Chapter 34

666K 20.3K 19.3K
                                    

Dwayne's POV


Hindi ko na nagawang samahan si Keila sa taping nila dahil masyadong maaga ang alis nila at madami pa akong tatapusin sa office kaya hindi ko magawang mag absent. Kung pwede lang sana palagi akong kasama ni Keila lalo na sa mga tapings.

Natatakot kasi ako.

Natatakot ako na baka mapalapit ulit si Kean at Keila. Natatakot ako na magkabalikan sila. Natatakot ako na mawala sa akin si Keila at tuluyan akong maiwan mag-isa.

Alam ko naman simula nuon na si Kean talaga ang mahal niya. Kahit hindi niya sabihin o kahit i-deny niya pa, alam ko dahil nararamdaman ko 'yon. Masakit pero kinakaya ko na lang. Pinanghahawakan ko na lang 'yong pag-asa na isang araw tuluyan na talaga niyang makalimutan si Kean at sa araw na 'yon, kaya na ulit akong mahalin ni Keila ng buo. Katulad lang ng dati.

"Kuya hurry up! We'll be late!" sigaw ni Jenelle. "Tulala ka na naman, si Keila na naman ba ang iniisip mo?"

"Syempre, sino pa ba?" singit ni Mom. Napabuntong hininga na lang ako. Ito na naman silang dalawa, inaasar na naman ako. "Wag kang mag-alala, mahal ka non."

Sana nga eh, sana ako na lang 'yong mahal niya.

"Halika na nga Jenelle," Pag-aaya ko. "Baka ma bully pa ako ni Mom dito." Sabay pa silang tumawa. Like mother like daughter talaga. Akala ko pa naman kakampi ko si Mom. Psh. Bakit ba kasi kailangan pang mawala ni Tatay sa mga ganitong sitwasyon.

Dinaan ko lang si Jenelle sa school tska ako dumiretso sa office. Minsan lumulutang na ang utak ko, kakaisip kay Keila. Ayoko naman siyang guluhin sa oras ng trabaho niya kaya hindi ko din magawang tumawag at mag text.

Hindi pa naman niya ako boyfriend para maging clingy ako sakanya.

"Wait!"

Pinindot ko ang open button ng elevator. Nang makita ko kung sino ang sumigaw napabulong na lang ako na, "Sana pala hindi hinayaan ko na lang magsara 'yong door."

"Hi Dwayne," bati niya gamit ang matinis at nakakairita niyang boses. "Smile, ang aga aga badtrip ka."

"Ikaw ba naman makita ko sa umaga, hindi ba ako ma ba-badtrip?" Bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo?" Tanong niya

Umiling lang ako. Buti na lang nakarating agad kami sa floor namin. Hindi ko kayang tumagal na kasama si Krystal.

Pumunta ako sa office ko at nagsimula nang mag trabaho. Binabaling ko na lang sa work ang lahat habang busy din si Keila sa work niya. Buti na lang nakuha ko 'yong ugali ni Mom. Kapag nasa work, work lang talaga. Although minsan hindi ko maiwasan na maisip si Keila pero hindi ko hinahayaan na ma sacrifice ang work ko dahil don. Pareho kami ng profession ni Mom, siya ang naging dahilan ko kung bakit ito ang ang kinuha kong trabaho at ayoko siyang ma disappoint.

"Ito, kape." Inabot sakin ni Krystal 'yong kape na tingin ko siya ang nag timpla. "Kanina ka pa busy dyan, eh." Nakangiti siya sakin pero hindi ko maiwasan na mainis. Kapag naiisip ko kung anong mga ginagawa niya kay Keila, umiinit agad ang ulo ko sakanya.

"Dapat ba hindi ako maging busy? Binabayaran ako para mag trabaho at hindi para tumambay lang dito." Pag-susungit ko. Sana umalis na siya sa harapan ko. "Sayo na lang 'yang kape mo."

"Wow ha, ang sungit sungit mo na sa'kin. Parang wala naman nangyari sa'tin dati." Ngumisi siya sakin na mas lalong nag-painit ng ulo ko. "Minsan ka din naman naging akin, Dwayne."

Parang gusto kong masuka sa mga sinabi niya. "Pwede ba? Past is past. Madami akong nagawa mali sa buhay ko at isa sa pinagsisihan ko sa lahat ay ang makilala ka."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon