Hinubad ko na lang ang sapatos ko para hindi marumihan 'yung sasakyan niya.
Tinanggap ko na lang ang alok nung babae sa 'kin kahit hindi ko pa siya kilala, kaysa naman mabasa ako rito 'di ba? Hulog ka ng langit ang bait mo!
Nang makapasok ako sa loob..
"Thank you." Pasasalamat ko sa kaniya.
"Walang anuman." Nakangiting sagot niya at biglang bumaba ang paningin sa may paahan ko. "Nasaan ang shoes mo?" Takang tanong niya.
"Naka-jackpot kasi ako, e.. Nakakahiya naman kung ipapasok ko rito sa loob 'yon." Nahihiyang sagot ko sa kaniya.
Ang ganda-ganda naman niya! Ang puti, makinis, straight ang buhok tapos itim na itim pa. 'Yung ngipin ang ganda. Para siyang katulad ng mga artista sa Korea. Grabe lang talaga, nakaiinggit. Siguro noong umulan ng kagandahan, hindi ako nasabihan para nakalabas ako. Kaya ito tuloy ang resulta!
Kasi ako, ang kapal ng buhok tapos kulot pa, ang kapal din ng kilay. 'Yung ngipin sa gitna, one-seat apart. Ayos 'di ba? Rare lang ang mga katulad ko, 'wag kayo.
Ilang segundo pa ang lumipas at may kinuha sa likod 'yung babae. "Gamitin mo muna for the meantime. Ibalik mo na lang sa akin kapag nakabili ka na ng bagong shoes." Abot niya ng isang pair ng shoes. Mukhang mamahalin, ang ganda.
"Sigurado ka? Ipagagamit mo 'to sa akin?" Nag-aalangang tanong ko.
"Oo naman." Nakangiting sagot niya.
"Salamat ha, andami mo nang naitulong sa 'kin." Pasalamat ko.
"Konti pa nga 'yan eh." Natatawang sagot niya. "My name is Nadine.. And yours is?" Pagpapakilala niya saka iniabot sa akin ang towel para ipamunas sa basang parte ng katawan ko.
"Camille ang pangalan ko." Sagot ko saka kami nag-shakehands. Grabe ang lambot ng kamay niya, nahiya naman ako sa kamay ko na ang gaspang. Hindi ko na lang tuloy hinawakan nang mabuti 'yung kamay niya.
"Pasensya ka na ha, ang gaspang ng kamay ko." Nahihiyang sabi ko saka alanganin na ngumiti.
"Ano ka ba, okay lang 'yon." Medyo natawa siya. "Anong grade ka na this school year?" Pag-iiba niya.
"Grade 10." Sagot ko. K-12 na kasi ngayon eh. Dinagdagan na naman ang stress.
"Oh.. Pareho pala tayo." Sabi niya. "Sa anong section ka?"
"Tanzanite."
"Talaga?! Pareho tayo!" Masayang sabi ni Nadine. Ngumiti na lang ako. Ang bubbly niya, akala ko tahimik lang siya. Nakatutuwa siya!
Ilang minuto pa at nakarating na rin kami sa school, sakto tumila na 'yung ulan.
"Thank you ulit Nadine."
"Walang anuman ulit." Sagot niya saka ngumiti. Ang ganda talaga niya. Siguro, lahat ng taong nadadaanan niya, napatitingin talaga sa kaniya. Kasi, parang magnet ang beauty niya. Andaming nagkakandarapa sa kaniya, panigurado 'yan.
"Sabay na tayo?" Tanong niya.
"Sige, hindi ko pa rin kasi kabisado 'yung school. Ang laki kasi." Pumayag na 'ko para may kasama 'ko.
Nilapitan ako ni Nadine at saka ikinawit ang braso niya sa braso ko. "Let's go." Aya niya saka kami sabay na pumasok sa loob.
Grabe 'yung guard, makatingin sa 'kin parang kakainin ako nang buhay. Kahit noong enrollment pa lang, gan'yan na siya.
"Nadine, ganyan ba talaga 'yung guard dito?" Bulong ko.
"Oo, pero hayaan mo na 'yan, hanggang tingin lang s'ya. Hindi 'yan nananakmal." Natatawang bulong din niya.
'Yung mga estudyante na nadadaanan namin mga nagbubulungan, rinig naman. Ano kaya 'yon, bulungan pa ba 'yon? Sana ipinaglantaran na lang nila!
"Iba na ba taste ni Nadine sa pagpili ng kaibigan?"
"Oo nga, parang bumaba 'yung taste n'ya."
"Sana tayo na lang ang naging friends n'ya kaysa sa babae na 'yan.
"Ang pangit naman nung kasama n'ya, ang kapal ng buhok saka kilay. Hahaha!"
Iyan ang mga komento nila sa akin. Pasalamat kayo, unang araw pa lang. Kailangan ko munang maging humble. Paraanin niyo lang ang ilang araw, makahaharap niyo rin ang katapat ninyo.
"'Wag mo na sila pansinin Camille." Sabi na lang ni Nadine saka nilapitan 'yung mga estudyanteng nagbubulungan.
"You, all of you. Sinasabi n'yo bang bumaba ang taste ko sa pagpili ng kaibigan? Well, tumaas nga ang taste ko e, kasi, kung kayo ang pinili kong mga kaibigan.. Sobrang down na siguro ng taste ko." Sarkastikong sambit ni Nadine saka ako hinila papunta sa magiging classroom namin.
Hindi ko akalain na gagawin 'yon ni Nadine. Ano? Natameme kayo? Mga ano kasi kayo eh!
Pagbukas namin ng pinto, lahat ng estudyanteng nasa loob ay napatingin sa amin..
At tinignan nila ako mula ulo hanggang paa, hindi mula ulo mukhang paa ha.
Bakit naman kaya nila ako tinitignan nang gan'yan? Dahil ba sa kagandahan ko? Alam ko naman na maganda ako, e, kaya bakit kailangan nila akong tignan nang gan'yan? Naiinggit ba sila? Nako, 'wag na nilang pangarapin na maging kamukha ko. Magsisisi lang sila. Pinapangako ko 'yan.
Nilapitan ako nung lalaking matangkad tapos gwapo, at parang pamilyar sa 'kin 'yung mukha n'ya. Parang nakita ko na siya kanina. Hindi ko lang matandaan kung saan.
Pagkalapit niya, inilayo niya ako nang kaunti gamit ang hintuturo niya na pagkahaba.
Ano'ng balak nitong gawin? Gangster ba siya? Ha? Ang lakas ng dating eh.
Bakit? Pipintasan din ba niya ang itsura ko? Hindi na kayo nagsawa!
°°°°
edited: 2021
Sorry kung bigla na lang na-unpublish, nagkaroon na kasi ako ng time para i-edit siya. Enjoy reading! :-)
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 1
Start from the beginning
