Get away from me
Nagising ako sa kotse ni Dwayne. Pagmulat ko pa lang ng mata ko, siya na agad 'yong nakita ko. Puno ng pag-aalala 'yong mata. Ano bang nangyari at nandito ako?
"Keila, okay ka na ba?" Tanong niya. "Ito, tubig oh, uminom ka muna." Inabot ko 'yong mineral bottle pagkatapos uminom ako ng madami. Medyo mabigat lang kaonti 'yong pakiramdam ko pero ayos lang ako. "Ano bang nangyari? Akala ko ba masama 'yong pakiramdam mo? Bakit ka nasa labas?"
Oo nga pala. Ang alam pala niya, masama pakiramdam ko. Karma ata 'tong nangyari sakin. Sumama na talaga 'yong pakiramdam ko, eh. "May binili lang ako dito."
"Dapat sinabihan mo ako para nasamahan kita." Sambit niya. "Hindi ba sabi ko naman sayo, kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako."
"Sorry, ayaw lang kasi kitang abalahin."
Umiwas siya ng tingin sakin at napabuntong hininga siya. "Bumalik ako sa bahay niyo kasi nakalimutan kong ibigay sayo 'yong recipe ni lola pero bago pa ako makababa sa kotse ko nakita ko 'yong kotse mo na paalis kaya sinundan kita. Nakita kong pumunta ka sa bahay nila Kean pagkatapos dito sa mall. Naisip ko na baka ayaw mo lang talaga akong makasama kaya hindi ako nagpapakita sayo kanina pero lumapit na ako kanina nang parang matutumba ka na."
"Dwayne sorry, ang totoo kasi nyan hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Gumawa lang ako ng excuse." Tinignan ko siya at mukhang hindi niya maintindihan 'yong mag sinabi ko. "Dwayne, natatakot kasi ako."
"Natatakot saan?"
"Natatakot lang ako na mahulog ka sakin ng sobra kasi baka hindi kita masalo."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Matagal na akong nahulog sayo Keila at kahit hindi mo man ako saluhin, mamahalin pa din kita." Tinignan ko siya at pakiramdam ko ako ang nasasaktan para sakanya.
"Dwayne, ayaw kitang saktan. Oo mahal kita pero bilang kaibigan lang. Sa lahat ng mga magawa mo sakin, hindi kita makakayang saktan." Umiwas ako ng tingin sakanya. Naaawa talaga ako kay Dwayne. Parang umaasa lang siya sa wala. Tama si Cloud, hindi ko dapat siya paasahin. "Dwayne, ayokong umasa ka."
"Umasa man ako o hindi problema ko na 'yon. Ang gusto ko lang palagi akong nasa tabi mo kahit na masaktan pa ako, wala na akong pakialam kasi ganon kita kamahal, eh." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Keila, just let me stay."
Ito 'yong dahilan kung bakit gusto kong umiwas sakanya.
Hindi, hindi pwede. Masasaktan ko lang siya kapag nanatili pa din siya sa tabi ko.
"No Dwayne, you'll just end up hurting. Lumayo na lang muna tayo sa isa't isa hangga't may feelings ka pa sakin. 'Yon lang 'yong paraan para hindi kita masaktan." Hindi ko na napigilan maiyak. Mahirap din naman sakin na palayuin si Dwayne dahil mahalaga na din naman siya para sakin pero aasa lang siya sakin at masasaktan. "Dwayne, I hope you undestand. I'm just doing this for you. I'm really sorry." Bumitaw ako sa kamay niya at lumabas ako ng kotse niya.
Ayoko na siyang lingunin pa dahil alam na umiiyak siya ngayon at mas lalo lang akong mahihirapan. Mas mabuti na din 'tong ginawa ko. He deserves someone better. 'Yong taong kayang ibalik ang pagmamahal na binibigay niya at alam ko na hindi ako 'yon.
Bumili muna ako ng pagkain at duon na ako sa kotse kumain. Siguro kaya ako nawalan ng malay kanina dahil sa gutom. Wala na naman siguro 'yon.
Nag drive ako pabalik sa bahay. Wala na si Cloud, umalis na siya para mag taping. Pinuntahan ko si Mama sa kwarto niya. Nakahiga siya sa kama niya habang nanunuod ng TV. Humiga ako sa tabi niya at niyakap ko siya. "Anak, may problema ba?" Hinaplos haplos niya ang ulo ko. Isa 'yon sa mga bagay na nagpapakalma sakin.
BINABASA MO ANG
Dear tadhana (Published and adapted to a series)
RomanceMinsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang pwede mong gawin, ang sumabay sa agos o ang kalabanin ang nakatadhana sayo pero ang tanong kaya mo b...