Kahit na walang sinasabi si SinB ay maituturing ko parin syang kaibigan sapagkat bakas sa kanyang pagmumukha ang hindi maitatangging pag aalala.



Tama talaga ang naging desisyun ko na hwag ipagsabi sa iba sa kung ano ang nagyayari sa akin ngayon dahil baka ito ay magiging dahilan ng pagkasira ng aming pagkakaibigan. Baka kase mag iba ang paningin nila sa akin. 


Minsan lang itong mangyari sa aking buhay, ang magkaroon ng mga kaibigan. Kaya titiisin ko na lamang itong mag isa. 



Hindi ko naman pwedeng sabihan si Mommy tungkol sa nangyari dahil for sure, mag aalala yun ng husto at pwede rin na hindi na nya ako papapasukin sa school na ito.



"Ahhh.. Hehe. Ganun ba?" Sagot ko na lamng kahit na naguguluhan at nakakabahan at the same time. Kung si Jin ang nakakita sa akin, ibig sabihin, na..nakita nya ba ang duguan kong damit at kamay? At tsaka nakita din ba nya ang killer?



Natigilan naman kami nang marinig ang magkasunod na busina't Sirena ng ambulansya at patrol car ng mga pulis. 


Nang ang ang mga pulis at detectives ay nakarating sa crime scene ay agad na pinabalik sa kani kanilang mga kwarto ang mga estudyanteng nakiusyuso.



Matapos kaming interviewhin ni Detective Kang ay pinabalik na kami sa aming mga kwarto. Napansin ko naman na nandooon parin si Jin at kausap si Detective Kang at parang napakaseryoso ng kanilang paksa kaya naman hindi ko na lamang sya hinintay at dumiretso na lamang sa room 1366.



***



Haaayy... Sa ngayon, ang daming mga katanungan ang gumugulo sa aking isipan.



Narinig ko naman na nag uusap sina Yuju at Eunha patungkol sa nangyari kanina. Kesyo nakakatakot daw at Kesyo hindi daw nila inakala na mamamatay si Teacher Koh sa araw na ito. 



Hindi naman mapigilang mapaluha ni Yerin dahil sa nangyari. Afterall, close na teacher nya si Teacher Koh at alam din naming napakaclose nya sa mga teachers dito sa Saikou High. Syempre dahil sya ang SSG President dito.



Pinatahan naman namin kaagad siya nang kami ay makarating na sa aming kwrto. Matapos yun ay kanya kanya kaming nagpahinga sa aming mga kama kahit hindi pa kumakain. 


Wala din naman kasing ganang kumain sa amin eh. Dahil sa mga nangyayaring hindi kaaya aya ngayong araw.



Napahiga ako sa aking kama at bigla ko namang naalala ang kutsilyo sa ilalim nito. Nanlaki ang aking mga mata. 

Saikou HighOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz