"I REALLY HATE HER!" Rinig naming pagmamaktol nung isang babae. Natawa na lang kami ni Nadine.
"Hindi na lang kasi kumain, e." Sabi ko nang makalipat kami ng table. "Ano'ng ingini-ngiti mo r'yan?" Takang tanong ko kay Nadine.
"Bravo! Ang galing mo kanina! Akala ko magpapatalo ka na naman sa mga 'yun e." Masayang sabi niya. May lakas na 'ko ng loob ngayon dahil alam kong may kaibigan na 'ko na kasama ko. Unlike dati, ako lang mag-isa.
Nang mag-bell na, binilisan na namin ang pagkain.
"Let's talk na lang ulit later about sa party." Sabi ni Nadine at sabay na kaming bumalik sa room.
Bago pa man kami makabalik, napansin namin 'yung lalaking naka-mask kasama 'yung tatlong babae na nakaharap ko kanina.
Ang tatlong bruha mga nakatungo, ano kaya ang nangyari? Parang 'yung lalaki rin na 'yon ang nakasalubong ko kahapon. Naka-mask din, e. Pati 'yung body build pareho rin.
Classroom...
"Magkakaroon kayo ng project ngayong first semester at ibibigay ko na sa inyo 'yon para mapaghandaan n'yo na. Dahil ang ayaw ko sa lahat, laging sinasabi na kulang sa time," panimula ng subject teacher namin. "Makakasama ninyo sa paggawa ng proyekto ang mga taga-kabilang section. Sa isang grupo ay may apat na miyembro. Magbubunutan tayo para walang gulo."
"Sana magka-group tayo." Bulong sa 'kin ni Nadine.
Ilang oras kaming nagklase. Tinest din ng teacher namin kung ano pa 'yung mga naaalala namin sa subject na 'yon.
"Class dismiss."
"Let's go na, Camille." Aya ni Nadine.
"Sasabihan ko muna si Sophie na hindi ako sasabay sa kanila." Paalam ko habang nag-aayos ng gamit.
"Sige, samahan na kita." Anyaya niya.
Lalabas na sana kami ng room kaso hinarangan kami ni Charles.
"Nadine, let's talk." Seryosong sabi niya kay Nadine.
"I told you, wala na tayong dapat pag-usapan pa. Tapos na tayo, matagal na."
Totoo nga ang sinabi ni Sophie.
"Let's go na, Camille." Hinila na 'ko ni Nadine palabas ng room. Mauuna na sana 'kong lumabas kanina dahil akala ko mag-uusap sila.
Sa parking lot...
"Sophie!"
"Let's go na, Ate Camille." Sabi ni Sophie nang makalapit ako.
"Hindi na 'ko sasabay sa inyo, Sophie. May pupuntahan kasi kami ni Nadine." Pagbibigay-alam ko.
"Ah okay. I will tell Tito Berto na lang mamaya pag-uwi ko para hindi ka n'ya hanapin." Nakangiting sagot niya.
"Thank you, Sophie."
"Give me your number na lang para mai-text kita." In-open na niya ang phone niya. Ready nang i-save sa contacts ang number ko.
"Ano kasi, e.. Wala akong phone." Nahihiyang sabi ko. Meron naman talaga akong cellphone, kaso 'yung di keypad na tig 450. Gano'n lang. Gusto ko magkaroon ng cellphone na maganda, kaya lang ang malas ko, konti pa lang ang na-iipon ko. Atsaka wala rin akong load.
"Okay. Take care na lang kung saan man kayo pupunta ni Ate Nadine." Sabi na lang niya at sumakay na sa sasakyan.
Nadine's car...
"Well, katulad nga ng sinabi ko kanina, kailangan mo lang mag-ayos..."
Habang nasa biyahe kami, sinabi ni Nadine lahat kung ano ba 'yung mga kailangan na ayusin sa 'kin. Nagkwentuhan na rin kami.
"Paano naman 'to maaayos?" Tanong ko. Hindi ko nga kailangan magpa-plastic surgery, pero baka kailangan ko pa rin gumastos ng sobrang laking halaga.
"Ako'ng bahala sa 'yo." Tinapik niya 'ko sa balikat at ngumiti. "Sa atin mapupunta ang spotlight, tandaan mo 'yan."
"Nako, 'wag mo na 'kong idamay, Nadine. Baka kakaibang spotlight ang mapunta sa 'kin." Natatawang sabi ko.
Habang hinihintay namin na makarating kami sa pupuntahan namin, sinabi pa ni Nadine kung ano 'yung mga gusto niyang gawin para ma-achieve namin 'yung look na nai-imagine niya.
Dental Avenue...
"Ano'ng gagawin natin dito?" Tanong ko nang makababa kami ng sasakyan.
"Ipapaayos natin 'yang mga ipin mo. Papalagyan natin ng braces."
"Hala, Nadine, wala akong pera panggastos saka ang mahal magpaganon, e." Tutol ko agad.
"'Di ba ang sabi ko, ako'ng bahala sa 'yo. My mom is a dentist kaya sa kan'ya tayo magpapaayos para libre." Natatawang sabi niya. Gusto ko rin sana matawa, kaso nahihiya ako. Ang mahal-mahal magpa-braces!
Hindi na kami nagtagal sa labas at pumasok na rin kami sa loob ng Dental Avenue.
"Mommy, I want you to meet my bestfriend, Camille, and Camille this is my mom, Mommy Dina." Pagpapakilala niya sa amin.
Bestfriend? Sinabi niya bang bestfriend niya ako?
"Oh, so ikaw pala 'yung ikinukwento sa akin ni Nadine." Nakangiting sabi ng Mommy niya. Pareho silang maganda ng anak niya!
"Anyways, 'yung request ko sa 'yo, Mommy?"
"Ah oo nga pala." Sagot naman ni Ma'am Dina. "Dito tayo, Camille." Aya niya kaya sumunod na 'ko sa loob.
Referral muna ang unang ginawa. Ipinakita ko 'yung latest x-ray ng ngipin ko. Wala namang problema, okay naman lahat. Next naman is Consultation. After no'n, Designing Treatment naman.
Sa next appointment pa 'ko lalagyan ng braces kaya hindi kami masyadong natagalan.
A few days later...
"Tiis ganda lang, Camille. After naman nito masa-satisfy ka sa result."
Napapahawak na lang ako sa bed na hinihigaan ko dahil masakit pala talaga magpa-braces. Lalo na't may one-seat apart akong ngipin.
Ilang oras pa ang lumipas at ang pagtitiis ko ay natapos na rin.
"Look, ang ganda!" Maliksing sabi ni Nadine at ibinigay sa 'kin ang salamin. "Sabi ko naman sa 'yo magagawan natin ng paraan, e!"
"Ija, alam mo na ang appointments mo ha? 'Wag kalilimutan." Pagpapaalala ni Ma'am Dina.
"Maraming salamat po, Ma'a-"
"Tita Dina, ija." Pag-correct sa 'kin ng Mommy ni Nadine.
"Maraming salamat po, Tita Dina." Nakangiting sabi ko. Unti-unti na 'kong nabibigyan ng pag-asa na maaayos ang itsura ko!
Hindi na kami nagtagal sa Dental Avenue, dahil ang sabi ni Nadine marami pa raw kaming pupuntahan.
Hindi ko alam kung pa'no ko maibabalik sa kaniya lahat ng kabutihan na ginagawa niya sa 'kin. Hulog ka ng langit, Nadine!
°°°°
edited: 2021
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 6
Start from the beginning
