XLIII | Divided

202K 8.5K 2.3K
                                    

Cesia's POV

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa gilid ng sofa.

Walang bitawan!

"Sige na Cesia! Please! Last na talaga 'to!" Kung gaano kalakas ang boses ni Art, gayundin ang tibay ng sikmura niya.

Hinahatak niya lang naman ako para bumalik sa ice cream shop na 'yon, at hindi isa, hindi dalawa, hindi rin tatlo, kundi anim. Anim na beses ko siyang sinamahan, at anim na beses akong napilitan na kumain ng ice cream dahil ayon pa sa kanya, pag di ko raw naubos ang isang cup, di na niya ako papansinin for the whole school year.

Noong unang rounds, nakaya ko. Tapos, kinaya ko. Ngayon, di ko na kaya!

Yakap-yakap ni Art ang kabilang braso ko habang hinihila ako papalabas ng dorm at tanging ang sofa lang ang hinuhugutan ko ng puwersa para pigilan ang sarili ko na tuluyan niyang madala sa mall.

Nanlaki ang aking mga mata nang gumalaw ang sofa.

Kaya nga dito ako kumapit kasi ang laki-laki nito eh! Tapos malalaman ko nalang na pwede pala itong masama sa ice cream shop dahil sa lakas ni Art? Gaano ba kalakas ang babaeng 'to?!

"Art..." Naiiyak na ako. "Kanina pa humihilab yung tiyan ko." Ano pa bang gusto niya? Kumain lang kami nang kumain hanggang sa maging yelo yung mga dila namin?

"Ih hindi pa natin natikman lahat ng flavors ih!"

"Oh Gods." Tila nagkaroon ako ng surge of energy pagkatapos marinig ang sinabi niya kaya't malakas kong hinatak ang aking braso mula sa kanya at sumampa sa sofa. Bago pa niya mahablot ang kamay ko, ay pumatong ako sa gilid at niyakap ito na parang isang koala.

"Aaaah!" Napatili ako nang hawakan ni Art yung paa ko.

"Ano ka ba, Cesia! Hindi ka naman mamamatay! Demigod tayo, remember?" May kasamang hagikgik ang pagkasabi niya.

"Stay strong ka lang please." bulong ko sa upuan.

Ewan ko nalang talaga kung anong sasabihin ng iba pag naabutan nila akong ganito-

"We're still students. Who are we to go against them?"

Tuluyan na nga akong napabitaw at kumawala matapos marinig ang boses ni Ria. Nauntog pa ang noo ko sa sahig dahil nakataob ako nang salubungin ako nito.

Binitawan na rin ni Art yung paa ko.

"Luh! Sa'n na naman kayo galing? Huh?" Narinig kong tanong ni Art.

Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa likuran nina Ria at Kara para magtago. Kinalabit ako ni Chase kaya napalingon ako sa kanya. Lumapit naman siya sa'kin para bulungan ako.

"Dumudugo yung noo mo."

Agad kong hinawakan yung noo ko at napangiwi sa hapdi.

"Give it a few minutes and that'll heal." ani Kara. "And as for you, Art. Give her some rest, will you?"

Ilang segundong nakatayo si Art, halatang nagdadalawang-isip kung susundin niya ba ang sinabi ni Kara, pero sa huli, napabuntong-hininga nalang siya atsaka tumungo sa kanyang kwarto nang mahaba ang nguso.

Binigyan ko ng isang ngiti si Kara bilang pasasalamat. Tinanguan niya naman ako bago ako talikuran.

Hindi na ako pinansin nung iba hanggang sa tuluyan na nila akong iwan mag-isa sa sala at kung kailan, dahan-dahang tumuwid ang nakakurba kong labi. Napatingin ako sa direksyon ng mga nakasaradong pinto. Mayamaya'y umupo ako sa sofa at sinandal ang ulo ko sa sandalan. Huminga ako ng malalim... saka bumuga ng hangin. Paulit-ulit kong ginawa ito para pabagalin ang tibok ng puso ko. At pagkatapos kumalma, lumabas ako sa balkonahe.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon