Chapter 19 || I Miss You

Start from the beginning
                                    

"Sus JM wag mo na kami idamay alam naman namin ni Anne na si Karylle lang ang talagang papabantayan mo Hahahaha" pabirong sabi ni Coleen sa sinabi ni JM kay Vhong.



"Oonga JM ikaw talaga, pero seriously mamimiss ka namin" malungkot na sabi ni Anne.


"Don't worry guys pagkatapos kong magpagaling dun at kapag ok na ok na ako babalik ako dito, basta chat tayo! masayang sabi ni JM sa mga kaibigan.



"Lets go na JM its our flight na say goodbye na to your friends" sabi ng Ate Emma sa kapatid dahil tinawag na ang kanilang flight.


"Mamimiss ko talaga kayo, magiingat kayo palagi dito huh, promise ko babalik ako dito," paalam ni JM sa mga kaibigan nya at isa isang niyakap ang kanyang mga friends, huli nyang niyakap si Karylle sabay may ibinulong sa dalaga.



"Don't worry huh, Malayo man ako sayo babantayan parin kita I promise" sinserong bulong ni JM sa pinaka matalik na kaibigan, dahilan ito para mapaluha ang dalaga.













































AFTER 6 years
















Makalipas ang anim na taon, nakatapos na ng kolehiyo ang ating mga bida, hindi rin nagtagal ay nagkaroon na rin sila ng kani kanilang mga trabaho, pero sa kabila ng pagiging busy sa trabaho ay nagagawa parin nilang magsama sama at makapag bonding kagaya ng nakagawian nila. Sina Coleen at Anne ay parehong nakapasok sa isang entertainment firm dahil pareho silang mahilig at magaling magsalita sa harap ng mga tao. Samantalang si Vhong naman ay nagtatrabaho sa sa isang business firm kasama si Karylle.


Isang araw nagkayayaan ang magkakaibigan na lumabas dahil nag kasabay sabay ang kanilang day off, kaya naman nag set agad sila ng get together nila, ikinatuwa naman ng magkakaibigan ang kanilang nagiging set up dahil sa tuwing nagpaplabno sila ng kanilang bonding ay natutuloy naman ito kahit na minsan ay nagkukulang sila ng isa ay naitutuloy parin nila ang kanilang lakad. Nagdesisyon naman si Vhong na hiramin ang sasakyan ng kanyang ama at sunduin na rin isa isa ang kaniyang mga kaibigan para hindi na rin sila mahirapang mag commute. Maaga aga syang umalis ng kanilang bahay para isa isa naring masundo ang kanyang mga kaibigan, nauna na nyang dinaanan si Anne na nakatira lang sa hindi kalayuan mula sa kanilang bahay, sumunod naman nitong sinundo si Coleen at panghuli naman si Karylle dahil alam nilang napakatagal nitong kumilos kaya ipinanghuli na nila ito.





"Hi K! You ready?" Pasigaw na tanong ni Anne kay Karylle mula sa sasakyan.





"Yes! Lets go" masayang sagot ni Karylle sabay sakay sa sasakyan ni Vhong.





"So san tayo ngayon girls?" tanong ni Vhong habang nakafocus sa pag drive





"Hmmm Mcdolibee?" suggestion ni Coleen





"Girl! masyadong pambata yun hahah saka di ka ba nagsasawa since highschool tayo palagi tayong kumakain dun ih" patawang sabi ni Anne kaya nagtawanan naman silang lahat.





"Mister Dunkin kaya?" Suggestion naman ni Karylle.





"Girl! lunch ang kakainin natin hindi meryenda HAHAHA puro sweets dun teh" pambabarang muli ni Anne sa mga kaibigan.





Loved Your MusicWhere stories live. Discover now