Chapter 3

934K 26.2K 8K
                                    

Mother

Dwayne's point of view

"Dwayne?" lumapit sakin si Mommy. "Bakit ang aga mong nagising? Mamaya pa 'yong pasok mo, 'di ba?" tinignan niya kung anong ginagawa ko. Maaga talaga ako nagising para makagawa ng tuna sandwich na may special recipe ni Tatay. Dadalhin ko 'to mamaya pag punta ko sa cafe.

"May pupuntahan po ako, Mom."

Kinuha niya 'yong sandwiches na ginagawa ko. "Ako na ang gagawa nito. Mag timpla ka na ng gatas mo at kumain ka na." Sinunod ko si Mommy pero sa totoo lang ayoko nang uminom ng gatas dahil sawang sawa na ako don pero wala na akong magawa dahil palagi niya akong kinukulit. Ginawa ko na lang ang gusto ni Mom at pinagtimpla ko na din siya ng kape.

Tulog pa si Tatay at si Jenelle dahil puyat silang dalawa kakagawa ng bahay para sa mga alaga nilang pusa. Ang hilig nilang dalawa don. Kahit kailan talaga Tatay's girl si Jenelle.

"Mom, kaya ako maaga ngayon dahil pupunta ako sa cafe ni Keila. Nakapag decide na po kasi ako na mag invest don." tinignan ako ni Mom na parang inuusisa niya ako. Kilalang kilala niya na ako at madali lang niya mabasa ang iniisip ko.

"Nag invest ka ba don for profit o nag invest ka lang dahil kay Keila?" nilapag niya 'yong tuna sandwich na ginawa niya, may sobra pa para samin nila Tatay kaya kumuha ako ng isa. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Mom dahil ang totoo, kaya lang naman talaga ako nag invest don para palagi kong makita at makausap si Keila. "Dwayne, wala naman akong probelma kay Keila. Dati pa naman gusto ko na siya para sayo pero dapat mong isipin na mahal pa din niya si Kean. Ayoko lang masaktan ka ulit dahil sa totoo lang nasasaktan din ako kapag nakikita kitang umiiyak at nasasaktan." hinawakan ni Mom ang kamay ko at kitang kita sa mata niya ang pag-aalala.

"Mom, hindi ko na iniisip kung masasaktan pa ako o hindi. Ang gusto ko lang manatili ako sa tabi ni Keila lalo ngayon na kailangan niya ng taong masasandalan." sinubukan ni Mom na ngumiti pero bakas pa din sakanya 'yong pag-aalala. Niyakap ko siya para sabihin na okay lang ang lahat. "Don't worry about me, Mom. I know what I'm doing and I'm happy."

"Whatever it is I'm just here for you, Son."

Nagpaalam ba ako kay Mom. Wala pang twenty minutes nakarating na ako sa cafe ni Keila. Napaaga pa nga ako ng fifteen minutes kaya umupo na lang sa ako bench sa gilid ng cafe. Nakatingin ako sa phone ko dahil baka may text si Keila pero wala siyang kahit na anong text sakin. Pagbalik ko ng phone sa bag napansin ko 'yong umupo sa tabi ko. Mukha pamilyar 'yong mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Siya ba 'yong sinasabi ni Keila kahapon? "Kayo po ba 'yong bagong staff dito sa cafe?" tanong ko.

"Oo ako nga. Ako nga pala si Karen. Ikaw? Customer ka ba? hindi ka kasi mukhang staff dito. Ang gwapo mong bata." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Bakit ganon? Hindi ko naman siya kilala pero ang gaan ng loob ko sakanya. "Naaalala ko sayo 'yong anak ko." Sambit niya pero biglang lumungkot ang mukha niya at parang iiyak pa siya. Nag alalaa ako sakanya. Hindi ko alam kung paano ko siya ico-comfort. "Pasensya na, hindi kasi maganda 'yong nangyari samin."

"Okay lang po ba kayo?" tanong ko.

"Ayos lang ako, salamat. Ano nga palang pangalan mo?" kapag tinitignan niya ako pakiramdam ko nakikita niya sakin 'yong anak niya.

"Ako po si Dwayne. Kaibigan po ako ni Keila." tinititigan ko pa din siya at talagang pamilyar sakin ang mukha niya. "Nagkita na po ba tayo dati? Pamilyar kasi kayo sakin, Miss Karen."

"Tita Karen na lang ang itawag mo sakin, Dwayne." ngumiti ulit siya at tinignan niya ako. Inaalala niya din siguro kung nakita na ba niya ako dati. "Pamilyar ka nga din sakin pero hindi ko na maalala kung saan kita nakita."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon