LXII | Captured

187K 8.3K 3.3K
                                    

Cesia's POV

Art...

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Art," bulong ko nang nakakunot ang aking noo. Sumasakit kasi 'yong ulo ko at ang huli kong naalala ay si Art na nilipad ng nilalang na 'yon.

Sinubukan kong gumalaw pero napatigil ako pagkatapos naramdamang nakatali ang mga paa't mga kamay ko.

"Can't believe it's this easy to capture them." Narinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. "Nasaan na ba si Kaye at bakit ang tagal niya?"

"Just shut up, West, will you?" Pamilyar din ang tinig ng babaeng sumagot. "Kaye's still in the other room interrogating the faculty."

"What's taking her so long?"

"I said shut up, at wala akong pakialam kung anong ipinagtagal niya. Ang mahalaga andito na sila."

Nahihirapan man, pilit kong itinuwid ang namimigat kong ulo upang tignan ang dalawang estudyante na nasa gitna ng silid.

Si West, at kasama niya ang babaeng sinigawan ako no'ng unang araw ko sa Academy. Sa pagkakatanda ko, isa rin siyang Beta, na nagngangalang Mei.

Inilibot ko ang aking paningin at natagpuan ang ibang Alphas na katulad ko ay nakagapos din. Nakasandal sa pader sina Kara at Ria habang nakahilig naman sa haligi sina Dio at Cal. Si Chase, ay patagilid na nakahiga sa sahig, at panghuli kong tinignan si Trev na nakayuko sa pader na pinakamalapit sa kanya.

"Oh, good, one of them's up." Narinig kong sabi ni Mei nang mapansin ako.

Tinignan ko sila.

"It's the new one," aniya.

"The daughter of Aphrodite," dagdag ni West.

Sabay silang lumapit sa'kin, at nahagilap ko ang namumuong panganib sa likod ng nangungusisa nilang mga tingin.

"Surprise." Nakangising sabi ni Mei. "Are you? Surprised?"

Hindi ako makasagot.

"Judging by the confused look on your face..." Pinagtawanan niya ako. "You are."

Binigyan ko rin si West ng tinging hindi makapaniwala, at nginitian niya lang ako.

"Did you like the flowers?" Yumuko siya sa tabi ko nang nakapatong ang isang braso sa nakatupi niyang tuhod. "I personally picked them for you."

Umiling-iling ako. "Ano ba talagang gusto niyo?"

Iniwasan ko ang kamay niyang nagtangkang hawakan ang aking mukha. Pero nagawa niya rin naman at pilit akong pinaharap sa kanya.

"If only you knew..."

Napaurong ako nang ilapit niya pa ako sa kanya.

"How much we've been dreading for the day..." Hindi niya pa rin binibitawan ang aking panga. "Where we can put you in your place."

"But you're new, aren't you? Poor you." Lumalim ang kanyang boses. "Are you starting to regret it? Signing the letter? Joining the class?"

"Dahil kung hindi pa, ako na ang magsasabi sa'yo, Cesia, na isa ako sa naniniwalang hindi karapat-dapat na mabuhay ang mga katulad mo," saad niya.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon