SMMMR 04~ Converse High International School

Start from the beginning
                                    

May tahimik.

May dalawang maingay.

May isang nag-aaral.

May mukhang masungit.

May nanonood sa phone niya habang tumatawa.

At may..

NAKA-ALL PINK. Well, except sa uniform niya. PERO PINK ANG MGA GAMIT NIYA. GOSH.

Maikli ang buhok niya at napansin kong maganda ang mga mata niya. May kung ano siyang ginagawa sa tablet niya at medyo napapangiti pa siya. Dun ko nakita ang mga dimples niya na malalalim. Ang ganda-- aish! Ano ba 'to?!

"Girls, would you mind if you'll stop what you are doing?" Mahinahong pakiusap sakanila ni Mam.

Agad naman silang umayos at medyo natawa pa ako dahil malakas na pinalo nung tahimik yung katabi niyang nanonood sa phone habang tumatawa. Pfft.

"Uhm boys, please introduce yourselves."

Hala.

"Hyung, ikaw na mauna. Ikaw naman ang pinakamatanda."

Aba! Loko 'tong si Taehyung ah!

"Sige na hyung." Dagdag pa niya.

Napailing nalang ako at nag-step forward.

"Uhh." Panimula ko. "I'm Kim SeokJin. Jin for short." Maikling pagpapakilala ko.

"Min Yoongi. Just call me Suga or Agust D. Tsh. Swaeg."
Pansin ko naman ang pag-ngisi nung babaeng kanina pa tahimik at ang pagkapikon sa mukha ni Yoongi. Anong meron?

"Hello! I'm Jung Hoseok! I'm J-Hope! Your angel, your hope! You can call me Hobieu!" Ang energetic masyado ah.

"I'm Kim Namjoon, RM nalang."

"Hello girls." Nakangising simula ni Chim. "I'm Park Jimin but you can call me what you want." Then nakita ko ang pagtingin niya doon sa babaeng mukhang masungit.

"Hi Margarette." Then he smiled and winked at her. Kilala niya?!

"Hyuuung. Tigil ka na nga." Parang batang itinulak ni Taehyung si Jimin sa gilid, dahilan para matawa yung isa sa mga babaeng maingay kanina.

"Herro! (Hello). I'm Kim TaeHyung, you can call me V, Bwi, and Taetae! Nice meeting you!" Masiglang bati niya habang namumula-mula pa. Pero bakit?

Nakita kong may tinitignan siya at nang tignan ko yun, yung babaeng natawa yung nakita ko.

Hindi kaya..

"V, yan ba yung Mich? Yang tinitignan mo?" Bulong ko.

"N-ne, hyung. Hihihihi."

Ohh.

"Jeon Jungkook. Just call me Jungkook. No more, no less."

"Tch. Choosy."

Agad na nanlaki ang mga mata ko at ng mga members ko nang sabihin iyon nung isang medyo chubby na katawanan kanina nung Mich.

Umirap siya kay Kookie at halata naman kay Kookie na naiinis na siya. Seriously, what's going on?!

"Oh, okay. Uhm. Girls, kayo na ang magpakilala. Boys, you may now take your seat."

Magkakasunod kaming pumunta sa may left side ng classroom at doon pumili ng mauupuan namin at habang yung mga babae naman, isa-isang inayos ang mga sarili nila.

Teka, kami-kami lang ba ang magkakaklase?

"Mauuna na ako ah?" Paalam nung naka-nerdy glasses at tumango naman ang mga kasama niya.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now