LXIII | Supreme Divination

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yan," kumpirma ko. "Pwede mong patayin 'yan."

Mas mabilis pa sa kisap-mata ang paglipad ni Blobblebutt patungo sa higante. Nag-iwan lang ito ng malakas na ihip na hangin bago lumipat sa harapan ng giant at tinuka-tuka ang mukha nito.

Pumasok sa room ang iilan pang mga kalaban, kabilang na ang isang babaeng ahas ang kalahati ng katawan.

Tinuro niya kami. "Get them!"

Sumugod sa'min ang mga kawal niyang parang mga tao pero hindi, kasi kulay pula 'yong mga balat nila, kasingkulay ng kaliskis niya.

At dahil malapit na nilang mapuno ang silid, umikot ako saka tumakbo kasabay yung ibang Alphas, patungo sa butas sa pader kung saan agad kaming tumalon mula sa pangatlong palapag.

Mabuti nalang at lumitaw si Blobblebutt na siya ring naglipad sa'kin pababa, kaya di ako natulad sa iba na napagulong sa lupa.

"Ack!" Pumihit-pihit si Chase habang nakahawak sa kanyang paa. "Putangina!"

Habang nakasakay kay Blobblebutt, itinaas ko ang aking pana. Hinatak ko ang tali nito at itinuon sa binti ng higante na nasa loob ng building. At sa pagitan ng aking mga kamay, namuo ang isang palasong gawa sa liwanag.

Palaki nang palaki ang dulo nito dahilan na bumaba nang kaunti ang aking mga braso. Pinakawalan ko ang palaso na naglaho sa aking pananaw dahil sa sobrang bilis ng paglipad nito.

Bumaon ito sa paa ng higante. Pumasok ang palaso sa ilalim ng balat nito, at napaiwas ako ng tingin pagkatapos lumiwanag ang buong katawan ng giant ilang sandali bago sumabog ang buong binti nito.

Nandidiri ang aking mukha habang nakaiwas sa pira-pirasong kalamnan ng giant na tumalsik sa kinaroroonan namin.

Yuck!

Pagkatapos, humilig ang katawan nito palabas ng third floor.

Tinignan ko ang giant na dinaanan ng pulang liwanag habang nahuhulog sa ere. Sa tabi ng lumaking butas sa pader, nahagilap ng aking mga mata ang panandaliang pagpakita ni Ria na itinukod ang kanyang mga paa sa semento at hawak-hawak ang nag-aapoy niyang espada, itinulak niya ang kanyang sarili patungo sa higante.

Dumaan na naman ang dilaw na liwanag sa kabilang gilid ng higante at ilang sandali pa'y natagpuan ko si Ria na lumitaw sa lupa bitbit ang gintong espada.

Hindi tumama sa'min ang higante dahil humiwalay ang katawan nito at nag-anyong abo.

Nangati ang ilong ko dahil dito at wala sa oras na napabahing.

Mabuti nalang at nagawang hatiin ni Trev ang umuulang abo gamit ang hangin bago namin tuluyang malanghap ito.

Umikot-ikot si Blobblebutt sa lupa. Tumingala ako at nakita si Kaye sa loob ng gusali, kasama sina Mei, West, at 'yong babaeng ahas.

"Art..."

Nabaling ang aking atensyon kay Cesia.

Kinisap-kisapan ko siya. "Hmm?"

Hindi na niya kinailangang sabihin pa ang gusto niyang sabihin, dahil naintindihan ko agad ito base sa kanyang mukha.

At naramdaman ko ito.

Naramdaman ko ang isa-isang pagbigat ng presensya ng bawat demigod na nakapalibot sa'min. Naramdaman ko ang kakaibang hatak mula sa bawat kinatatayuan nila, kapangyarihan, na nagbabantang nakawin ang hangin mula sa'kin.

Nginitian ko si Cesia na hanggang ngayon ay iniiwasan pa ring tumingin sa iba.

Bumaba ako mula kay Blobblebutt upang lapitan siya.

"Cesia, naalala mo pa ba? Nung nahimatay ka kasi nasobrahan yung paggamit mo ng kapangyarihan mo?" tanong ko. "Anong sinabi ni Doc sa'yo tungkol dito?"

"Na muntik na akong mamatay?" aniya.

"Yun lang?" usisa ko. "Wala na siyang ibang sinabi sa'yo?"

"Yung..." Nanghina ang kanyang boses. "Supreme..."

"Supreme Divination," si Dio ang nagpatuloy, at hindi ko naiwasang mapangiti pagkatapos mapasinghap ni Cesia sa gulat.

Pinaningkitan ko silang lahat. "Huwag niyong takutin, uy."

Sino nga ba namang hindi matatakot ngayong lahat ng pares ng mga matang nakatuon sa'min ay parang sinindihan ng magkaiba-ibang kulay.

"We're half gods, Cesia," paalala ni Dio sa kanya. "And there will be instances that our deities' blood can take control of our bodies. It usually happens when we're on the verge of overusing our power, or in this case..." Matamlay siyang bumuga ng hangin. "When we're deeply threatened."

Sa kasalukuyan, kasingkulay ng mga mata ni Dio ang karagatan at saka mo lang makikita ang lalim sa likod ng katingkaran nito kapag matagal mo itong tinitigan.

"Pasensya ka na, Cesia." Nanghingi naman ng paumanhin si Chase.

Hanggang ngayon di pa rin talaga ako sigurado kung anong kulay ng mga mata ni Chase kasi sigurado naman akong hindi ito yellow at hindi rin orange. Para naman kasing dalawa yung kulay ng mga mata niya, depende kung gaano kaliwanag ang kapaligiran.

Masyadong maliwanag yung mga mata niya para maging orange, pero masyado rin itong madilim para maging yellow, kaya both nalang!

"Hindi rin naman kasi namin inakalang hindi pala namin masusunod yung utos ni Trev, na iwasang umabot sa ganito," paliwanag ni Chase. "Kung kailan makikita mo."

Tinignan ko si Trev na walang ipinagbago ang kulay ng mga mata, pero nangungulimlim ang buong mukha.

"What?" Nandilat ang mga mata ni Ria na kasingkulay ang sariwang dugo na nakabahid sa kanyang panga. "Aren't you mad at how that bitch looked down on us?"

Hindi sumagot si Trev.

"Teka." Muling nagsalita si Cesia. "Kaya ba ayaw niyo akong pasalihin sa digmaan dahil dito?"

"Parang gano'n na nga, Cesia," sagot ko. "Tayong dalawa nalang kasi ang natitirang NSDSB."

"NSDSB?"

"No Supreme Divination Since Birth."

"And trust us when we say that we don't want you to," ani Kara. "When the blood of the gods overcomes us, we tend to lose our humanity, and we could become as cruel as them."

Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa aking labi.

"Mmm," sang-ayon ko.

"This isn't the right time to divinate for the first time," sabi ni Kara. "This is the first war we've been in, and we can't afford for one of us to lose control."

"Ano bang dapat kong gawin para hindi mangyari sa'kin 'yan?" ani Cesia.

Ngumisi si Chase. "Wala," sagot niya. "Wala kang magagawa."

"Just..." Napabuntong-hininga si Kara. "Try your best to keep calm," payo niya. "And whatever happens, do not let yourself go."

Humarap ako kay Cesia, ngunit bago pa 'yon, dinaanan ko ng tingin si Cal na wala nang mas ikakadilim pa ang kulay-anino nitong mga mata.

"Cesia, gusto mo pa rin bang tumuloy sa digmaan?" nag-aalala kong tanong. "Kasi kung hindi, sasamahan kita kung saan mo gustong pumunta."

Humugot siya ng malalim na hininga, at pinakawalan ito kasabay yung sagot niya.

"Dito lang ako."


Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon