"Mama naman, anak n'yo ba talaga 'ko? Bakit hindi n'yo 'ko nakilala?" Murmur ko. 'Di ba may tinatawag na lukso ng dugo? Hindi ba nila naramdaman 'yon? Nakakatampo naman.

Ilang sandali pa at hinila ako paakyat nina Kitty at Cholo.

"Ate Camille, tell us kung pa'no ka naging gan'yan!" Excited na sabi ni Kitty. So ayon, ikwinento ko lahat sa kanila.

"It's because of Ate Nadine?" Ulit pa ni Sophie.

"Oo, s'ya ang dahilan kung bakit ganito na ang ayos ko ngayon."

"Ang bait-bait talaga ni Ate Nadine." Sabi ni Kitty. "Alam mo po ba Ate Camille, no'ng girlfriend pa s'ya ni Kuya, lagi n'ya 'kong binibilhan ng toys kapag pumupunta s'ya rito." Dugtong pa niya.

Ang swerte siguro ng makakasama ni Nadine in the future. Napakabait niyang tao. Makikita at mararamdaman mo sa kaniya na ang pure ng puso niya. Siya 'yung klase ng tao na dapat ay minamahal at iniingatan.

Sinayang lang ni Charles ang isang Nadine.

Kinabukasan...

Tinignan ko ang alarm clock ko, 6:00 na ng umaga. Tumayo na ako at pumunta sa cr. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at kinapa-kapa ang mukha ko kung totoo ba talagang ito na 'ko. Baka mamaya kasi panaginip lang pala katulad no'ng nanalo ako ng Miss Universe. Hay.

Sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko para lang mapaniwala ang sarili ko. Ito na 'yon. Ito na ang bagong Camille!

After kong maligo, nag-ayos na ako. Sinunod ko ang mga itinuro sa akin nina Venus at Nadine. Skincare ba ang tawag do'n? 'Yung mga ipinapahid sa mukha?

Nang matapos ako sa pag-aayos, sumabay na ulit ako kina Sophie papunta sa school.

Nakatingin lang sa 'kin 'yung guard pagpasok ko. Ang mala-dragona niyang mukha ay napalitan ng maamong mukha. Akala niya siguro bagong student ako. Hinihintay ko pa naman na sungitan niya 'ko.

Pati 'yung mga estudyante na nanlalait sa 'kin, iba na rin ang tingin sa 'kin. Ito ba 'yung tinatawag n'yong basura? Ang gandang basura ko naman kung gano'n!

"Sino 'yan?"

"Bagong student ata?"

"Ang ganda naman!"

Naglakad na lang ako nang tahimik hanggang sa makarating ako sa classroom.

"Camille!" Rinig kong pamilyar na boses ni Nadine.

Mabilis siyang naglakad palapit sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit. "Grabe, mas maganda ka na ata kesa sa 'kin, e." Pagbibiro niya.

"Ano ka ba ikaw pa rin ang top 1 kahit ano'ng mangyari." Bulong ko at natawa lang siya.

"Hi, miss." Singit nung Jared. Natigil tuloy 'yung pagkukwentuhan namin ni Nadine. Tinignan lang namin siya at hinintay na magsalita ulit. Siya 'yung nagsabi ng 'on the way na 'yung paki namin' no'ng first day. "Bagong friend mo, Nadine?" Baling niya kay Nadine.

"Oo," pagtango ni Nadine. "Ganda n'ya 'no?"

"O-Oo.." Nautal pa nga ang mokong.

"Sorry, pero hindi kasi s'ya interested sa 'yo."

"Boom bars! Hahaha! I-tae mo na lang 'yan, pare."

Pigil na pigil kami ni Nadine sa pagtawa dahil sa sinabi ng mga ka-barkada ni Jared. Hinila na siya ng mga kaibigan niya pabalik sa upuan nila.

Sakto nang maupo sila, dumating na 'yung teacher namin. Ngayong araw na kami magbubunutan.

Habang nabo-bore ako sa pakikinig sa mga sinasabi ng teacher namin, inilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng classroom. Kung anu-ano lang ang tinignan ko hanggang sa mapadpad ang paningin ko sa upuan ni Charles.

Nasa'n kaya ang lalaking 'yon? Kagabi ko pa siya hindi nakikita.

"Wala tayong klase ngayong araw dahil may meeting kaming mga teachers. Pero, mag-aayos kayo ng multipurpose hall kasama ng ibang students para sa darating nating acquaintance party. Attendance will be checked. Walang magka-cutting."

Nagsimula nang kumilos ang lahat.

Kami ni Nadine, sinimulan na namin ang naka-assign sa amin. "Camille, pwede kumuha ka muna ng box sa taas." Pakisuyo niya.

"Sige."

Umakyat ako sa third floor para kumuha ng box. Pumasok ako sa isang room nang may masilip akong box.

Nang makapasok ako, akma ko na sanang kukunin ang mga box, kaso biglang may nagsalita. Boses ng lalaki.

"Sino ka at ano'ng ginagawa mo rito?"

°°°°
edited: 2021

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now