"si Codilyn bronte.nagtataka nga ako,kasi kilala niya si Throwie at Ara,pero nang tanungin ko siya kung nagkakilala naba kami dati,sinagot niya ako nang hindi daw"natigilan naman ito at umiwas nang tingin sakin

"ano bang nararamdaman mo sa kanya?"

"pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala,pag sa tuwing pagmamasdan ko siya,pakiramdam ko ba ang saya-saya ko"

"ganun ba"

"Lo,gusto kong tapatin mo ako,meron ba akong naging girlfriend at nanatiling girlfriend parin bago ako mawalan nang ala-ala?"tumingin ito saglit sakin at napabuntong-hininga

"sa sitwasyon mo ngayon na magiging Ama kana,sa tingin ko wala akong karapatang mag-sabi nang buong katotohanan"napatingin naman ako dito

"ibig sabihin may girlfriend ako bago ako mawalan nang ala-ala?"tumango naman ito

"yes!"napatayo na ako sa sobrang inis na nararamdaman ko

"pero bakit hindi niyo sinabi agad?sino siya?nasaan siya?bakit hindi siya nagpapakita sakin?"nanatili naman itong nakaupo

"siya ang nag-desisyon na huwag sabihin sayo,huwag ka sanang magalit sa kanya pag nalaman mo ang lahat.may mga dahilan siyang sa tingin ko ay maganda para sa inyong dalawa"

"at ano ang dahilan niya?sa ginawa niya marami akong masasaktan!maghihintay nalang ba siyang maalala ko?pano naman ako?pano na yung nararamdaman ko ngayon?litong-lito na ako"tumayo naman ito para pakalmahin ako

"alam ko,alam kong nahihirapan kana,pero sana,isipin mo rin na sa sitwasyon mo ngayon mas mahihirapan siya.gawin mo kung ano yung tama,gawin mo kung ano ang tinitibok nang puso mo.kung sa tingin mo kailngangan mong pakasalan si Yvon,dahil nabuntis mo siya,gawin mo!pag-isipan mong maigi,kung noon kontrolado ang buhay mo nang ibang tao,ngayon ikaw na ang siyang magpapasya nang ikaliligaya mo.sa sitwasyong ito,wala akong maisasagot sayo kundi ang suporta ko lang."

"pero..Lo"

"ang babae sa nakaraan mo ay mga dahilan na siya lamang ang tanging makakapag-sabi sayo,mga bagay na dapat sanang unawain at intindihin mo kung napili niyang hindi ito sabihin sayo"napabalik naman ako sa pagkakaupo ko at hindi na umimik

Nag-paalam narin naman ito sakin,pumasok na nga lang ako nang kwarto at nahiga doon.tama pala ang kutob ko na may mangyayaring hindi ko inaasahan pag-uwi ko.may point nga si Lolo,pero pano ko mauunawaan ang isang bagay na para sakin hindi niya dapat inilihim.

Muli na nga lang akong tumayo at umalis nang bahay.kung wala akong makukuhang impormasyon sa kanila.gagawa ako nang paraan para malaman ko kung sino siya,pero sa ngayon,kailangan ko munang puntahan si Yvon sa condo ko dati

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now