Chapter 18

712K 24.8K 12K
                                    

Little angel

Kean's point of view

"Don't worry, nilalakad ko na ang lahat."

"Make sure na maibabalik pa sakanya 'yong coffee shop. Sabihin mo lang sakin kung anong kailangan mo, ibibigay ko 'yon agad," inabot ko sakanya 'yong sobre na pang bayad ko sa serbisyon niya. Siya na 'yong pinaka magaling na abogado na nahanap ko kaya alam kong magagawa niya 'yong trabahao ng maayos. "Thank you attorney Lim."

"No problem, Mr. Marco."

"Just make sure this would be confidential," tumayo ako para makipagkamay sakanya. "I'll see you next week."

Pagkaalis niya, saktong pagdating nila Hiromi at Arkin. Ever since, sila na 'yong nagbabantay kay Keila para sa akin. Wala namana akong pakialam kahit walang kaalam alam si Keila na simula nuon hanggang ngayon, nakabantay pa din ako sakanya. Kahit sa malayo, nakatingin pa din ako sakanya. Alam kong hindi na kami pwede pero gusto ko pa din siyang alagaan kahit na alam kong nandyan na si Dwayne para sakanya.

"Anong balita?" tanong ko. "Any updates?"

"Ayaw pa din magpakita nung babae sa amin," sagot ni Hiromi. "Matigas talaga siya, eh."

"Well, kung wala tayong mapapala sakanya maghanap na tayo ng ibang way. Kamusta 'yong cctv? May nakita ba kayong kakaibang pumunta sa shop bago 'yong inspection?"

"Nakita na namin 'yong cctv footage for the last five days pero wala namang kahina-hinalang tao na pumunta sa shop. 'Yong mga possible suspects naman namin, nakausap na din namin at mukhang wala naman talaga silang kinalaman sa mga nangyari." Sagot naman ni Arkin.

Nag-isip ako ng mabuti. Kung hindi sa labas, pwedeng inside job ang nangyari. Pwedeng isa sa mga staff ni Keila 'yong kasabwat ni Krystal. "Tutukan niyong mabuti si Alynna, 'yong close friend ni Keila. Malakas 'yong kutob ko na may kinalaman siya dito."

"Sige kami na 'yong bahala. Kamusta si Hailey?"

"Tatlong araw na siya dito sa bahay at mukhang okay na naman siya. saan kayo mag noche buena? Gusto niyo ba dito na lang kayong dalawa mag celebrate ng pasko?" biglang nabuhayan si Arkin sa sinabi ko. Alam kong nasa ibang bansa 'yong family ni Arkin at nasa probinsya naman 'yong kay Hiromi kaya for sure silang dalawa lang din 'yong mag celebrate mamaya. "Kami lang din naman dito kaya mas okay kung nandito kaya para mas masaya."

"Sige, gusto namin 'yan." masayang sabi ni Arkin.

"Babalik na kami sa unit namin pagkatapos gagawa kami ng ube halaya tska lecheflan para mamaya." Mukhang excited na excited silang dalawa ni Hiromi.


Pagkaalis nilang dalawa, pumunta ako sa kwarto ni Hailey para tignan kung gising na siya. Nandon si Tatay at pinagmamasdan siya. "May problema ba, Tay?" tanong ko pagkatapos umupo ako sa tabi niya.

"Kailangan mo nang ihanda ang sarili mo, anak." kalmado lang si Tatay pero bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya. "Nanghihina na si Hailey at kahit ayoko man isipin, alam ko malapit na siyang kunin sa atin." tinignan ko si Tatay at tinignan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala sa mga nasabi niya.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon