XXVI | Mayethrusa

273K 10K 1.1K
                                    

Dio's POV

Trev kicked the bars open, wide enough for us to jump out of the cell. Nang makalabas na ako, naramdaman ko ang pagbalik ng kapangyarihan ko, pero hindi pa lahat.

I threw myself towards the creature and immediately pierced the needle part of the poisoned dart deep into his stomach. Ngunit sa hindi inaasahan, tinignan niya lang ito at napangisi.

Huh. I should've aimed at his neck, I guess.

Tumilapon ako nang dumamba sa'kin ang higante niyang kamay. Tinanggal niya yung dart na nakadikit sa kanyang balat at ibinato ito sa direksyon ko. Pero hindi ito tumama sa'kin dahil kay Chase na sumipot sa harapan ko. Nakatagilid siya, nakaangat ang kanang kamay at nakatingin sa nakakuyom niyang palad. "Mukhang sa leeg lang 'to effective, 'tol." aniya saka inabot sa'kin ang dart na nahuli niya habang lumilipad pa ito sa ere.

"Yeah, I just figured that out." Tumayo ako at kinuha ito mula sa kanya. 

I found myself in front of the giant in no time. Padaskol niyang iwinawagayway ang kanyang weapon dahil apat kaming nakapaligid sa kanya na bigla-bigla nalang sumusulpot at naglalaho sa kanyang paningin. Even without the use of our abilities, alam kong mapapabagsak pa rin namin ang higanteng 'yan, because there's four of us and we're already shaped by years of training.

I used his wide belly as a launch pad to jump and reach his neck. Before I could stick the needle however, tumama ang katawan ng kanyang weapon sa bandang kaliwa ng tiyan ko kaya napatalsik ako sa mga rehas ng selda na nasa kanyang likuran.

A subtle groan escaped my lips. "Well I'll be damned. Ang sakit n'on ah." Hinimas-himas ko ang likod ng aking balikat atsaka iniunat ang aking leeg.

Nakita ko ang giant na nawawalan ng balanse at sa kasalukuya'y pumapahilig paatras. Kaya bago pa ako tuluyang mapisa ng kanyang bigat, gumulong ako papaalis sa kinapu-pwestuhan ko.

Nakatukod ang aking mga kamay at tuhod sa sahig nang mapatingin ako sa kanya. Ipinulupot ko ang aking mga daliri sa dart at hindi nag-aksaya ng oras na kumarimot patungo sa giant para isaksak ito sa kanyang leeg. Pagkatapos, pinasadahan ko ng palad ang aking buhok nang umayos na ako sa pagkakatayo. Napansin ko ang mabilisang paggalaw ng mga anino sa nakabakod na hagdanan sa dakong dulo ng malamlam na naiilawang hallway.

"We have company." Kinumpirma ni Trev ang kutob kong nakuha nga namin ang atensyon ng iba pang mga guwardiya.

"Yo. Center of attraction na naman tayo." nakangising puna ni Chase.

Kasunod kaming nakarinig ng mabibigat na yabag ng mga paa mula sa itaas at magkabilang dulo ng hallway. At the same time, we separated our gazes and immediately faced either ends. Trev and Chase will deal with the enemies from the left side, then Cal and I, will entertain the ones from the right.

Di nagtagal, nagpakita na ang inaabangan naming mga nilalang. Wala akong balak na ibaling ang aking atensyon mula sa kanila... but I was easily distracted when I felt my palms tingling. Pamilyar ang sensasyon na nararamdaman ko kaya sumayad ang aking tingin sa layer ng bedrock na nagsisilbing pundasyon ng buong Terraria.

So, they do have water from underneath...

I quickly spread my palms and collected the flow of water. Though nahirapan ako dahil sa kapal ng bato, sinikap kong i-maintain ang koneksyon ng aking kamay sa tubig.

The water has not appeared yet but I can feel it rising. Sinulyapan ko ang mga higante na papalapit na sa'min. "Come on." I mumbled under my breath. "Any second now." Ilang hakbang nalang mula sa'min ang mga kalaban nang sa wakas, ay lumabas na rin ang tubig mula sa mga bitak sa bato. Pinagapang ko kaagad ito patungo sa giant na nangunguna sa pangkat nila. Napansin niya ito kaya sinenyasan niya yung iba na huminto.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon