Chance
Keila's point of view
"Mula kanina, isa pa lang customer natin." Sambit ko habang nakatingin ako sa pintuan ng cafe. Iniintay ko na bumukas ulit 'yon pero hanggang ngayon wala oa din tao. "Normal lang ba 'to? Tatlong araw na tayong walang customers."
Si Aly lang 'yong kinakausap ko tungkol dito kasi ayokong mag panic sila Mommy Karen. Mahirap i admit, may problema na talagang nangyayari. Masakit na din sa bulsa kapag ganitong walang tao sa cafe kasi nauubos na lahat ng savings ko tapos may loan pa ako sa banko.
"Tignan mo 'to," inabot sakin ni Aly 'yong phone niya. Facebook account ng isang girl tapos ang daming likes at comments pati share ng status niya.
Please don't eat at Sweet Corner. Look at their food, may langaw at paa ng ipis. So disgusting. Please share.
May picture siya sa cafe at meron ngang langaw at paa ng ipis sa Mango bravo namin. This was three days ago. Inalala ko kung may incident ba na may nagreklamo sa cake namin pero wala. Humigpit 'yong pagkakahawak ko sa phone ni Aly. May tiwala ako sa cakes namin at alam konh hindi pwedeng mangyari 'to tska isa pa malinis 'yong kitchen namin. How can this happen?
"Yan na nga siguro 'yong dahilan kung bakit nawalan tayo ng customer. Sakto kasi three days ago niya na post yan."
Biglang sumakit 'yong ulo ko. This is impossible. Kung totoo man 'to, bakit hindi niya agad sinabi sa staffs or sa akin na may ganon pala? Hindi ba dapat nagreklamo muna siya sa amin bago siya nag post ng ganito?
Tinignan ko 'yong facebook niya at fan pala siya ni Kean at Dana. Lumakas lang lalo 'yong kutob ko ka baka sinisiraan lang nila ako. Ito 'yong way nila para makaganti sa'kin.
"Naniniwala ka ba dito?" Tanong ko kay Aly. "Kung ako 'yong tatanungin, mukhang sinisiraan lang tayo ng taong 'to."
"Halata naman, eh. Wala naman nagreklamo sa atin tungkol dito at nagduda na agad ako nung nakita kong fan siya ni Kean at Dana. Tingin ko ito na 'yong panibagong way nila para atakihin ka."
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ang lupit nila sakin? Wala naman akong ginagawa sakanilang masama. Akala ko pa naman tapos na 'yong issue na 'to pero hindi pa pala at mas malala pa 'yong ginawa nila ngayon dahil pati 'yong cafe ko, dinamay nila.
"Kailangan kong makausap 'yong nag post na 'to," nag message ako sa babae. I invited her here to clear things out dahil kapag hindi niya napatunayan na totoo lahat ng bintang niya, kakasuhan ko siya ng libel. "Sana mag reply siya, kung wala naman katotohanan 'yong sinabi niya kailangan niyang burahin 'yong post niya."
"Kailangan niya talagang mag reply noh! Kailangan niyang mag sorry sayo at sa cafe! Kailangan niyang bawiin 'yong mga araw na nawalan tayo ng customers dahil sa paninira niya! Nako, nag-iinit na naman 'yong dugo ko!" Mukhang galit na galit nga siya. Nakakatakot si Aly. Sana makita 'to ng babaeng nag post na 'yon para naman mag reply agad siya. "Beast mode ako sakanya, ha."
"Hayaan mo na muna, papangit ka nyan."
"Kei, hindi uso sakin 'yong word na pangit!" Bigla na lang siyang tumawa. May pagka-abnormal din 'to si Aly, eh. "Nako, back to work na nga."
Akala ko talaga wala ng customer na darating sa cafe pero meron pa din naman kahit papaano. Buong araw tuloy sumasakit 'yong ulo ko dahil don. Palagi kong tinitignan 'yong phone, nagbabakasakali na baka mag reply na 'yong babaeng nag post about sa cafe. Magsasara na kami at lahat wala pa din siyang reply.
"Hay nako! Kapag ako nainis dyan sa babae na 'yan, papahanap ko siya sa buong angkan ko tapos ipapabugbog ko. Ka-imbyerna siya ha!" sigaw ni Aly habang nagliligpit kami. Galit na naman siya. "Sandali, aalis kayo ni Pogi ngayon 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Dear tadhana (Published and adapted to a series)
RomanceMinsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang pwede mong gawin, ang sumabay sa agos o ang kalabanin ang nakatadhana sayo pero ang tanong kaya mo b...