato ko siya ng unan.
"Charles, bakit hanggang ngayon nandito pa rin 'yung mga pictures n'yo ni Nadine?" Tanong ni Fhloyd habang nangangalikot ng kung anu-ano.
"Wala kayong pakialam kung ayokong alisin 'yan d'yan." Salita ko. Lumabas na 'ko at ibinagsak ang pinto. Mga pakialamero. Hindi na lang manahimik.
Tumambay na lang ako sa may hallway, nakadungaw kung saan makikita ang mga tao sa ibaba.
Napansin kong magkasama sina Nadine at James. Kailan ba naging hindi? Bakit ba hindi na 'ko nasanay? Lintik na 'yan.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ko 'yung babaeng kahuntahan nila. Siya 'yung babae kanina na nakausap ko ah?
Sakto at may estudyanteng umakyat dito kaya nagtanong na 'ko. "Brad, kilala mo ba 'yung babae na 'yon?" Turo ko ro'n sa babae na kausap nina Nadine.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 8
Start from the beginning
