"Sige." Sagot niya. Buti naman at pumayag siya. Ipinakita ko na sa kaniya ang Identification Card ko.
"Naniniwala na po ba kayo?"
Nagkamot siya ng sentido niya. "Medyo," inilawan na naman niya 'ko saka 'yung I.D. ko. "Pero bakit ganon? Bakit gumanda ka na? Hindi na makapal ang kilay mo, saka 'yung buhok mo hindi na sabog, ang ganda-ganda mo na ngayon." Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa sa sinabi ni Manong. Nanlalait na namumuri, e.
"Salamat Manong, hehe." Pilit na lang akong tumawa. "Nag-level up lang beauty ko, Manong, kaya ganito na itsura ko." Biro ko.
"Gano'n ba 'yon? Parang hindi naman, e."
Kaloka talaga 'to si Manong.
"So, ano na po? Papapasukin n'yo na ho ba 'ko?" Tanong ko.
"Sige ho." Sagot niya at pinapasok na ako.
Ang lawak ng lupa nila. Medyo nakapapagod din lakarin mula sa gate hanggang sa bahay nila.
Nag-doorbell na 'ko at pinagbuksan naman ako ni Ate Celia.
"Ano po'ng kailangan n'yo?" Salubong sa 'kin ni Ate Celia. Aba't pati si Ate Celia, hindi rin ako nakilala? Talaga bang naglevel-up na 'tong beauty ko kaya hindi na nila ako mamukhaan? Iba ka na talaga, Camille!
"Ate Celia, si Camille po 'to." Pagpapakilala ko.
"Huh? Hindi ikaw si Camille. Ano ho ba'ng sinasabi n'yo?" Takang sagot niya. "Hindi naman naka-braces 'yon, e. Bungi naman 'yon."
Biglang nanlaki 'yung mata ko dahil sa sinabi niya. Ako? Bungi? Kailan pa 'ko naging bungi?! Grabe talaga mga tao rito!
Hindi na 'ko nagsalita at ipinakita na lang ang I.D. ko. Tinignan naman nang malapitan ni Ate Celia ang mukha ko saka siya tumingin ulit sa I.D. Sinuri niya 'yon nang mabuti. Sana naman maniwala agad siya.
"Oo nga, ikaw nga 'yan. Ang ganda-ganda mo, Camille!" Natutuwang sabi niya saka tuluyang binuksan ang pinto para makapasok ako.
Pagkapasok ko sa loob, naabutan ko sila sa may sala. Nanonood ng tv.
"Ate Sophie, sino po s'ya?" Tanong ni Kitty kay Sophie habang nakaturo sa akin.
"Hindi ko s'ya kilala, e." Sagot naman ni Sophie.
"Ija, sino ang hinahanap mo? Si Charles ba?" Tanong naman ni Tito Benjie.
"Hindi n'yo rin ba 'ko nakikilala? Papa Mama? Cholo?" Tanong ko sa pamilya ko.
"Bakit kilala n'ya po tayong lahat, Papa?" Takang tanong ni Cholo.
Grabe naman, pati pamilya ko hindi ako nakilala! Joke time ba 'to? Pamilya ko ba talaga sila? Ampon ba 'ko?
"Hindi ko rin alam, Anak." Sagot ni Papa.
"Hoy, Berto. Baka mamaya may anak ka sa labas ha!" Masungit na sabi ni Mama sabay hampas sa likod ni Papa.
"Wala ah! Dalawa lang ang anak ko. Mga anak natin, sina Camille at Cholo." Depensa agad ni Papa.
Nakatingin lang ako sa kanila habang pinagtatalunan nila na hindi nila 'ko kilala.
Baka mamaya maisipan pa nila na kasuhan ako ng trespassing!
"Ako po 'to, si Camille." Sabi ko na ikinatahimik nilang lahat. Hindi rin ba sila maniniwala? Kailangan ko na naman bang maglabas ng I.D.? O baka pati birth certificate, e, hingin nila sa 'kin?
"Hala, Ate Camille, ikaw ba talaga 'yan?!" Manghang sabi ni Sophie saka ako nilapitan. Nginitian ko lang siya. "Hala may braces ka na?"
"Anak, ang ganda-ganda mo naman!" Puri naman ni Mama sa akin.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 7
Start from the beginning
