Confession 17 (Part 2): Sorry, Sorry

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mamaya na. Tulungan mo muna kami dito." Utos ni Jessey sa kanya habang tinitignan ng masama. Tinulungan nila si Mika na ipasok sa loob ng van at dalhin na sa Agency nila. Nagtataka sila bakit nahimatay si Mika na hindi naman sila ganito dati.

----------------

      KIM

----------------

Time Check:

2:30 PM

Asan na ba sila Cienne? Wala ba silang balak umuwi? Kanina pa uwian ah! Hay! Nakakalungkot namna ito. Nandito sila pala sila ate Wensh at Justine. Ewan bakit. Makikikain siguro hahaha! Katatapos lang naming kumain dahil late na kami nakaluto. Si Ara naman, ayon! Knock out. 

Ate Abi: "Nandito na sila."

Ate Mich: "Caps? May nakikita ka ba na hindi namin na kikita?"

Ate Abi: "Weird mo."

Ate Mich: "Mas weird ka kaya."

Ate Wensh: "Awat na. Anong oras ba sila umuuwi pagtanghali?"

Kim: "Mga past 12 pero hindi naman ganito katagal 'no."

Justine: "Hala! Baka!"

Ate Wensh at Justine: "NALIGAW! Hahahaha!"

Kim: "Umaga? Maliligaw? Gabi nga nakapikit hindi sila naligaw. Umaga pa kaya?"

Justine: "Sorry naman."

Ate Abi: "Eh! Si Ara? Tulog?"

Kim: "Knock out Kaps."

Nang matapos kami ay niligpit namin ang mga kalat. 'di namin feel ang matulog ewan lang kung bakit. Naka-upo kami ngayon sa sala at nanonood nga palabas. Ewan kung ano 'to. Hunger Games ata. 'di ko feel parang may kulang eh!

Ara: "Hi po."

Ate Abi: "Oh! Daughter, nagising ka na."

Ara: "Hi po. Mother hehehe!"

Kim at Justiine: "BUHAY KA!!"

Ara: -_- 

Justine: "Jokerms!"

Ate Abi: "Product of Kim si Justine. Nagiging bully na rin."

Kim: "Naman!"

Ate Wensh: "Proud ka pa hahahaha!"

Ate Mich: "Kain ka na Ara. Sure ako na nagugutom ka na."

Ara: "Okay po."

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinundan ko si Ara. Ewan eh! Feel ko lang. Umupo ako sa dinning area at pinapanood si Ara habang naghahanda na kakainin nya. Sipag ko 'no? Tumutulong talaga hahaha! Iniiwasan kong gumawa ng tunog para hindi nya malaman na nandito ako hehehe!

"SH**! Ate Kim naman." Gulat nyang sambit at muntikan ng malaglag ang bitbit nyang plato. Hahaha! It worked. Nakangiti lang ako sa harap  nya at tinitignan parin sya. Hahaha! "Anong ginagawa mo dito?" Dagdag nyang tanong. Nilapag nya ang plato at umupo na rin sa harapan ko.

"Sayo ba 'to at pagbabawalan akong pumunta dito?" Tanong ko sa kanya. Napatingin sya sa akin at napakunot ang noo.

"Parang nagtanong lang." Sumimangot lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref. Bumalik ako sa pagkakaupo at tinignan sya. Napakabata pa ni Ara para ikasal. Oo bagay naman sila ng pakakasalan nya pero sa murang edad nakatali na sya. Paano na si Mika? Paano na lang ang KaRa? Maski ako, oo may pera nga kami pero hindi naman umabot sa point na ipapakasl kami sa ganitong edad para lang sa pera. Pero parang hindi lang sa pera. Tsk! Oo na. Sakim siguro sa pera.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon