*Ding Dong* *Ding Dong*

"Ako na," sabi ni Stella at binuksan ang pinto hindi ko na ito pinansin at naghanap na ako ng mga damit na dadalhin.

"Alexis."

"Sino daw 'yun?" tanong ko ng hindi sa kanya tumitingin dahil naglalagay na ako ng mga damit sa pack bag ko.

"Hindi na nagpakilala pero sabi niya galing daw kay Dad este Mr. Cruz e dalawang blanket ito anong kulay ng sayo?" tanong ni Stella sa akin tumingin naman ako sa kanya at landing ang paningin ko sa isang plastic bag na nakalagay ang kulay itim at violet na blanket.

"Ilabas mo nga 'yang dala," sabi ko at lumapit sa kanya in ilabas niya naman sa palastik bag ang laman nito at ipinakita sa akin.

"May pangalan ko ang itim," sabi ko sa kanya gamit ang seryosong boses.

"Ah! Akin pala ang violet, sige ilagay ko na 'to sa bag pack ko," sabi niya at kinuha ang bag pack niya.

Pagkatapos ko mag-lagay ng dadalhin namin sa aming camping ay nahiga na ako at natulala sa kisame tulog na rin si Stella kaya ang tanging ilaw nalang ng kwarto ay ang buwan.

'Silver Wolf Gang'

Itinaas ko naman ang kamay ko kung saan ay nasa middle finger ko ang singsing ng grupo namin ang 'Black Hell Gang' at ang kaliwang braso ko kung saan ay may tattoo ako na pakpak ng angel ang isa ay puti at ang isa naman ay itim.

Hindi na ako nakapagtiis at tumayo na ako at nag suot ng jacket na hoddie at mask at dahan-dahan na lumabas sa dorm tinignan ko naman ang wristwatch ko at '10:03'. Well, curiosity kills me.

Lumabas na ako at pumunta sa close canteen habang naglalakad ako nararamdaman ko na may mga nakatingin sa akin.

"Bastards, get out where you're hiding," sigaw ko nakaramdam naman ako ng may bumaba sa puno at nagsilabasan kung saan-saan.

"So, look who's here?" tanong ng isa sa kanila.

"The hell I care kung ayaw ko magpakilala," sagot ko.

"Nice one bro, babae 'yang kausap mo sa tingin ko gangster rin 'to," sabat ng isa sa kanila. Be careful on what you're saying, Mister. Wala tayo sa labas ng academy.

"Okay, we are the Demonic Gang," sagot niya.

Demonic Gang? Hindi sila ang Silver Wolf Gang?

"Anong kailangan niyo?" cold na tanong ko sa kanila.

"We want yo-"

"No," agad naman ako napatingin sa likod ko kung saan ay may nagsalita at nakita ko ang grupo ng mga bully.

"So, may kasama ka pala. Long time no see, Silver wolf," nanggigigil na saad nito na halatang galit na makita ang pagmumukha ng mga boys.

"Long time no see rin, Bro. Kamusta ang pagkatalo ng grupo mong mahihina?" tanong ni Andrei ang grupo ni Alex kilala ko na ang iba sa kanila.

"T*ngina mo, Andrei! Hindi kita naging brother kahit kailan manahimik ka nalang," nang-gigigil na sabat ng isa. Ngumisi naman 'yung nagngangalang Andrei.

"Hang-on, what's going on?" tanong ko.

"Is none of your business," sagot nilang lahat.

Lahat ng grupo ng demonic ay nag labas ng mga baseball bat samantalang ang silver wolf ay mga itim na gloves ang inilabas nila at isinuot.

Napangiti naman ako dahil may mapapanood na naman akong laban.

"Magtago ka muna," seryosong saad ni Alex tinignan ko naman siya at tumungo lumayo ako ng kaunti at umupo sa isang upuan.

Nagsimula na ang laban na walang ingay ang boring manood gusto kong sumali wala namang masama kung makikisali ako diba? Hindi naman nila ako makikilala dahil nakamask ako.

Tumayo na ako at sinipa ang isang grupo ng demonic na sana ay hahampasin ng baseball bat si Andrei napangisi naman si Andrei. "Welcome, Bro." Saad ko kahit alam kong hindi ito nagsabi ng thank you.

"Tss," saad niya at sumipa sa isang susugod sa kanya nag back to back naman kami ni Alex dahil siya ang maraming kalaban.

"Sh*t! What are you doing?" inis na tanong ni Alex.

"Trying to help," cold kong saad at sinipa ang hahampas ng baseball bat kay Alex at pinatulog ko muna.

"Thanks. But I don't need your help-we don't need your help," saad niya at pinagsusuntok ang ibang demonic nakita ko naman ang leader ng demonic na nakikipag laban kay Alex.

Sila Alex ba ang naglagay ng sulat sa locker ko?

"Watch out!" sigaw ni Andrei nahawakan ko naman ng walang kahirap-hirap ang baseball bat na tatama sana sa akin.

"The game is over," seryosong saad ko at ibinalibag siya gamit ang isa kong kamay hawak ko pa rin ang baseball bat.

"Kurt, catch!" sigaw ko at inihagis sa kanya ang baseball bat and now pantay na sila ng kalaban.

Pagkatapos ng laban ay natalo ang demonic at hirap na hirap sila maglakad paalis naupo muna ako sa isang bench at hinawakan ang kamay ko na ngayon ay dumudugo dahil sa talim na tumusok sa braso ko.

Nakaramdam naman ako na may umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sana hindi ka na sumali sa laro," saad ni Jake at nilagyan ng bandage ang sugat ko. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha pero ibinaling ko nalang ang tingin ko sa leader nila na kanina pa nag-iikot ng tingin.

"Masakit ba?" tanong niya umiling naman ako at napatingin sa kanya may galos siya sa mukha at dumudugo ang labi niya.

Napangiti naman ako at tinanggal ang mask ko pagkatapos ni Jake gamutin ang sugat ko ay ako naman ang gumamot sa sugat niya.

"Alexis?" gulat na tanong ni Jake ngumiti naman ako sa kanya at kinuha ang band aid at idinikit sa sugat ni Jake.

"There...try harder it's better," sabi ko at tumayo na, "'Wag mo sabihin sa iba na ako ang nakita mo," sabi ko at ibinalik na ang mask at naglakad na.

"Bye! Silver wolfs," sabi ko sa iba at nag wave ng kamay naaninag ng buwan ang singsing ko kaya napatingin ako dito.

"Aish! Nasaan na ba ang nerd na 'yun?" inis na sigaw ni Alex napangiti naman ako sila pala talaga ang naglagay ng note.

ALEXANDER

"Sa harap nang cafeteria tayo magsimula."

Shete! Kung kailan pagtitripan ko 'yung bagong pasok na nerd sa academy and this time nagyaya ang Demonic Gang na makipag laban at sa cafeteria pa talaga kung saan magkikita kami ni nerd. Tadhana talaga.

Hindi alam ng mga kasama ko na inimbitahan ko si Alexis na magkita sa kami sa cafeteria.

Wrong timing lang at doon mag sisimula ang laban ibig sabihin kasama ang mga unggoy na may mga sariling mundo.

Haist!

The Gangster In DisguiseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin