This is it pansit! The introduce yourself thingy. Kapag nagpapakilala ako tuwing first day mula sa pinanggalingan kong school, 'yung mga tao parang walang mga naririnig. May mga sarili silang mundo. Tapos ang sasabihin pa sa huli, 'K dot, we're not interested.
"Hello, I'm Camille Ocampo. 17 years old, from Dela Paz Academy. Lumipat ako dito sa Williams Academy kasi malapit dito 'yung nilipatan naming bahay-" Naputol 'yung sinasabi ko dahil may isang estudyante na kumontra.
"Okay, on the way na 'yung pake namin. Na-traffic lang." Nang-aasar na sabi nung estudyanteng lalaki sa may likuran. Nagtawanan naman ang lahat.
"Jared, stop!" Saway ng teacher namin kaya nagtigil sa pagtawa ang lahat.
Masyado kasing mga ano eh. Lakas ng sapak sa noo.
"Continue, Ms. Ocampo." Pagpapatuloy sa akin.
"Okay na po 'yon ma'am." Sabi ko na lang saka naupo na. Nakakawalang gana.
"Camille, okay ka lang ba? Pag pasensyahan mo na sila ha?" Pag-alo sa akin ni Nadine.
"Okay lang, sanay naman na akong ginaganito eh." Pagbuntong hininga ko.
"Ayoko nang maulit ang pangyayaring ito, dahil lahat kayo ay madadamay na ipadadala ko sa guidance." Paliwanag ni ma'am.
Buti naman at hindi siya katulad ng teacher ko sa Dela Paz. Hindi man lang ako magawang kampihan.
"Class dismiss."
Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
"Sabay tayo mag-lunch." Aya ni Nadine.
"Sige."
Nang maayos na ang gamit namin, lumabas na kami ng classroom. "Magsi-cr lang ako." Paalam niya at tumango lang ako.
SPLASH!
"Nakupo, I'm sorry." Sarkastikong sabi ni Charles.
Natapunan lang naman ako ng soda na hawak niya.
Bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Sadya 'yon." Bulong niya saka ako nilampasan.
Camille, calm down. Remember, first day of school.
Huminga na lang ako nang malalim para pigilan ang inis ko. Malapit na akong sumabog!
"What happened to you?" Alalang tanong ni Nadine, saka kumuha ng tissue sa bag niya at pinunasan ang mantsa sa uniform ko.
"Wala 'to," sabi ko na lang. "Salamat sa tissue." Dagdag ko pa saka patuloy na pinunasan ang damit ko.
"Nadine!" Rinig naming tawag ng isang lalaki kaya tumingin kami sa gawi niya.
Wow, ang gwapo. Sobra! Na-starstruck ako sa kaniya!
"Kumusta? Isang linggo tayong hindi nagkita ah?" Bati niya kay Nadine nang makalapit siya sa amin. "Sino siya?" Bulong ko naman kay Nadine.
"Ka-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Nadine dahil naunahan siya nung lalaki.
"Boyfriend n'ya 'ko," nakangiting sagot nito. "Ako si James.. At ikaw naman?" Tanong niya sa akin.
"Camille." Sagot ko tapos nagkipag-shakehands sa kaniya.
Umalis na kami at pumunta sa isang fast food chain. Doon kami kumain. Pinagmasdan ko lang silang dalawa at masasabi kong bagay na bagay sila. Ang swerte nila sa isa't-isa! Sana lahat!
After namin kumain, bumalik din kami agad sa school.
Ocampo's Residence...
Grabe, nakakapagod. Ang sarap matulog. Ang sarap kumain.
"'Nak, kumusta first day sa Williams?" Tanong ni Papa sa akin habang kumukuha ng pagkain sa ref.
"As usual, Pa, ako na naman ang bida." Kaswal na sagot ko.
"Basta lagi mong tatandaan anak, 'wag mo silang iintindihin. Intindihin mo na lang ang pag-aaral mo. 'Wag kang papaapekto sa kanila." Pagpapaalala ni Papa.
"Opo, Pa, lagi ko naman tinatatak sa isip ko 'yon, e." Sagot ko saka nahiga sa sofa.
Ilang sandali pa at bigla akong may naisip kaya bumangon agad ako.
"Mama, Papa," Tawag ko sa kanila. Tumingin naman agad sila sa akin.
"Bakit anak?" Si Mama.
"'Di ba po maganda ako?" Tanong ko sa kanila. Biglaan ko lang naisip. Syempre magulang ko sila kaya sasabihin nila na 'maganda' ako. Anak nila 'ko eh.
"Alam mo anak, mabait ka, e. Mana ka sa 'min ng mama mo."
"Hay nako, Papa, alam ko namang mabait ako, e." Murmur ko at napakamot na lang sa sentido. Dapat ang sagot nila oo!
Napakaganda ng sagot nila. MABAIT daw ako.
"AHAHAHA!" Pinagtawanan pa nila 'ko kaya sumimangot ako.
"Oo nga pala anak, may sasabihin kami sa 'yo." Pag-iiba ni Papa.
"Ano po 'yon, Pa?" Tanong ko saka naupo nang ayos.
"Anak, natanggal ako sa trabaho, kaya ngayon, lilipat muna tayo sa bahay ng kumpare ko at doon muna tayo pansamantala para makapag-ipon tayo." Paliwanag ni Papa.
Hala, bakit kaya siya natanggal sa trabaho? Nakagugulat naman at biglaan.
"Pa, ano po'ng nangyari?" Takang sabi ko.
"Mahabang kwento, Anak." Sagot naman ni Papa.
"Kelan po tayo aalis dito?"
Andrada's Residence...
CHARLES' POV
Ipinatawag kaming lahat ng tatay namin dito sa may sala dahil may sasabihin daw siya.
"Mga anak, may sasabihin ako sa inyo," Panimula ni Papa. "Dito muna pansamantalang titira ang pamilya ng kaibigan ko, kaya sana pakisamahan n'yo sila nang maayos."
"Omo, I'm so eggzoited!" Sabik na sabi ni Sophie. Ang sumunod sa akin na kapatid ko.
"Pakisamahan n'yo sila nang maayos mga anak ha?" Ulit pa ni Papa.
"Yes, Papa, makakaasa po kayo." Sagot ni Sophie. "Pero, may anak po ba na girl 'yung friend n'yo?" Dagdag pa nito.
"Meron 'nak. At ang alam ko, parang kasing edad n'ya ang kuya mo."
"Yay! Nakaka-excite naman!" Sabi naman ni Kitty. Ang bunso naming kapatid.
Basta ako, wala akong pakialam sa kanila. Pakikisamahan ko lang sila nang maayos katulad ng sinabi ni Papa.
°°°°
edited: 2021
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 2
Start from the beginning
