Chapter 39

529K 16.9K 2.4K
                                    

Annulment

Keila's point of view

Hanggang ngayon masakit pa din ang mga mata ko. Buong araw na akong umiiyak. Kahit ang kumain ay hindi ko magawa.

Paano nagawa sakin 'yon ni Dwayne?

Nagtiwala ako sakanya pero bakit ganito? Ang sakit lang tanggapin na ang taong mahalaga sa akin ay siya ding dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon.

Kung hindi ba ginawa 'yon ni Dwayne, magiging masaya pa din ba kami hanggang ngayon ni Kean? Kami pa din kaya hanggang ngayon ni Kean? Ang daming what if sa utak ko. Higit sa lahat ang daming bagay na pinanghihinayang ko ngayon. Mag bagay na kahit anong gawin ko, hindi na pwedeng ibalik pa.

Tumayo ako at nag desisyon na bumaba para kumain. Akala ko nandon si Mama pero wala siya. Wala din si Cloud. Naghanap ako ng makakain pero wala akong nakita. Tinawagan ko si Mama pero hindi naman niya sinasagot ang tanong ko.

Nag drive na lang ako papunta sa pinakamalapit na resto sa bahay. Nagugutom na talaga ako. Buong araw akong hindi kumain. Buti na nga lang nagkaroon na ako ng gana.

Pag park ko pa lang kotse ko, nakita ko na agad si Mama. May kausap siyang lalaki at nang titigan kong mabuti, nakita ko si Papa. Nagtaka ako ng makita ko silang dalawa na magkasama.

Pumasok ako sa resto. Dumiretso agad ako sa table nila. Tingin ko alam ko na kung bakit sila nandito at kung anong pinag-uusapan nila.

Gulat na gulat si Mama ng makita niya ako. "Keila, anong ginagawa mo dito?"

"Nagutom kasi ako, Ma. Nag drive ako papunta dito para kumain pero hindi ko inaasahan na makikita ko pala kayong dalawa dito."

Nakatinginan silang dalawa. Halatang hindi ako welcome sa usapan nilang dalawa. "Umupo ka anak at mag order ka na ng pagkain mo."

Tumango lang ako at umorder ng dinner.

Medyo awkward ang feeling. Pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sakin pero may ideya na ako kung ano 'yon.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko. "May problema ba?"

Umiling agad si Mama. "Wala anak, may pinag-usapan lang kami ng Papa mo."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko na itanong 'to. Kailangan ko din malaman ang totoo.

"Papa, totoo bang nakipaghiwalay ka na sa Mommy ni Dana?"

Nagkatinginan na naman silang dalawa parang hindi nila alam kung anong sasabihin nila sakin. "Totoo po ba, Papa?" Pag-uulit ko.

"Totoo anak, annulled na kami ni Danica nuong isang linggo pa."

Hindi ako makapaniwala. Tama pala talaga ang nga narinig ko nuon sa pag-uusap nila ni Mama. Tama din ang sinabi ni Dana. Malaki ang kutob ko na si Mama ang dahilan ng lahat.

"Si Mama ba ang dahilan, Papa?"

Tinignan ko silang pareho pero hindi sila makatingin sakin. Gustuhin ko man maging masaya dahil nagkabalikan sila at may posibilidad na mabuo muli ang pamilya ko ay hindi ko magawa. Naisip ko agad si Dana. Paano na siya? Sigurado akong masasaktan siya ng sobra.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon