New life
Ito na ang araw ng resulta ng kaso ko laban sa Polaris. Hindi ko na pina-attend sila Keila sa court hearing. Nang una, hindi sila pumayag pero sa huli nirespeto na lang nila ang desisyon ko. Gusto ko kasi na sa akin nila mismo marinig ang desisyon ng judge.
Pagkatapos ng ilang oras na hearing, natanggap ko na ang hatol sa akin. Matagal ko nang napaghandaan ito.
Nag drive agad ako papunta sa luma naming bahay kung saan naghihintay sa akin si Keila. Siya ang unang tao na gusto kong makita. Gusto ko nang hawakan ang mukha niya. Gusto ko nang titigan ang mga mata niya. Gusto ko na agad siyang yakapin at halikan kahit na sandaling panahon pa lang kaming nagkakahiwalay, pakiramdam ko nangungulila na ako sakanya. Siya ang palagi kong nakikita sa tuwing pumipikit ako.
Ang kahol agad ni Ben ang una kong narinig pag-akyat ko ng bahay. Ang sarap sa pakiramdam na umuwi sa bahay na ang naghihintay sayo ay ang taong mahal mo. Para bang kahit na pagod na pagod ka, makita mo pa lang siya, nawawala na agad ang lahat ng pagod mo.
Tumakbo agad si Keila papunta sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Wala pa man akong sinasabi ay umiyak na agad siya. "Anong sabi nila? Sabihin mong hindi ka makukulong? Hindi naman 'di ba?" iniharap ko siya tska ko pinunasan ang mga luha niya. Kahit na umiiyak siya, ang ganda pa din siya.
"Wag ka nang umiyak, mahal ko. Nasasaktan ako kapag nakikita ko 'yang mga luha galing sa mata mo."
Tinitigan niya lang ako ng diretso. "Kean! Pwede bang wag ka nang magpadalos-dalos? Sabihin mo na sakin kung anong nagging resulta!"
Minsan talaga, ang ikli lang ng pasensya niya sa ibang bagay. Natawa tuloy ako sa isip ko.
"I'll be imprisoned for a year," sambit ko. Bago pa man siya makapag-react ay binawi ko na agad 'yon. "I'm just kidding. I'm free."
Napahawak sa bibig niya si Keila at umiyak na naman siya pero this time pinag hahampas niya ako sa dibdib ko. "Baliw ka talaga eh noh! Pinakaba mo akong alien ka! Nakakainis ka!"
Hinila ko siya palapit sa'kin at tska ko siya hinalikan sa noo ko. "Don't worry, babe. I'll stay beside you now."
"Masayang masaya ako sa sinabi mo, Kean."
Sa totoo lang, hindi naman talaga nila ako pwedeng ikulong agad-agad dahil hindi naman ganoon kabigat ang kaso ko. May consequences nga lang akong kailangang gawin.
"May isa nga lang akong bad news sa'yo," sambit ko. "Hindi na nila ako ikukulong pero kailangan kong bayaran lahat ng damages na nagawa ko sa kompanya nila at sobrang laki ng hiningi nila sakin." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ubos na lahat ng pera ko, Keila. Balik na naman ako sa pagiging mahirap. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit dahil wala na akong place sa showbiz at para mabuo ko 'yong pera na pambayad ko sa Polaris, kahit mga businesses at mga naipundar kong property, wala na. I'm totally back to zero."
Hinawakan ni Keila ang mukha ko. "So? What's the problem?"
"Keila, hindi na kita mabibigayan ng marangyang buhay, hindi na kita mabibigyan ng magarbong kasal. You only deserve the best."
"Kean, palagi mong tandaan na kapag may nagkulang sa'yo, nandito ako para punan 'yon. Pareho nating pagtutulungan ang lahat. Ang mahalaha naman magkasama tayo, eh. Wala akong pakialam kung simpleng kasal at buhay lang ang maibigay mo sa akin, ang mahalaga kasama kita ngayon at masaya tayo."
Napatitig ako sakanya.
Masasabi ko talagang siya na ang for keeps ko.
Hindi ko naiwasan na maiyak sa mga sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi talaga ako nagkamali na siya ang pinili ko. Kahit kalian, hindi niya ako binigo.
BINABASA MO ANG
Dear tadhana (Published and adapted to a series)
RomanceMinsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang pwede mong gawin, ang sumabay sa agos o ang kalabanin ang nakatadhana sayo pero ang tanong kaya mo b...