Chapter 6 - The Other Side of Gabriel Jhonson

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumingin ako kay Gabriel. "Binigay ko na nga name ko pati number ko ba? Dapat i-research mo na yun." nagsmile ako. 

Bigla naman nalungkot si Gabriel grabe ah. 

"Sige akin na yung number mo para ako nalang magtetext sayo." nasabi ko dahil sympre matutuwa sila if nakuha ko yung number ni Gabriel ay magpapicture na din kaya ako? 

Binigay ko yung cellphone ko sa kanya then he typed his number dun ang tagal ah. Tas bigla niya akong hinatak at sabay nagflash yung camera ko! Waaa hindi ko na pala kailangan sabihin sa kanya papicture siya na nagpicture eh dumadamoves. :))

Kinilig naman ako!  

"Oy kaw ah!" sabi ko sakanya. "Sige na bye na."

"Text mo ako ah!" 

"I-research mo ako!" sabi ko at umalis na ako dun sa malapit sa stage. 

Hinanap ko sila Eunice at ayun nakita ko naman sila ni William. 

"Let's go." sabi ko sa kanila. 

Then nagbeep yung cellphone ko. 

[From: +6391656*******]

Oh ayan nag research na ako. Uuwi ka na ba?

Ay Gabriel talaga! May ganito palang side si Gabriel Jhonson akala ko sakanya siya yung tipong masungit, feeler, mayabang kasi gwapo at hindi nakikipagusap sa mga stangers pero I was wrong he's friendly, makulit, life saver ko na din! Buti nalang talaga dumating siya kung hindi pahiya na ako sa madaming tao.

[To: Gabriel Jhonson.]

Haha.. kaw ah kaya pala matagal mong hawak cellphone ko! Tsk. Yup uwi na ako eh kaw?

Oh instant textmate ko si Gabriel ngayon haha hay parang ayoko muna umalis dito at gusto ko pang makausap si Gabriel at mahawalan yung kamay niyang napakalambot. 

[From: Gabriel Jhonson]

Sabi mo mag research ako kaya I searched your phone number. :D Mamaya pa ako. Bat ang aga mo naman uuwi?

[To: Gabriel Jhonson]

Sus. xD Ayaw ko naman talaga pumunta dito eh napilit lang eh kaw bat ka ba nandito ngayon?

[From: Gabriel Jhonson]

Buti napilit ka. :DDD Ewan ko ba basta nahatak nalang ako ng mga paa ko at sumama ako sa mga barkada ko. 

Ahh ganun pala yun DESTINY  whhahaha. Magrereply na sana ako nang biglang nagbeep ulit si cellphone

[From: Gabriel Jhonson]

Maya ka na uwi. Usap muna tayo tara baba ka ulit dito treat kita. Hirap magtext eh.

Waa... Eh ano ba yan baka bukas pag nagkwento na ako papatayin na ako ng mga classmates ko! Waa... Sige na nga baba nalang ako para naman hindi sayang ang pagpunta ko dito. Waa kinikilig ako! 

Bumaba na ako ulit. tas nakita ko si Gabriel nansa bar nakaupo dun kaya nilapitan ko siya at naupo na din sa stool. Nag smile naman ako sa kanya. Haha. 

"Oh ano ba gusto mong pagusapan?" tanong ko

"San ka nagaaral?" 

"Research mo."

"I'm researching right now so saan nga?"

"Charles Elloitt University eh kaw?" kunyari hindi ko alam hahaha sympre naman pasimple lang dapat. 

"Hahaha schoolmate pala tayo!" 

Ou ano ka ba ngayon mo lang nalaman! Tsk dati ka pa namin sinusunda sa Building C haha! 

"Oh? Ano course mo?" 

IT sympre tas third year ano ba yan alam ko na yun eh.

"IT ako third year na eh ikaw?"

"Psychology ako! Haha tanda mo na pala first year lang ako!" 

"Hoy hindi naman ako matanda!" 

"Haha lolo!" 

"Bakit hindi kita nakikita sa school?"

"Eh sympre makali yun no! At iba course natin!"

"Parehas naman ng college."

"Ayy ou nga no!" 

"Well nakita na kita ngayon!"

"Sus." hay hindi ko masabi yung gusto kong sabihin or tanungin sa kanya! Ahh.. Alam ko na. "Ahhhhh... ikaw pala yung Gabriel Jhonson na yun!" sabi ko at nagulat siya

"Oh kilala mo na ako?"

"Hahaha. Ang masungit na swimmer!" nasabi ko sa kanya. "Ikaw ba yun?"

"Ha? Ako masungit?" sabi niya at tawa ng tawa.

"Ou daw ring ko yun everytime no! Sungit ka daw. Bat ka ba masungit?" 

"Hahaha hindi ako masungit no! Siguro sa mga hindi ko friends." sinabi niya habang tumatawa siya. Sus talaga lang ah snob ka nga sa fb daw eh!

"Ewan." napasmile naman ako. Alam niyo yung feeling na ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon hindi man ako kinakabahan sa kanya or no awkward  feelings para bang I know him already. Hay ewan basta ok siya kausap.

"Eh kaw bakit ang taray mo kanina dun sa lalaking yun?" bigla naman niyang natanong.

Aba sympre sino ba naman gusto sa lalaking mahangin? 

"Eh ang pangit eh." nagsmile ako. "Dapat nga pati ikaw tarayan ko eh kaso sinave mo naman ako eh." 

Kaso kasi ang gwapo mo hindi ko magawang tarayan ka. 

"So pangit ako?" 

"Hindi naman." sabi ko sympre totoo naman na hindi eh. "Uy may nagsabi na ba sayo na kamukha mo si Robi Dominguez?" 

"Ha? Sino yun?"

"Hmpp." ano ba tong kausap ko hindi ata nanunuod ng tv! 

Tas biglang dumating si Eunice. "Aly let's go." sabi niya.

Hay sayang I want to get to know Gabriel Jhonson more. 

Tumayo na ako "Oh sige na bye thanks again ah!" paalam ko kay Gabriel and then umalis na nakita ko nakatingin pa siya kaya nag wave ako sakanya siya din naman with his killer smile. 

Hindi na ako nakauwi sa bahay kaya kayla Eunice ako matutulog ngayon. Humiga na ako dun sa kama si Eunice tulog na tulog na sa kabilang room ako hindi pa makatulog. 

Today I found the other side of Gabriel Jhonson. And natutuwa ako dahil mabait pala siya hindi siya yung snob na sinasabi ng mga tao. Boto ako sa kanya! Magaling talagang pumili si Love ng crush! 

Nakalimutan kong tanungin kung bakit niya ako niligtas haha sayang! Text ko nalang siya! Ay sana hindi niya ako makalimutan at i-add na niya ako sa facebook! :) 

Inopen ko muna yung aking laptop then nagtype sa google ng Robi Dominguez waaa kaya pala hindi niya kilala kasi it's not Dominguez it's DOMINGO hahaha pahiya ako dun! San ko ba nakuha yung Dominguez?

Ay nakakahiya talaga! Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila bukas? Na nasabi ko kay Gabriel na kamukha niya si Robi Dominguez? Ay patayin niyo nalang ako! Wala na akong mukhang ipapakita!

_______________________________

actually po talaga pong mali yung natype ko kala ko talaga ROBI DOMINGUEZ kaya pala sabi ko parang walang ganun na tao! Hindi ko nalang binago kasi nakakatamad na! Pero sorry sa mga fans ni ROBI DOMINGO haha! Pati na rin kay Gabriel haha. Maling tao pa ang sinabi kong kamukha niya!

 this chapter is done do read it and if you've come to like it share niyo or sige na vote na din hahaha :)) pati comment na din be a fan n din po hahah dami ko ng request. PEACE. :))) 

watch niyo po yung video on the right side. promotional video nto haha. PEACE

^_____-

My Love for a Magician ~CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon